[Arc 3] Ch-5: Jack

259 32 1
                                    

{Jack Jester}

^Uhm..Ehem Hi! ako si Jack! isa ako'ng normal na binatang walang special someone^
Bata palang ako ay nagiisa na ako, Inaamin ko na may itsura ako at maganda ang hulma ng aking katawan, wala ako'ng magagawa eh "Perpekto" ako'ng nilikha sa mundo. Masasabi ko na ako ang pinakamalapit sa pagangat bilang pinakamalapit sa tungtungan ng Diyos at Diyosa ng kagandahan at kagwapuhan. Hindi ko masisise ang mga kababaihan na nagkakandarapa saaking perfection uwaah!. Yeah.

" HOY! MOKO'NG ANG GINAGAWA MO! ANO'NG PINAPABASA MO SA MGA READERS NATIIN!!"

Ehem, huwag niyo siya pansinin, itutuloy ko ang aking flashback. Bata palang ako-

WAPAK!!

" Grahahhh!!!!!" Hindi ko inaasahan na babatukan ako ng isa'ng ito. Ehem! bago ko makalimutan! kasalukuya'ng tumatakbo kami sa mga nagbabagsakang mga bulalakas sa kalangitan.

" This is bad! Marami'ng tao ang namamatay kaliwa't kanan! Hindi ko sila kaya'ng iligtas! lahat! Jack! iligtas mo lahat ng kaya mo'ng iligtas!!" nagmamadaling wika ni Urfang, alam ko na hindi normal mismo si Urfang pero nang maglaho siya saaking paningin at hiwain ang bulalakaw na tatama na sana sa batang lalaki saaming harapan, hindi ko maiwasang mapanganga at mapahinto sa pagtakbo dahil sa gulat.

He's a monster my dudes! He's a goddamn monster!. Habang nagkakagiba-giba na ang mga gusali sa kapaligiran, wala na ako'ng natitira'ng pagpipilian kung hindi hatakin ang mga kamay ng mga tao para ilayo sila sa kapamahakan, ang mga tao'ng nagpapanic at hindi makagalaw dahil sa gulat at takot ang aking tinutulungan para ibalik ang kanilang diwa habang si Urfang naman ang nagliligtas at humaharang sa mga dambuhalang bulalakaw na babagsak sa mga matatamaan nito. 

Hindi lang kami ang gumagawa nito, halos lahat ng mga Adventurers at Kabalyero ay nagtutulungan para iligtas ang mga tao. Isa'ng babae bigla ang lumitaw saaking harapan at sinipa ako paalis sakanyang daraanan.

" buWHAAAHH!"

" Alis! Nagmamadali ako!"

Habang halik halik ko ang lupa, hindi ko maiwasang maawa sakanya dahil sinayang niya lang ang kaguwapuhan ko. Damn I'm so precious.

" Hoy! kumag tama na ang pananaginip! kinakailangan narin nating umalis dito!" hinatak ni Urfang ang aking braso at pumunta kami sa iskinita na nagsisilbing taguan namin.

" Hey Urfang, ano na ba ang nangyayari? huwag mo sabihin na galing ang mga iyan sa Outer Space!" tanong ko dito.

" Masmabuti nga kung ganuon nga..Pero Man-made ang mga bulalakaw na ito, isang High Level Spell Magic, Hindi normal para sa isang indibidwal na tao o demonyo ang maglapag ng ganitong kakumplikado'ng mahika, nabasa ko ang mga tungkol dito, tinatawag ito'ng Mass Spell, isang spells na malaki ang lawak ng epekto at kinakailangan ng maraming magic-users para maisagawa" seryosong paliwanag saakin ni Urfang. Men! wala ako'ng maintindihan sa pinagsasabi niya, Wala ako'ng alam sa mahika or whatsoever! ako ang pinakanormal na tao na makikita mo sa mundong ito. I'm just perfect the way I am!.

" Ang mga Adventurers at Knights ng hari ang kasalukuyang prumoprotekta, hindi pa natin alam kung gaano kalawak ang sakop ng pagkasira pero masasabi ko na perpektong pagkakataon ito dahil mahina ang depensa ng kaharian" dagdag na paliwanag ni Urfang, dude mukhang matindi ang kaalalaman ni Urfang sa mga sitwasiyong ito at medyo natatakot na ako dito. Para ba'ng araw-araw niya ito'ng nararanasan, at hindi normal ito para sa isa'ng batang binata'ng tulad niya.

" Ano na ang gagawin natin!" tanong ko sakanya..

" Wala munang growtilizer hunting! kinakailangan nating hanapin si Shin at tignan kung ayus lang siya sa sitwasiyong ito!" sa oras na sabihin ni Urfang ang plano, agad na kumaripas kami ng takbo papalabas ng iskinita. Inaasahan ko na isa'ng malamig na binata si Urfang, ang tipong sarili niya lang ang kanyang inaalala pero, mukhang nagkakamali ako.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon