[Arc 2] Ch-17: What Now! Chief?

562 46 3
                                    

{Icaro Orudata}

Kaliwa't kanan ang sigawan. Ang aking hukbo laban sa mga Demonyo na naglalasik ng dilim sa bawat sulok ng distrito namin. Isang mahirap nalaban ngunit hindi para sa Onigoroshi. Upang solusiyunan ang matinding paikot na pagatake ng mga demonyo, ang sampung squad division ng Onigoroshi ay pabilog ko'ng pinasugod upang sila ang maging temporaryong magsisilbing pader ng mga inosenteng tao.

" AHHH!!"

"TULONG!!"

" MGA DEMONYO!!!"

Ang bawat sigaw na naririnig ko ay agad ko'ng tinutugunan sa pamamagitan ng pagwasiwas ko ng aking ispada sa mga demonyo'ng humahabol sakanila. Ang dami ng mga miyembro ng kulto na naging demonyo ay masasabi mo'ng marami ngunit hindi ito kasing dami ng isang battalion o hukbo na pang-gera. Para ba'ng sinusubukan lang ng kalaban ang kakayahan naming mga Onigoroshi sa pagprotekta sa Distrito na nakailalim saaming protection.

Habang pinapaslang ko lahat ng mga demonyo'ng makita ko kasama ang li-lima ko'ng tauhan na pinasama ko saakin. 

" Chief! Sa gusali na iyon! may nakita ako'ng demonyo!" wika ng isa saaking tauhan. Agad na ikinumpas ko ang aking braso patungo sa itinuro niyang gusali. Pinapunta ko ang lima duon habang ako ay nanatili sa ibaba at binabantayan ang kanilang lagusan palabas. Pero hindi ganuon kabait ang mga demonyo para hayaan kami'ng gawin ang aming trabaho ng maayos.

Dahil limang pigura ng mga demonyo ang lumapit saakin. Ang bawat isa sakanila ay may kagat-kagat na parte ng katawan ng tao o kaya naman isang kawawang biktima ng kanilang kasamaan. Ikinuyom ko ang aking kamao at hinawkan ng mahigpit ang aking ispada. Marami na ako'ng nabigo saaking nakaraan kaya naman hindi kuna hahayaang diktahan pa ng nakaraan ko ang aking hinaharap. Magbabago ako at sa pagkakataon na ibinigay saakin, Marami na ako'ng matutulungan at maliligtas.

Wala'ng takot ako'ng sumugot sa mga ito at hihiwa ang kanilang katawan sa iilang parte na siyang nagpaalala saaking nakaraan. Ang titolo ko na Chief ay ibinigay saakin ng hari dahil saaking pagganap sa gera at nakamit dito. Sa kasamaang palad ay ang gera na inaakala ko na nahinto na ay pansamantala lang pala dahil ngayong taon ay nagipon nanaman ang hari ng kanyang hukbo upang sa pagkakataong ito ay kami naman ang sumugod at wasakin ang kalaban sa silangan. Pero ang balita na ito ay siyang nagbigay lang saakin ng kalungkutan.

Ang mga binatang kabalyero at sundalo na nakikita ko sa daan na may mga ngiti sa mukha dahil magkakaroon na sawakas ng silbi ang kanilang pagsasanay, ang kanilang mga ngiti ay walang bahid pa ng dumi at kawalan ng pag-asa. Kaya hindi ko maiwasang isipin kung ano ang gagawin nilang ekspresiyon sa oras na makita nila ang tunay na katauhan ng 'Gera' laban sa mga demonyo. Mga kakilala mo at nakasama mo na ng matagal sa hukbo ay isa-isa mo'ng nakikitang bumabagsak sa lupa at nilubayan na ng buhay.

Ang kanilang mga bangkay na susubukan mo'ng bawiin ngunit sakasamaang palad ay hindi mo na ito magawang makilala dahil ang mga bangkay ng aming hukbo ay pinagkukunan nila ng pagkain na siyang karumaldumal para saakin. Hindi ko maiwasang masuka sa oras na makita ang hindi maipintang tanawin na ito. Ang langit ay umiiyak at ang berdeng lupain ay natakpan ng mga bangkay at kulay ng dugo.

Ngunit sakabila ng lahat patuloy parin kaming nakipaglaban at nakipagpatayan sa mga ito. Ang mga demonyong sinasabi'ng anak ng kamatayan at pagkawasak. Nakakatawang isipin dahil ang mga sinasabi nilang anak ng kamatayan at pagkawasak at sinusubukan naming talunin sa pamamagitan ng paggamit ng pareho'ng paraan tulad sa kanila na siyang ikalulungkot ko.
Dahil saaking angking galing sa pakikidigma at paggamit ng ispada at satulong ng aking mga kakampi na kayang gumamit ng mahika at pisikal na sandata, nagawa naming mataguyod at mabuhay. Maabutan ang bago'ng bukas.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon