{Tifa Rey Von Wolfencreed}
" Hoy Tifa....Hindi ba delikado sa parte ng kagubatang ito? Masyado na tayo'ng malayo sa teritoryo natin, sabi sa mga kuwento, dito mo na daw matatagpuan ang mga Magic Beasts!" Babala saakin ni Luna, kami ay patungo sa pinakadulo'ng parte ng kagubatan. Ang parte kung saan dito mo daw makikita ang isang kakaibang templo na naglalaman ng iba't-ibang uri ng kayamanan. Bakit nga ba kami narito? at bakit ibinubuwis namin ang buhay namin sa pagpunta dito.
Madali lang ang sagot dahil isa ito'ng malupit na paglalakbay at isa pa, Malapit na ang kaarawan ng moko'ng na iyon. Bawat kaarawan ko ay binibigyan niya ako ng iba't-ibang uri ng mga regalo na tinatanggap ko, sa pagkakataon na ito, babawian ko siya at bibigyan ko siya ng pinakamatinding regalo na matatanggap niya sa buong buhay niya. Dahil masmatanda ako kay Urfang ng ilang buwan, bilang 'Ate' niya! gusto ko'ng iparanas sakanya na hindi siya nagiisa!.
Lagi siyang nag-iisa at naaawa ako sakanya. Kaya bilang 'ate' at kasama ko si Luna ang una niyang kaibigan bukod saakin! plano naming supresahin siya!. Sa loob ng nakalipas na panibagong sampung taon. Ang batang lalaki ay nanatiling nag-iisa kahit na binata na ito, kaya narito kami upang hatakin siya palabas dito!.
Pero ang tunang dahilan nito ay ang nangyari sa nakaraang Mating Season, pinrotektahan niya si Luna sa kamay ng luntian na si Blake. Kaya nakaisip kami ni Luna na pasalamatan si Urfang sa pagdidiwang ng kanyang kaarawan at pagbigay ng regalo dito.
Kami ni Luna ay nasa parte ng timog ng kagubatan na siyang sinasabing pugod ng mga Magic Beasts. Pumayag si Luna na sumama saaking imbitasiyon sa paghanap ng kayamanan na ireregalo kay Urfang. Salamat at sinusuwerte kami dahil wala pa kaming nakakasalubong na mga halimaw, ayun ang aking inakala. Hindi nga kami sinalubong ng mga mababangis na halimaw, sinalubong naman kami ng masmalala pa sa mga ito.
" Anong ginagawa mooooo!!!! ditooo!!! " Sigaw ko. Itinuro ko ang pigura ng isang babae saaming harapan na kasalukuyang hinahawi ang pagkarami'ng dahon sakanyang harapan. Hindi ko inaakala na makakasalubong namin at matatagpuan ko ang babaeng ito sa parte ng kagubatang ito. Ang demonyo'ng kasambahay ng pamilya nila Urfang. Si Zeer!.
" Hmph..Hindi paba halata, narito ako upang maghanap ng regalo sa templo, ayun sa alamat ay ito ang ginagamit na tulay ng mga sumasamba sa diyosa ng pagkalikha at dito sila nagaalay, kaya isa lang ang ibig sabihin nito, Mga abandunadong kayamanan ang nagaantay saakin" tugon ni Zeer. Kitang kita ko na handang-handa si Zeer dahil nakasuot pa ito ng chainmail at may nakasabit na ispada sa bewang nito.
Agad na pinalupot ni Luna ang kanyang mga kamay saaking braso dahil sa pagkagulat at hiya sa oras na magkaroon pa ng sobrang presensiya bukod saaming dalawa. Hinimas-himas ko ang kanyang buhok upang ipanatag ang kanyang loob at ipakita na ayus lang ang lahat. Nang ibalik ko ang tingin kay Zeer nakita ko na siya na inuunahan na kami kaya't nagpatuloy na kami ni Luna.
Kilala ko si Zeer, gagawin niya ang lahat para kay Urfang, kaya paliyawin si Urfang sakanya lagi niya kasi bini-baby. Ilang minuto pa kaming naglakad at nanatili sa likod ni Zeer. Isang kakaibang Magic Beasts ang biglaang lumitaw sa harapan ni Zeer. Lumulutang ito sa ere at bilog ang hugis ng katawan nito. I-isa ang mata nito, pero ang nakakapagtaka ay gawa ang katawan nito sa Parte ng puno at kaunting bato-bato sa katawan. Sabi sa mga alamat ay ang mga Magic Beasts ay umaangkop sa kapaligiran na tinitirhan nito.
Huminto agad si Zeer sa paglalakad at tinignan! ito, mata sa mata. Lumikha siya ng istansa, ibinababa ng kaunti ang kanyang katawan at hinawakan ang hawakan ng ispada'ng nasa bewang. Huminga si Zeer ng malalim at mabilis na pinakawalan ang kanyang ispada kasabay ng pagtalon nito. Napahanga ako dahil kahit na mukhang matigas at malakas ito, ang Magic Beast ay nahati sa dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...