{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Ang Elder na mismo ang lumapit saaming tagalabas. Sa isang saway lang ay ang mga ganadong tagabantay nilang nagnanais na kunin ang mga ulo namin ay napahinto. Dito palang ay nakita kuna agad ang impluwensiya ng Pinuno sa baryong ito.
" Sino ang mga batang ito?" Tanong ng Elder kay Ugino na mabilis na lumapit dito at lumuhod.
" Sila po ay aking mga panauhin." Tugon ni Ugino.
" Oh? Panauhin ng aking apo? kasama na ang dalawang Wolfkin? seryoso kaba? Ugino?" paniguradong tanong ni Elder. Tumango naman si Ugino dito. Tinignan kami ng Elder pa-isa-isa pero sa oras na tignan niya kami ni Ina, Medyo natagalan siya bago niya ilipat ang kanyang paningin na tila may napansin siya saamin.
" Kung ganuon...Dalhin sila saaking Mansion" utos nito. Pero agad na tumutol ang mga bantay.
" Saglit lang po! ELDER! Hindi maaaring narito ang mga Wolf! Sila ay dapat paslangin sa paglabag sa kasunduan ng dalawang angkan!"
" Opo! Elder! Please Reconsider your actions! maaaring ispiya sila o assassins na ang buhay mo ang kanilang habol! lalo na ang bata at babae na may dalang sandata at may angking galing sa pakikipaglaban!"
Well hindi ko sila masisise dahil sa biglaang kaguluhan ngunit sa depensa ko ay sila ang nauna. Wala kaming planong saktan ang kahit sino dahil ang habol lang namin ni Ina ay paglilinaw na hindi ako ang magmamana ng titolo bilang Pinuno ng Angkan ng mga Foxkin.
" Alam ko ang ginagawa ko. Ipagpatuloy niyo nalang ang pagbabantay" saad ni Elder.
Wala ng nagawa ang mga bantay at hinayaan nalang kaming sumunod sa mga yapak ni Elder habang akay-akay ng mga babaeng Foxkin sa paglalakad nito. Pero hindi parin mawala ang mga masasamang tingin ng mga ito saakin. Ibang iba ang baryong ito sa nakasanayang baryo ko. Ramdam mo ang pagiging istrikto sa bawat dulo habang ang baryo ng mga Wolfkin ay puro pagsasaya lang at may kaunting sibilisado ang bawat mamamayan dito.
Nakarating na kami sa Mansion ni Elder. Masyado itong malaki kumpara sa iba'ng bahay na umabot na sa masmalaki pa ito saaming Mansion. Pinapasok niya kami dito. Sakanyang bakuran, maraming istatwa ng iba't-ibang hayop ang mga nakatayo at kasama na dito ang mga naggagandahang mga bulaklak at ang pinakamalaking istatwang bato dito ay ang Istatwa ni Ina na katabi nito ang isang babae habang nakapalibot sakanilang dalawa ang mga makukulay na bulaklak.
" Elder..nasaan na po si Ina?" tanong ni Ugino.
" Tumulong si Reiko para paslangin ang mga demonyo saating teritoryo, isang araw na ang nakakalipas ay nagkaroon ng Lesser Gate at malalakas na demonyo ang mga nagsilabasan dito. Matagumpay na naitaboy ang mga ito kasama na ang High Templar, bumalik sa lagusan ang High Templar ngunit ang isang Arcdemon na kasama nito ay nakatakas at kasalukuyang hinahanap ng iyong Ina kasama ang mga pinagkakatiwalaan niyang mga guwardiya sa baryo" wika ni Elder. Lesser Gate ang tawag nila sa mga maliliit na mala 'Gate of Doom' na binubuksan ng mga High Templar Demons. Pero ang ikinababahala ko ay ang naggagalang Arcdemon. Maaaring malakas ito at kung sakali, Pwede ko itong gawing sariling alagad.
" Ganoon po ba? Elder..." nagaalalang tugon ni Ugino.
" Huwag ka'ng magalala...Kasama ng iyong Ina ang mga Warring Spirit Users at Elemental Spirit Users na mga kalahi natin, isama mo pa dito ang kapangyarihan ng iyong Ina na kontrolin ng sabay-sabay ang kanyang mga kakontratang Higher Spirits" Wika ni Elder. Napa 'wow' face nalang ako sa oras na marinig ito. Kontrolin ang mga ito ng sabay-sabay? nagpapatawa ba siya! Ang pagkontrol sa mga spirits ay mahirap lalo na't kung mayroon itong malakas na sariling kagustuhan katulad ni Poole. Ang mga normal na kakontratang mga Higher Spirits ay laging nasatabi mo at hindi ka iiwan, tila nagsisilbi ito bilang alaga mo. Pwede mo'ng hiramin ang kanilang kapangyarihan ito ay sa paglikha ng kanilang mga sariling pisikal na anyo.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...