{Tifa Rey Von Wolfencreed}
Ako ngayon ay papunta sa bahay ni Luna, siya ang unang kababatang kaibigan ko na babae, siya ang apo siya ng dalawang matanda'ng mag-asawa na kaibigan ni Ama. Tanda kupa nuong una kaming nagusap at nagkakilala, isa siyang delicate na babae, maliit ang balikat, makinis ang balat at mahiyain na batang babae. Siya ang pinaka tipikal na babaeng karakter saaming buong baryo. Pero ang babaeng ito ay may malungkot na kuwento, namatay ang kanyang magulang sa gera laban sa mga Demonyo, kaya ang lolo at lola niya na ang nagaalalaga sakanya.
Ito ang gusto ko sakanya, Sa tuwing wala si Urfang sakanilang bahay o kaya naman hindi ko siya mahanap sa gubat, nakikipaglaro ako lagi kay Luna, araw araw kaming tinuturuan ng lolo at lola niya nag magluto. Pero para sa apo ng may-ari ng pinakasikat at kilalang kainan sa buong baryo namin, nagtataglay ng kakaibang kakayahan si Luna. Bawat pagkain na niluluto niya ay nagiging sakuna na tatapos sa buong mundo.
Hanggang sa nalaman ko na si Luna ay magusto sa moko'ng na iyon, Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa walang kwentang Urfang na iyon, pero masuwerte siya dahil sakabila ng kanyang pagiging mailap, may nagkakagusto parin sakanya. Isang araw biglang umalis sila Lady Alondra at Urfang kasama na ang nakakabwisit nilang kasambahay kung saan. Pero! ngayong! araw! ay bumalik na sila.
Pagkakataon ko na ito para tulungan si Luna sakanyang buhay pagibig, bilang pinsan ni Urfang at kababata, kinakailangang itulak ko siya sa tamang landas. Isa pa dahil sa mahiyaing ugali ni Luna, hindi niya magawang maglakad at magpagala-gala sa buong baryo na siya lang mag-isa. Pero kakaiba ang kanyang ikinikilos sa loob ng kainin dahil nagagawa niyang makipag-usap sa mga sineserbisiyohan niyang mga customers ng kanilang kainan. Siya ang tagapagsilbi at tagakuha ng order at tagahatid nito, she's really a Hardworker girl kaya ito ang dahilan kung bakit gusto ko magtagumpay siya sakanyang kagustuhan.
Kaya nang nabalitaan ko na dumating na at nakabalik na sila, inaya ko si Luna na magluto ng pagkain at sumama saakin upang ihain namin ito sakanila, 'ang daan sa puso ng kalalakihan ay ang kanyang tiyan' ayan ang sabi saakin ni Ina. Kaya sa pagdating ko, naabutan ko si Lola na nagwawalis sa tapat ng kainan habang si Lolo ay itinataas ang tabing ng kanilang tindahan. Pinapasok na nila ako sa loob. Dali-dali ako'ng nagtungo sa kusina at naabutan ang kagimbal-gimbal na sumpa sa kusina.
" Oh no!" reaksiyon ko nang makita ko ang mga mala-itim na kung ano man ang nakakalat sa kapaligiran. Para ba'ng nagsitalsikan ito sa buong kapaligiran, lalapit na sana ako kay Luna na namumutla dahil sa nilikha niyang halimaw. Pero sa paglapit ko sakanya, natapakan ko ang niluto niyang 'dark matter'. Ang pakiramdam ko ay para ba'ng nakatapak ako ng kung ano mang malambot na bagay ngunit abnormal ang lambot nito dahil tila tumatalbog ang paa ko tapas baba habang hinayaan ko ang bigat ng paa ko dito.
" Anong gagawin ko! Tifa! masisira na ang pinaghirapan natin!" pagkakabalisang wika saakin ni Luna habang hinahawakan ng mahigpit ang aking mga kamay. Alam ko na mangyayari ito kaya nakaisip na ako ng bagong paraan, dahil ginamit niya na lahat ng ingredients na maaari naming gamitin! nagdala ako ng extra! HAHA! Ang talino ko talaga, ang pagkakabalisang ekspresiyon ni Luna ay napalitan ng pagkatuwa.
" Let's Cook! " kahit na pinasaya ko si Luna at tinanggal ang kanyang lungkot, ganuon parin ang kinalabasan. lalo pa itong lumala dahil ang Dark Matter ay nagagawa nang tunawin ang kapaligiran na dinidikitan nito. Asido! isang asido!, sa oras na makita ko ang sakunang ito, na-imagine ko bigla ang mangyayari kay Urfang sa oras na ipasok niya sakanyang bibig ito. Biglaan nalang ba'ng lalabas ang kaluluwa niya o matutunaw muna ang ulo niya bago siya mamatay? Hindi kuna alam! pero ang alam ko ay masamang balita ito kung makakalabas ito sa kusina ng kainan.
" Luna! let's try again!! but this time! hayaan mo ako'ng magluta mag-isa at panuorin mo kung paano magluto ng maayos" kalmado'ng wika ko kay Luna. Pumayag naman siya at tumango ng may ngiti, nice hindi pa siya nalulungkot. Lumipas ang ilang minuto, nagawa ko'ng magluto ng sinabawan na karne ng Magic Beast na baboy na inihanda ni Ina at ang ginamit ko'ng mga pangsahog dito ay mga gulay gulay na personal pa'ng si Ina ang nagpatubo. Salamat nalang talaga ay may natitira pa'ng ingredients.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...