{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Napansin ko lang. Sa oras na dumating ako sa mundong ito. Puro gulo na ang aking natamo, kahit hindi pa nagsisimula ang tunay na laban ko sa mundong ito at kasalukuyang nagpapalakas palang ako, hindi ko talaga maiwasang IWASAN! ang gulo. Palagay ko ang gulo na mismo ang lumalapit saakin sa oras na ito. Hindi mawawala ang gulo sa pagtahak ko sa direksiyon upang magpalakas. Hindi ko dapat maliitin ang mundong ito dahil doble ang difficulty nito kumpara sa dati ko'ng mundo kaya't pagtapos ko magpalakas at matutunan ang mga halagang skills at kakayahan na isang advantage saaking dugo at pisikal na katawan, dadakutin ko ito pero sa kasamaang palad ay malayo pa ako para mapagtagumpayan ito.
Lalo na't may biglaang lumitaw na lalaki na may mahabang buhok at nakasuot ng magarbong damit ang siyang biglaang nagpalaki ng ugat ng puno na pumulupot saaking buong katawan at ngayon ay naglalaway saaking harapan at humihinga ng malalim na parang aso. Sa sobrang dami ng mga ugat, tila bawat sulok sa silid aklatan ay nababalutan na nito.
" Sagradong sining? ba ang ugat na ito?" tanong ko sakanya. Mabilis na pinunasan nito ang kanyang naglalaway na bunganga na tila hindi ito nangyari.
" Hahaha! Siyempre! Mayroon ako'ng Druid Class Magic! Buong buhay ko ay nagaaral ako tungkol sa mga halaman! puno! at bulaklak!! Ako nga ang nagalaga ng hardin sa mansiyon na ito! pero sa kasamaang palad! Napulbos ang mga tanim ko! Grr! sino kaya ang may kagagawan nito!, pagdating na pagdating ko dito! nabalitaan ko na dumating na si Lady Alondra at sinalubong ako ng pinaghirapan ko'ng hardin na mukha ng tapunan ng basura! Hays.." Nagulat ako sakanyang tugon, napakarandom nito, hindi niya lang sinagot ang aking tanong, nagawa pa nitong magreklamo na mukhang kami ni Ugino ang may kasalanan ng problema nito, Pasensiya na.
" Anyway! napansin ko na pinagaaralan mo ang Istraktura ng sagradong sining! Ang akin ay ugat! nakaepekto ang kaalaman ko sa mahika saaking sagradong sining kaya't naging ugat ito! Well then allow me to Introduce Myself, I'm Keynet Astrat El Foxenburg, Nice to meet you Wolf Boy" sa oras na marinig ko ang kanyang pangalan pamilyar ito para saakin ngunit hindi ko ito matandaan kung saan ko ito narinig.
" Ngayon ito ang tanong...Sa pagtakbo ng oras, Kung hindi ka makakaalis sa higpit ng yakap ng mga ugat ko? ano satingin mo ang mangyayari saiyo?
Maiipit at mamamatay ka ng walang hirap?
o kaya
Sasabog ang katawan mo at magkakapira-pira na siyang mukhang masakit para saakin?"
Hindi ko inaasahan ang kanyang tanong, Mukhang isa siya sa kalaban na nagaapply ng mind pressure sa kalaban. Kaya't ang sagot ko ay ang pangatlong pagpipilian na siyang gagawin ko ngayon! Ang 'Makatakas at Mabuhay!'.
" Gargoyles!!!!" sigaw ko. Ang Limang alagad ko na Gargoyles ay hindi rumesponde. Dito kuna napansin na ang buong ugat ay nakakalat sa buong kapaligran at sa bawat sulok ng silid aklatan. Maaari na niyang inuna ang mga ito kung matagal niya na ako'ng pinagmamasdan sa itaas.
" Too bad, Ang mga Necro 'Friends' mo ay hindi na pwedeng sumagot sa tawag mo, dahil pinipiga ko na sila ngayon! HAHAHA!" Saad nito. Hindi ko inaasahan na ang balugang ito ay masyadong tuso. Kung inaakala niya na wala na ako'ng pag-asa! nagkakamali siya dahil ilalabas kuna ang pangontra ko.
" Poole!!" Sa pagtawag ko kay Poole, lumitaw ito sa harapan ko habang nakapatong sa ugat na pumipisil sa buong katawan ko, nahihirapan na ako'ng huminga at piling ko ay may mabigat na nakapatong saaking dibdib na bawat segundo ay pabigat ng pabigat.
" Ano nanaman Ur, sa isang oras halos ilang beses mo ako'ng tinatawag ah dapat magkaroon na tayo ng kasunduan na dalawa o tatlong beses mo lang akong pwedeng tawagin!" reklamo ni Poole.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...