{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Holy shit, Hindi ko inaasahan na kaya nilang labanan ang buong hukbo ko. Nahirapan ang dalawa ngunit nagawa nilang talunin ang mga alagad ko, pati si Gormeck, Isang malakas na mahika ng hangin at sipa ang nagpahiwalay sa ulo nito! sakanyang katawan. Dahil dito, tatlong araw ang pagitan ng mga nasira ko'ng alagad bago ko sila magamit ulit. In other words, Sa loob ng tatlong araw balik ulit ako sa pagiging normal na bata'ng walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.
" Hays! Matagal-tagal nadin nuong huling pinagpawisan ako ng ganito! at sawakas!!! makakapagpahinga na tayo!" wika ni Stacia
" Ito naman talaga ang plano natin, Uuwi tayo sa Hometown natin para magbakasiyon at makalayo-layo sa trabaho bilang adventurers na kumikita ng salapi sa pagtanggap ng mga Quest pero sa oras na dumating tayo sa baryo natin, agad silang humingi ng pabor saatin para resolbahan ang mga Gargoyle Demons" Saad ni Aria
" Pero..Sinong magaakala na may Arcdemon dito, Ang mapayapang kagubatan ng mga Beastmens..."
Hindi nagtagal ay nagtungo na ang dalawa sakanilang baryo at sinundan ko ang dalawa papunta dito. Matatagpuan ang baryo ng Birdfolks at Rabbitmens sa kanlurang bahagi ng kagubatan sa borderlines ng kapatagan ng Kagubatan. Ito ay dahil sa pamamahala ng argrikultura ng kanilang baryo. Nagtatanim sila ng mga gulay sa lupa at ito ang nagsisilbi nilang pagkain habang kaming mga Wolfkin ay nangangaso ng mga hayop sa gubat.
Marami ako'ng nakikitang Birdfolks at Rabbitmens na naninirahan at magkasama sa baryong ito, Mayroon din ako'ng nakikitang mga Wolfkin na bumibili ng gulay ng mga ito. Mukhang ito ang market place para sa gulay at prutas. Mukhang wala ng dahilan kung bakit ko tinatago ang sarili ko. Agad na nilapitan ko si Stacia at Aria at susubukan ko'ng magtanong sa dalawang ito tungkol sa pagiging Adventurer.
" Hello! po! mga ate! maari ko ba'ng malaman kung paano maging Adventurers!" ginamit ko ang espesiyal na abilidad ko na magtunog-tunugan at magsalita na parang bata. Nginitian naman ako ni Stacia at hinawakan ang aking tenga sa ulo.
" Oh! Isang batang Wolfkin! anong ginagawa mo dito? masyado kanang malayo sa baryo niyo? nagiisa kalang ba?"
" Opo...Naririto po ako para malaman ang mga bagay bagay tungkol sa pagiging adventurers, Pansin ko po maraming tulad niyo ang naririto sa baryo?" tanong ko sakanya, Ito ay sa oras na makita ko ng malinaw ang kapaligiran, maraming tulad nila Stacia at Aria na nakasuot ng kanya-kanyang disenyo ng baluti.
" Ako nga pala si Stacia! Isang Rabbitmen! at Isang First Class Adventurer at ito naman si Aria isang Birdfolk First Class Adventurer din"
" Ah! Ako po si Ur....Isang Wolfkin na umaasang maging Adventurer tulad niyo" Tugon ko, Pinaikli ko ang aking pangalan upang hindi nila makilala dahil mukhang dalawang pangalan ng tao ang ipinangalan saakin at ang dalawang ito ay ang mga sikat na Beastmens.
" Kung gusto mo maging Adventurer! Kinakailangan mo ng pera para magparegister sa guild dahil sila ang nagbibigay ng benipisyo saaming adventurers, Kinakailangan mo ding kumumpleto ng Quests, Madali papuntang Mahirap na Quests para pataasin ang rank mo, Masmataas mas maganda kaso sa oras hingihin ng Guild ang tulong ng bawat adventurers! Hindi kami makakatanggi"
" Ano po'ng klaseng pagtulong ang hinihingi ng Guild?"
" Hmm.....Simple lang!! Tutulungan mo ang mga sundalo at kabalyero na talunin ang mga demonyo, Isang ulo ng demonyo ay katumbas ng isang ginto! at mahirap makakuha ng ginto! Kaya isa itong biyaya para saamin, Pero! siyempre! mahirap kasi maaari ka'ng mapahamak sa labanan-"
" Stacia tama na ang pagbababy sit, Bata huwag mo nang pangarapin maging adventurer, Delikado ito, sa simula ay maganda ngunit....hindi ka makakawala sa kadena ng guild sa oras na magregister ka dito bilang miyembro nila, in other words..Magiging tuta ka nila na sunod-sunuran dahil matinding kaparusahan ang nagaantay saiyo sa oras na hindi mo sundin ang pinaguutos ng Guild at ang utos na ito ay galing sa Hari ng mga tao"
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...