[Arc 2] Ch-18: Reinforcements

425 50 5
                                    

{Niriharu Odoko}

" Huwag ka'ng gumalaw sabi!" saway ko sa makulit na lalaking ito habang pilit na hinuhubad ang kanyang pangilalim sa damit. 

" Te-teka lang!! Huwag ka makuleet! Hindi mo pwedeng makita iyan! naka reserved na iyan-"

" Wala ako'ng pake!! Titikma-" Isang hindi sadyang sipa ang tumama saaking mukha dahil sa pilit na paglaban nito saakin na siyang ikinabadtrip ko at agad na binatak ang aking latigo na tinadtad ko sakanyang junjun.

" AGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" Sigaw nito.

" Binibigyan kita ng pagkakataon. Gaano ba katindi ang aking itsura? Nakakawala ba ng gana? O sadyang duwag kalang" provocation ko dito. Ang lalaking ito ay hindi bumibigay saakin. Halos lahat ng pinaparusahan ko ay nahuhulog saakin at ginagawa ang kahit na ano'ng kagustuhan ko.

" Hindi sa ganuon pero..may iba na kasi ako'ng mahal" tugon nito saakin. Sa unang tala ng aking buhay. Ito ang unang pagtanggi na ang natanggap. Kaya naman sahalip na magalit, nakita ko ito sa ilaw ng pagkasabik dahil gagawin ko ang lahat para nakawin siya sa tao'ng sinasabi niyang mahal niya. 

" Then I'll steal you from her...at magiging personal na alipin kita na kukumpleto sa uhaw ko-" 

Isang ligaw na patalim ang tumusok sa likod ng aking ulo na tila pwersahan nito'ng pinatikom ang aking bibig sa pamamagitan ng sakit. Sa kapal ng bungo ko, hindi ito masyadong bumaon kaya't hinugod ko ito at pinanggigilan. Ang nagbato nito saakin, malugod ko'ng ibabalik sakanya ito.

" ARAY!!! Lintek!" reklamo ko. Agad na lumingon ako saaking likuran upang tignan kung kanino ito nanggaling. Nakita ko ang isang babae na pamilyar saakin. Ang babaeng nagtangkang paslangin ako sa paliguan. That Bitch!.

Hindi ko man dala ang aking ispada ang kanyang patalim na inihagis saakin ay siyang itatarak ko pabalik sa leeg niya!. Pero ang astang pagsugod ko ay nahinto sa biglaang paglitaw ni Yahno mula sa anino ko at hinawakan ang aking braso na patusok na sa babaeng ito.

" First Division Captain Niriharu Odoko. Refrain from using unnecessary acts" Nagulat ako sa paglitaw ni Yahno. Dito na niya agad sinabi saakin ang sitwasiyong hindi ko pa nalalaman. Hindi pa nakakaabot dito ang pwersa ng mga demonyo at nais ni Yahno na gamitin ako at tulungan sila'ng sugpuin ang bawat isa'ng demonyo na naririto saaming distrito. Na siyang normal dahil ito ang aming trabaho.

" So...Kagagawan ito ng Alchemist Wizard? pero hindi ko maintindihan kung bakit mo kasama ang bwiset na asong babae'ng iyan" masungit na wika ko kay Yahno habang tinitignan ng masama ang babaeng nasa likod niya na may sumulat na tingin saakin.

" Aba-aba, para sa 'ASONG' tulad mo na tumatahol kanina ay may gana kapa'ng magsalita at mambintang. Sa kuwartong ito, Ikaw lang ang aso. Niriharu Odoko" pangangasar nito saakin. Hindi na ako nakapagpigil at muli ko'ng sinubok na ibaon ang aking patalim sakanyang mukha na siyang napigil dahil kay Yahno.

" Teka! Niri! marami'ng nangyari...Ang aking squad na binubuo ng Ravens ay wala na ako tanging siya nalang ang makakatulong saatin, binayaran ko na siya kaya't kumampi na siya saatin"

" Hindi pa natin masisigurado iyan! Paano kung hindi pera ang gusto niya-" Wika ko. Naputol ang aking pagsasalita nang biglaan ito'ng naglaho sa anino at lumitaw sa likuran. Sa isang iglap hawak-hawak na niya ang pisngi ni Urfang na nakahiga at nakaposas sa higaan at nginungudngod na niya ang kanyang pisngi dito. 

" Ah! Ahh!!" tila umuungol pa ito.

" I-Ihampas mo ulit ako sa pa-pader Hehehe hehehe " Dito kuna nalaman, Kung ako ang tinatawag nila na Sadist Queen. Ang babaeng ito naman ay ang 'Masochist Queen'. Isang babaeng nae-excited tuwing sinasaktan. Kitang-kita ko ang pandidiring mukha ni Urfang kaya't inawat ko na ang nakawalang aso'ng babae na ito at tinadyakan palayo kay Urfang.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon