{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Nagpaalam na ako kay Yahno at kasalukuyan ay haharap sa panibagong sitwasiyon at karanasan. Hindi ko inaasahan na sa labas palang ng tarangkahan ay napakaraming adventurers na agad ang aking makikita. Base saaking kaunting kaalaman, ang mga Kabalyero at hukbo ng hari ang nakatoka sa pagsugpo sa mga demonyo habang ang mga Adventurers naman ang umaasikaso sa iba't-ibang Magic Beasts na makikita mo sa buong kalupaan o Kaharian ng Utopia.
Pero minsan kung kinakailangan inuutusan ng Hari ang mga ito na makilahok sa digmaang nagaganap lalo na't kinakailangan talaga nila ng lakas sa labanan. Siyempre ay marami'ng nakikisali dahil malaki ang pabuya sa bawat ulo ng mga demonyo.
Habang papalapit ako sa Tarangkahan. Dalawang adventurers ang nagkakaroon ng kanilang alitan. Nalaman ko ito nang magkaroon ng malakas na pagyanig ng lupa at pagbuga ng makukulay na mahika sa ere. Isama mo pa dito ang mga nagsisigawang manonood na tila lalo pa'ng pinapalala ang kanilang alitan.
" hala! Sinabi niya na pangit yung Ate mo! Aray! Kung ako yan sasapakin ko yan tapos susunugin ko ng napakalakas ko'ng mahika!"
" AWTSUU! Bahay mo daw tagpi-tagpi tapos mahihina daw yung mga Partymates mo! kung ako ya'n sasapakin ko yan sa mukha tapos papaputukan ko ng pasabog na mahika sa mukha tapos hihiwain ko yung bayag!!"
" WHOOOO!! SIGE LANG!!! PARA HINDI MASAYANG PUSTA KOOO!!"
Ilang lang ya'n sa mga nagsisigawan at pandagdag ingay ng mga manonood sa laban. Imbis na hindi ko nalang ito pansin, nakisiksik ako sa makapal na pader ng mga manonood, ito ang unang beses na pumasok ito saaking isipan, Gusto ko'ng makita ang labang ito. Hindi naman ako nabigo sa laban nang makita na ito ng aking dalawang mata.
Isang higanting lalaki na may hawak-hawak na maso na nagliliyab, ang kanyang kalaban ay kabaliktaran niya, Isang dalaga na may normal na laki ngunit wala ito'ng sandata o kung ano man. Nang bumuwelo ang lalaki na may maso hinawakan niya ng maigi ang kanyang maso at pinakawalan ang isa'ng higanting pasabog na apoy na mahika sa harapan ng dalaga.
Sa lakas ng liyab at pasabog ng apoy, kinailangan ko'ng bumalik sa pader ng mga manonood at gawin silang kalasag. Nagsitumbahan ang mga ito dahil sa pagkatusta at ako nalang ang natira at patuloy na nakatayo at nanonood.
" Ho-HOY!! JABA!! Sobra kana! pati sila dinamay mo!!" sigaw ng babae matapos niyang makita na ang mga nanonood sakanila ay nakatumba na sa sahig at wala ng malay.
" Wala ako'ng pake sa mga tulad nila! Ikaw ang pakay ko! " Sigaw ng lalaki. Patuloy parin ito'ng lumalaban, nararamdaman ko na wala ng intensiyon ang babae na makipagbasag ulo dito. Dahil ang ginagawa niya nalang ay umilag ng umilag. Hanggang sa ikinilos niya ang kanyanng mga braso at lumikha ng mala-itim na bola ng kidlat sakanyang palad at ibinato ito sakanyang kalaban.
" [Dark Infection] " Nang ibulong niya ito sakanyang sarili, ang mga bolang ibinato niya dito ay naglaho sa paningin naming lahat. Pero sa paglaho nito, hindi napansin ng kalaban na ang anyo lang ang naglaho dito at naririto parin ito. Kaya hindi nailagan ng higanting lalaki ang dalawang bola na siyang sumabog sakanyang harapan at nagpatilsik dito ng napakalayo.
" Hays....Kailan ko ba sasabihin na masama'ng makipagaway sa labas ng district two" dismayado'ng wika ng babae. Imbis na umalis, ang mga nahimatay na manonood ay nilapitan niya at tinignan bawat isa, imbis na tulungan ay dinukutan niya ang bawat bulsa at pinagkukuha ang mga bag ng kanilang mga baryo at alahas, kasama nadito yung higanting lalaki na kanyang nakalaban.
" Whooo!! JACKPOT!!! " Sigaw nito, nang makita niya ako'ng nakatayo, aksidente ko'ng nakuha ang kanyang atensiyon at lumapit saakin.
" I-ikaw? Teka! Ikaw naba yan!!" biglaang bati saakin nito na para ba'ng kilala na niya ako dati. Teka may kilala ba ako'ng tulad niya? wala naman ata.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Фэнтези"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...