[Arc 2] Ch-1: The False Idol

776 70 0
                                    

Arc 2 Begins!!

'Capital of Adversity'

{Akriel}

Ang kaharian ng Utopia, ang kapitolyo ay pinoprotektahan ng naglalakihang pader, mga mahuhusay na guwardiya, mga mandirigmang manlalakbay ngunit paano ang mga maliliit na baryo na malayo sa proteksiyon ng Kapitolyo. Sino ang magproprotekta sakanila sa panahon ng kagipitan?, Sino ang magproprotekta sa mga kawawang nilalang na patiling namumuhay ng mapayapa kahit na sa bawat araw na lumipas, walang makakatiyak na walang pagbabago sakanilang buhay.

Kaya nang dumating ang gabi kung saan naghahasik na ang kadiliman, isang baryo ang nabiktima ng maliit na pwersa ng mga demonyo, sinugod nila ito sa maliit na bilang dahil alam nila na walang magproprotekta sa mga taong ito.

"  HAHAHA! Huwag niyo sila papaslangin! kailangan natin sila ng buhay!" Wika ng demonyo na may malataong itsura at pangangatawan. Mga bata, matanda, lalaki o babae ang biktima ng naglalakihang mga demonyo. Maririnig mo ang mga sigaw, hiyaw at pagiyak ng mga kawawang nabubuhay na kaluluwa. Ang mga iba'ng demonyo ay hindi nakapagpigil sa paghimok ng sariwang dugo at laman ng mga tao'ng mga walang laban.

Kaya ang mga iba ay pinagkakagat ang mga ulo, pinagpirapiraso at ipinasok sakanilang naglalakihang mga bunganga. Alam ko ang nakakasiwang pakiramdam na ito, ang mga nabubuhay na nilalang na natatakot sa itsura mo, masmasarap kung natatakot ito saiyo. Ito ang dahilan kung bakit hindi mapigilan ng mga demonyo ang pagkain sa mga ito. Ang mga pagsigaw at takot ng mga ito ang sinasabi nilang pangpagana.

" MAMA! PAPAA!!" Sigaw ng mga bata'ng nahiwalay sakanyang mga magulang na malamang ay kinain na o ipinasok na sa lagusan na nilikha ng pinuno ng mga demonyong ito. Ang High Templar Demon. Siya ang binanggit ko kanina na nagsasabing kinakailangan nila ang mga ito ng buhay, kaya't sa oras na may makita siyang demonyo na kinakain ang mahahalagang matiryales niya, pinapaslang niyo ito upang ipakita na ito ang mangyayari sa mga ito sa oras na hindi siya sinusunod ng mga ito.

" Mga bobo! kailangan ko sila upang ihain ito sa kalamnan ng Demon Generals!!!!" saway ng nito. Habang pinagmamasdan ang nakakasuklam na pangyayari mula sa malayo sa kawawang baryo na ito. Sino ba ang magliligtas sa mga tao'ng ito? narito lang ba ako para panoorin ang panghuhumok sakanila? Paulit-ulit ko nalang ito'ng nakikita sa oras na ipanganak ako sa mundong ito. Nakakapagtaka dahil ang mundong ito ay sinasabing mundo ng pagasa at awa ng Diyosa ng pagkalikha. Pero sa aking nasisilayan, nasaan ba ang awa at pagasa dito?.

Kaya sa unang pagkakataon, hindi ko napigilang bumaba sa lugar na pinagtataguan ko at pinagpapanouran ko upang tulungan ang bata'ng umiiyak. Iniharang ko ang aking katawan sa demonyong tinatangka'ng dakutin ito. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa, wala naman ako'ng pakielam sa kalagayan nila o sa kahit na ano'ng mangyari sa impeyernong mundong ito.

Sa mga oras na ito, isa lang ang nararamdaman ko saaking loob at ito ang pakiramdam na para ba'ng wala ako'ng laman. Hindi ako nakakaramdam ng takot o pagkasabik sa pangyayaring ito. Isa lang ang nararamdam ko at ito ay ang bigat ng saaking balikat, sa oras na lumantad ako at iniharang ko ang aking sarili para sa batang ito, sakop na ng responsibilidad ko ang mga natitirang buhay sa baryong ito. Bumibigat nanaman ang aking balikat, para ba'ng may bumabaon na kung anong mabigat dito at naninikip ang aking dibdib.

Habang narito ako sakanyang harapan. Nakatingin lang saakin ang batang umiiyak, Itinulak ko siya ng pagkalayo mula saaking kinatatayuan dahil ang higanting demonyo saaking harapan ay walang babalang umatake. Ang malaking braso nito ay siyang ginawa niyang panghampas saakin. Inilagan ko ito at sinipa siya upang ibalik ang kanyang atake, tumalsik ito sa inasinta ko'ng nasabing pinuno ng hukbo ng mga demonyo. 

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon