Prologue-3: The Village of Beasts

1.4K 110 5
                                    

{Alestair Von Wolfencreed}

Sa taon ng Helio 1275, Ako ay umaasa na ang magiging anak ko ay isang malakas at malupit! na sanggol na lalaki. Hinihimas ko ang tiyan ng asawa ko na napakalaki na, kinakausap ko ang tiyan ng aking asawa habang idinidikit ko ang tenga ko dito. Kung sakaling lalaki ito, Siya ang magiging tagapagmana ng aking kaalaman at kayamanan at sa abot ng buong makakaya ko ilalayo ko siya sa kapahamakan.

Ang pangalan ko ay Alestair Von Wolfencreed, Isa akong Minor Noble na may maliit na lupain dito sa napakalaking kagubatan, Ang mga puno dito ay matatayog at ang kulay ng dahon at damo ay Kahel, Nagiging malinis na puti ito kung sakaling magkakaroon ng niyeba at malamig na klima. Kilala ang gubat namin sa pangalan na Beast Forest. Ito ay dahil hindi kami mga pangkaraniwang mga nilalang na naninirahan dito.

Ako ay kabilang sa lahi ng mga Wolfkin, Bagama't maiihantulad tao ang aming pangangatawan, ang pagkakaiba namin ay may buntot kami ng lobo at tenga nito. Masmalakas ang aming pakiramdam at pisikal na lakas, Dahil saaming lahi, kami ang naatasang magbantay sa hilagang bahagi ng pader ng kaharian ng Utopia. Ito ay dahil ang pader nalang ang nagproprotekta saaming kaharian.

Ilang daang taon na ang lumipas nuong dumating ang mga Nilalang na galing sa napakalaking Gate, Tinatawag nila itong Hell Gate, Marami ang sumubok na talunin at paalisin ang mga ito sa kontinente namin, pero dahil sa lakas ng pwersa ng hukbo ng mga demonyo, napilitan kaming mga nararapat na naninirahan dito na umatras sa mga naglalakihang pader ng kaharian ng Utopia. Ang Kaharian ng Utopia ay isang Kaharian na Tao ang nagpapatakbo, pero dahil sa pangyayari na ito, Napilitan ang mga iba't-ibang lahi na umatras dito at magbigay ng galang sa Hari ng mga tao upang payagan kami'ng manirahan dito. Kapalit ng aming tulong sa proteksiyon.

Isinantabi ng Hari ng mga tao ay katigasan nila at tinaggap kami'ng lahat na naghahanap ng ligtas na lugar kapalit ng aming proteksiyon. Hinati namin ang serbisyo sa pagproprotekta at saaming mga Beastmens, Saamin ang Hilaga. Kasama namin dito ang mga Foxkin,at iba't-iba pa'ng mga lahi ng mga Beastmens. Hinati namin ang mga lupain at saakin napunta ang kanlurang bahagi ng kagubatan.

Bawat sulok ng pader ay mga katulad naming mga hindi hamak na tao ang nagproprotekta at ako ang lider ng aming maliit na bayan. Salamat sa mga tao, naging sibilisado kaming mga Wolfkin, Taon taon nagtitipon ang mga pinakamalalakas na mandirigma sa Kapitolyo ng Utopia upang maghanda sa gaganapin sa paglabas sa mga pader upang labanan ang mga Demonyo.

Marami na akong mga tauhan na pumunta sa Kapitolyo upang ipadala ang aming atensiyon at serbisyon ngunit madalas, wala ng bumabalik. Minsan na ako'ng tumungo sa labas ng Pader, gamit ang mahika at teknolohiya ng tao at pisikal na lakas ng iba't-ibang lahi, nakagawa kami ng maliliit na barricade upang tabuyin ang mga demonyo, pero hindi maiiwasang may makalagpas dito, Kaya duon na papasok ang aksiyon at ako ay kabilang sa mga umaaksiyon.

Inalog ko ang aking ulo upang iligaw ang aking magulong isip, hindi ko dapat iniisip ito habang inaantay ang paglabas ng aking anak at inaantay ang matamis na ngiti ng aking asawa sa oras na makita na niya ang karga-karga niyang sanggol sa loob ng siyam na buwan. Ang aking asawa ay isang Foxkin. Kilala ang mga Foxkin sa pangbihirang aspeto nila sa mahika at ispiritwal na esensiya, kabaliktaran naming mga Wolfkin na sinusolusiyonan ang lahat ng problema sa pamamagitan ng aming mga matatalas na kuko at pangil.

Sa hilagang dormitoryo ng Kaharian ng Utopia, Sa Beast Forest, Ang Wolfkin at Foxkin ang pinakamalaking lahi dito at madalas magkaaway ang dalawang ito dahil kilala ang aming lahi sa pagsakop sa mga teritoryo kaya't pagpinagsama mo ang dalawang lahi na ito, sigurado'ng kaguluhan lang ang mangyayari. Pero lahat ng ito ay natapos nang mahulog ang loob namin sa isa't isa. Ako na pinuno ng Wolfkin at Ang anak na babae ng Pinuno ng Foxkin.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon