[Arc 3] Ch-6: Losing and Gaining

236 32 7
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

" Takboo! takbooo!!! Dito kayo!!" sigaw ng mga adventurers. Sa pinakamaluwag na parte ng distrito, nakita ko ang mga sorcerers, wizards na lumilikha ng i-isang higanteng Barrier sa itaas para protektahan ang mga mamamayan. Habang ako naman ay tumatakbo papunta dito habang gamit-gamit ang shell ni Poole saaking ulo bilang payong. Ito ay para iwasan ang maliliit na bulalakaw at tibag-tibag ng mga bato sa mga gusali.

" Urfang! Hindi ako nagkakamali! isa ito'ng ancient magic!" nagulat ako nang biglang magsalita si Poole saaking balikat.

" Ancient? Magic?" tanong ko sakanya.

" Oo! Isa ito'ng Ancient Mass Spell Magic!, Wala pa'ng buhay sa mundo ang mahika na ito ay nilikha ng Celestial Beings, tulad ng mga Celestial Spirits, Beast at iba pa....Ang mga Ancient Spells ang pinakakumplikado sa lahat kaya kinakailangan mo ng napakahabang Life Span para pagaralan ito...Kaya i-isa lang ang lahi na makakagawa nito.." Paliwanag saakin ni Poole.

" Elves? o Dwarves? " dagdag ko sakanyang paliwanag, tumango naman saakin si Poole, ngunit ang atensiyon namin sa paguusap ay napatigil nang sa itaas ng barrier na ginagawa ng napakaraming Magic-user ay tatamaan ng isa'ng higanting bulalakaw.

" Kahit gaano pa karami ang Magic-users at katibay ya'ng barya na iyan...Mababasag ito!" babala saakin ni Poole. Kung ganuon kailangan kunang kumilos. Sa pagtakbo ko papunta dito, isa'ng kakaibang pangyayari ang gumulat saaming lahat. Ayaw ko ma'ng gamitin ang aking mga [Servants] dahil hahakot ito ng mga hindi kinakailangang mata saakin pero wala na ako'ng magagawa, kaya naman nang gagamitin ko ito, napahinto ako dahil ang higanting bulalakaw ay nag-iba ng anyo at naging maliit na paro-paro. Maski si Poole ay nagulat sa pangyayari na ito.

" Wo-wow! Ligtas na tayoo!"

" A-ang galing!"

" Napakalupet!"

sigawan ng mga mamamayan at adventurers. Nakatigil lang ako at nakatayo habang pinagmamasdan ang paro-paro. Hindi ito isa'ng paro-paro para saakin, dahil ang paro-paro'ng iyon ay gawa sa pinakamatinding mahika at nagtataglay ng makapal na mana na maiihantulad sa higanting bulalakaw. Inilibot ko ang aking paningin para tignan ang mga bulalakaw na nakabaon sa lupa pero naglaho na ang mga ito. Maski ang mga Higanting Magic Circles sa itaas na nagpapaulan ng mahika ay naglaho na.

" Walang duda! Isa ito'ng High Class Spell!" mahinang saad ni Poole.

" Tama ka...Isa ito'ng [Interference Magic] pero....kinakailangan mo ng kaalalaman sa mahika na papakeilaman mo para mabago ang istraktura ng epekto na ito...Sino ang nilalang na kaya'ng ibahin ang epekto ng isang Celestial Spell!" Dagdag ko. Hanggang sa nakarinig ako ng yapak saaking likuran. Saaking pagtalikod, nakita ko uli ang tinatawag nilang Divine Maiden.

" Isa'ng kakaibang mahika ang ginamit ng kalaban para atakihin ang buong kapitolyo ng Utopia, tungkulin ko bilang Divine Maiden na protektahan ang Kapitolyo sa lahat ng mahikal na atake sa labas ng pader" Malumanay na paliwanag nito. Hindi ko alam kung magpapakita paba ako ng respeto sakanya at luluhod pero bago pa ako kumilos ay itinaas na niya ang kanyang braso para patigilin ako sa pagluhod.

" Sino ka? Munting binata? Tinutulungan mo ang mamamayan ko kahit na pinagsasamaan kanila ng tingin dahil isa ka'ng beastmen." malumanay na tanong nito. Salamat sa pagkakataon na ito, maoobserbahan ko ng malapitan ang babaeng ito. Divine Maiden, hindi ko alam kung gaano kalawak ang alam niya sa mahika dahil nagawa niya'ng sirain ang Celestial Spell na iyon pero nakakaramdam ako ng panganib kung patuloy pa ako'ng lalapit sakanya, kaya minabuti kunang tumalikod sakanya at mabilis na tumakbo papalayo.

Hahanapin ko pa si Shin, ngayong wala ng panganib! Kinakailangan ko siyang hanapin! ngayon din!. Sigurado ako'ng ayus lang siya dahil alam ko na hindi siya mamamatay sa ganitong pagkakataon dahil alam niya sakanyang sarili na may tungkulin pa siyang dapat gawin. Hindi siya pwedeng mamatay!. Isa pa kakakilala ko lang sakanya at hindi pa kami nagkakasama ng matagal. Pero...

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon