{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
" Kukunin ko na ang buhay mo! Urfang Alestair Von Wolfencreed!!" sigaw nito saakin habang mabilis na sumusugod at umaatake saakin sa hindi kapanipaniwalang bilis. Pero hindi parin ako nagpatalo at sinasangga ko ang kanyang mga atake. Ngayon ay hindi na nakabaliktad ang kanyang ispada. Kumpara sa mga pigil na atake ni Uncle Sergio,masmahina ang pwersa ng pagatake nito. Tila pareho lang kami ng lakas pero lamang siya sa bilis.
Dito kuna napansin ang kakaibang maliit na nilalang na nakaupo sa balikat nito, isang maliit na nilalang nanakasuot ng berdeng damit at may hawak-hawak itong maliit na kros na pana. Dali-daling itinutok ng maliit na nilalang nito ang krus na pana, Isang maliit na palaso ang muntikan ng tumama sa mata ko. Salamat sa mabilis na pagsuporta saakin ni Poole na nagtatago saaking damit gamit ang kanyang maliit na anyo. Nagkaroon ng shell na kalasag sa mukha ko na sumalag sa palaso.
Nang mapansin nito ng dalawa mabilis na umatras ang misteryosong pigura sa pagatake saakin.
" Isang! Spirit! huwag mo'ng sabihin na namana mo ang kapangyarihan ni Lady Alondra!"
" Ho? Kilala mo si Ina? Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa ka'ng Foxkin, at dahil ito sa kasama mo'ng ispirito? Higher Spirit ba yang nasabalikat mo?"
" Nakikita mo din ang mga ispirito? Mukhang mahihirapan ako sa pagkitil ng buhay mo Urfang Alestair Von Wolfencreed, Ang isinumpang buhay ng aming angkan"
" Mukhang hindi ako welcome sa Foxkin Village...." Nakakapagtaka dahil ang Higher Spirit nito ay hindi isang Elemental Spirit. Sa halalip ay umaatake ito gamit ang kanyang krus na palaso o crossbow. Kaya iniisip ko kung ang bilis ba nito ay epekto din ng Higher Spirit na kakontrata nito.
Dito kuna narinig ang paliwanag ni Poole, Lumitaw siya saaking balikat at ginaya ang pwesto ng Ispirito sa kabila.
" Mag-ingat ka Ur, Isang Warring Spirit ang kalaban natin, ang mga warring spirit ay espesiyal na ispirito na nagbibigay ng mataas na aspeto sa pisikal na katawan ng taong kakontrata nito, Base sa pagkakaalam ko, mahina kapa kaya't mababa ang tiyansa na manalo ko sa labang ito"
Tama si Poole, Wala ako'ng matatawag na katulong dahil naubos lahat ng Gargoyles ko at higit pa sa lahat, hindi ako maaaring magwala sa lugar na ito dahil maaaring masira ang kainan na ito. Ayoko naman idamay sila Luna sa gulo na ito.
" Hoy Foxkin! maaari ba'ng lumipat tayo ng pwesto, base sa ginagawa mo, ako lang ang pakay mo at wala kang planong paagusin ang mga dugo ng inosenteng beastmens" Wika ko dito. Pinulot ko ang lalagyanan ng aking ispada at isinilid dito.Naglakad ako papunta sakanya habang pinapakita ang resolba ko. Dinaanan ko lang siya at hinayaan niya naman ako'ng makalabas sa labasan ng kainan. Sumunod siya saakin pero sa paglabas namin maraming Wolfkin na ang nagaabang at may hawak na ng kanilang mga sandata.
" Young Lord! UPAKAN NANATIN YANG HANGAL NA IYAN!"
" TSK! Kung gusto niyo ng gera! pagbibigyan namin kayo! Kaming mga Wolfkin ay nakahanda lagi lumaban!!!"
Masama na ang pinapakita ng pangyayari ngayon. Marahil ito ang dahilan kung bakit itinatago niya ang kanyang itsura dahil sa oras na makita ang kanyang mukha. Malalaman na isa siyang Foxkin at magkakaroon ng gera laban sa dalawang baryong ito. Mukhang pumunta siya dito na walang pahintulot ng baryo ng Foxkin.
Itinaas ko ang aking kamay at pinatahimik ang mga nauuhaw na Wolfkin sa laban pero hindi ko parin sila mapigilan. Hanggang sa dumating si Uncle Sergio at Tifa. Sa isang tingin at sigaw ni Uncle Sergio. Tumahimik ang lahat.
" Mga Ungas! Hindi niyo ba nakikita na isang duwelo ang magaganap! Ang duwelo saating angkan ay simbolo ng pagpapakita na isa ka'ng malakas na mandirigma! sa pamamagitan ng pakikipaglaban Isa laban sa Isa!.Kaya hindi niyo maaring dungisan ang duwelo ni Urfang Alestair Von Wolfencreed!" Napangiwi nalang ako dahil mukhang may epekto parin ang pagduduwelo sa panahon namin ngayon. Matapos nito nawala na ang mga nagawawalang Wolfkin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...