{Zeer}
Kasalukuyang binabantayan ko si Lady Alondra, ito ay dahil sa laban niya sakanyang nakakabatang kapatid na may malahalimaw na pisikal na lakas at lakas sa mahika at karanasan sa mga tunay na laban.
Ako si Zeer, isang munting babaeng naghahangad ng dahilan para mabuhay. Lumaki ako sa tinatawag na 'battlefield' ng mga mandirigmang nakikipaglaban sa hukbo ng mga demonyo. Tanda ko pa nuong ako ay bata pa, Ang panahon na hindi pa kaanib ng Kaharian ng Utopia ang mga Wolfkin at iba't-iba pa'ng mga Beastmens.
Tanda ko pa sa kuwento na may sariling kontinente ang mga Beastmens. Ang silangang kontinente ay ang sakop nito. Ang mga nakatira naman sa kanluran ay ang mga tao o Human habang sa Hilagang kontinente ay ang mga Fairies habang sa Timog naman ay ang pinakamalakas at pinakamataas na mala-alamat na lahi ang naninirahan dito, ang mga Dragonkin.
Nakatira ang aming ninuno sa maliit na isla malayo sa kamalayan ng iba'ng mga nilalang, ang mga ninuno namin ay nagtatago sa utos ng unang lider ng Wolfkin, Sa mga kuwento ng aking mga lolo at lola, maganda daw ang silangang kontinente, isang paraiso ito!. Pero kinakailangan namin itong iwan dahil sa utos ng pinuno ng mga Wolfkin.
Naaalala ko pa sa kuwento ng aking ama at ina, kasama na ang lola at ang aking lolo ay dahil ito sa utos ng pinuno ng Wolfkin. Lahat ng bata o matanda, babae o lalaki ay dapat makipaglaban sa mga demonyong nagnanais na sakupin ang aming teritoryo.
Ito ang nagtulak saaking mga ninuno na tumakas, kahit na bansagan nila na 'duwag' ang aming dugo. Dahil ito sa pagdating ng mga misteryosong demonyo na nanggaling sa loob ng higanting Gate na biglaan nalang tumubo mula sa kalupaan ng Kontinente ng mga Beastmens. Alam na namin na sila na ang tunay na kalaban.
Sa Silangang kontinente ay may nagaganap paring gerang sibil, laban sa mga Foxkins dahil sa agawan ng teritoryo. Ang mga Rabbitmen at Birdfolks ay walang nagawa kung hindi lisanin na ang kontinente ng mga beastmens at magtungo sa Utopia. Dahil ito sa walang katapusang gera sa pagitan ng mga Foxkin at Wolfkin kung sino talaga ang tunay na nagmamayari ng kontinente na ito, para sa dalawang panig, Sakanila ang teritoryong ito. Kaya't nang sabayan ito ng pagsakop ng mga demonyo, mabilis na nabasag ang kanilang lakas at mabilis na nasakop ito.
Ayon kay Lolo at Lola, ang ninuno namin ay gumawa ng matibay na ugnayan sa lahi ng mga sirena, dahil sakanila ang isla na tinitirahan natin, Ang relasiyon na ito ang nagpatuloy saaming mabuhay ng napakatagal.
Wala ng pureblood na Wolfkin saamin, dahil nagpatuloy ang aming pagdami salamat sa mga sirena. Mayaman sa lahat ang islang ito sa pagkukunan ng kinakailangan para mabuhay kaya't nagawa naming mabuhay dito ng matagal na umabot pa saakin na pa'ng apat na siyam na henerasiyon.
Masaya na ang lahat para saakin wala na ako'ng ibang gusto kung hindi makasama ang aking mga kapamilya, ang paraan namin sa pagmamay-ari ay kinalaman sa mga Sirens. Isa ako'ng halfbreed Siren at Wolfkin. Pero lahat ng kasiyahan ay may wakas. Dumating na ang panahon na nagawang abutin ng mga malalaki at nakakatakot na palad ng mga demonyo ang aming mapayapang isla at sinakop ito. Ako nalang ang natira saaming pamilya dahil pinatakas ako nila Ina at Ama sa isang maliit na bangka na ako lang ang kumasiya. "Tumakbo ka! at mabuhay!" ayan ang huling bilin saakin ng aking mga magulang.
Tinangay nalang ako ng malakas na alon, dahil wala na ako'ng natitirang lakas para gumalaw dahil sa kalungkutan na habang buhay na hindi kuna ulit masisilayan ang mga masasayang mukha ng aking mga magulang. Nang makarating ako sa pangpang, dito kuna nakita ang kinalabasan ng gera sa pagitan ng mga Foxkin, Wolfkin laban sa mg demonyo. Ang mukha ng gera. Mga bangkay na nakakalat sa lupa at mga higanting uwak na kinakain ang mga bangkay at higit sa lahat ay ang mga demonyong pinagpi-piyestahan ang mga katawan ng aking mga kalahi.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasi"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...