{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
" So? Sinubukan mo'ng kunin ang ulo ko dahil sa utos ng Ina mo?"
" Oo...Sinusunod ko lang ang kanyang utos, sa totoo lang ay hindi talaga kita gustong paslangin ka"
" Talaga lang ah?" tugon ko sakanya habang pinipigilan ang kanyang mga braso na may hawak na kutsilyo na kaunti nalang ay babaon na sa mata ko. Ginamit ko ang buong lakas at itinulak siya papalayo saakin. Inalog ko ang aking mga braso at kamay, Hindi ko alam kung totoo ba ang mga pinagsasabi ng babaeng ito o hindi.
" May pagkasakrastiko ka alam mo ba iyon?" tanong ko sakanya, habang iniiwasan ang mga batong pinagbabato niya saakin.
" Sakrastiko? Hindi ko maintindihan" tugon niya habang patuloy parin ito ng pagbato.
" Wait! tumigil ka muna! paano ko mapapaliwanag ito kung hindi mo ako bibigyan ng oras na maghabol ng hininga!" Wika ko dito. Ilang minuto ang lumipas at sawakas ay huminto na siya sa pagatake saakin at nagkwento kung bakit gusto ako ipapatay ng kanyang ina.
" Tungkol ito sa politikal na rason. Ang Ina mo dapat ang nararapat na maging pinuno ng Foxkin Tribe, ngunit nagkagusto siya sa iyong tatay at nilisan ang baryo namin. Hindi nila hinayaang mangyari ito kaya naman nagpadala sila ng mga pinakamalalakas na mandirigma ng baryo namin upang kaladkarin ang iyong ina pabalik, pero dahil sa ama mo, Ipinaglaban nilang dalawa ang kanilang 'pagmamahal' at tinalo ng ama mo lahat ng mandirigma namin na umabot na sa wala na kaming mapadala"
Oh? Sabi ko na nga ba ay masyadong malakas ang ama ko. Wow.
" Pero sino ang magaakala na ang kakalabasan ng pinaglabang pagmamahalan ng dalawa ay magbubunga ng bulok na prutas"
" Oy! OY!" Medyo na saktan ako sa sinabi niya, tch! Hindi niya nga ako mapapatay pero mabubugbog niya naman ako sa mga One Liner niyang Verbal Abuse.
" So ano ang kinalaman nito? saakin? sa buhay ko! sa ulo ko! HA! Ano! Anooo!!" iritable ko'ng tanong sakanya. Imbis na sagutin ako, nagpatuloy lang ito sakanyang pagkwekwento na tila tinuturin niya ako'ng isa sa mga nagliliparang mga alitaptap sa kapaligiran ng kagubatan.
" Ang aking Lola at siyempre hindi mo ito lola cuz you're not a part of our family at lagi mo iyang tandaan" Wow gaano ba talaga katindi ang galit nito saakin? iyan ang iniisip ko habang tinitignan ko ang hindi mapanig na mukha nito kahit na nakangiwi na ang ekspresiyon ko.
" Ang ina mo ang magiging Lider, sakanya ipinagkaloob ni Lola nag otoridad para maging pinuno pero dahil sa pagibig, nasira ang planong ito at dahil dito ang Ina ko nalang ang natitirang tagapagmana pero tinanggihan ito ng aking Ina dahil ayaw niyang maging kapalit ng kanyang nakakatandang traydor na kapatid"
Hm so ganuon pala ang nangyari? Paghihiganti? ba o Galit ang sanhi ng kaguluhang ito?
" Kaya hanggang ngayon ay wala paring pumapalit saaming Lola, Dahil ilang taon nadin ang lumipas matanda na si Lola at hindi na niya kayang mamuno kaya sa pangalawang pagkakataon, Hindi na maaring maging lider ang mga tumanggi kaya pipili na ulit siya ng magiging tagapagmana ng trono ng pagiging Lider ng Foxkin Tribe at hindi na siya mamimili sakanyang dalawang tumangging anak at sahalip sa mga anak na mga ito. Ang mga Apo at dahil Kapangyarihan ang unang pinagbabasihan dito, Ikaw na anak ng isang Foxkin na may Siyam na buntot ang pinili ni Lola" Ngayon ay medyo malinaw na ang lahat saakin.
" At dahil lalaki ka, Ikaw talaga ang unang pagpipilian dito lalo na't malaki ang tiyansa na mamana mo ang Siyam na buntot ng iyong Ina. Kaya narito ako sa utos ng aking ina, Ang Patayin ka upang ipakita na karapatdapat ako'ng maging pinuno ng Tribo at matupad ang kanyang pangarap, Ang malamangan ang kanyang nakakatandang kapatid" Hindi ako makapaniwala sa sinabi saakin ni Ugino. Hindi ko lubos maisip na ito lang pala ang dahilan ng aking miserableng sitwasiyon ngayon.
" So..Ang ina mo ay naiingit sa ina ko?" tanong ko sakanya. Nagkonekta ang dalawa nitong kilay at bumuntong hininga bago ito tumango.
" Sa mga narinig ko ay bata palang ang dalawang magkapatid ay lagi nalang kay Lady Alondra ang atensiyon ng buong Tribo, Walong taong gulang palang si Lady Alondra ay dalawa na ang buntot nito habang ang Ina ko ay isa palang...Paulit-ulit ito'ng nangyayari sakanila, hanggang sa sinimulan na nilang ipagkumpara ang dalawa. Dito na nasaktan ng lubusan ang aking Ina, pakiramdam niya na kinukumpara siya sa isang Diyamante habang siya ay isang hamak na tanso" Sa oras na marinig ko ito, medyo nakaramdam ako ng lungkot. Pero...
" Kahit na ganuon, hindi ka niya dapat ginagamit para sakanyang makasariling kagustuhan at hindi ito sapat na dahilan para pumatay ng sariling kadugo....at isa pa, kilala ko ang aking Ina..hindi mayabang si Ina at kahit kailan hindi ko narinig ang pagmamayabang kahit na siya ang pinakanakakataas na Foxkin na nabubuhay ni-minsan hindi ko nakita'ng umasta siyang naiiba sa lahat" Binigyan ko ng hustisiya ang aking ina, Hindi naman kasi natin mapipili kung ano tayo o kung sino tayo sa oras na iluwal ka sa mundong ito. Tulad ko.
" Hmph..Brave words...Hindi mo naiintindihan kung ano ang pinagdaanan ng aking ina, Mabuhay bilang anino at pangalawang pagpipilian, Ni-minsan ay hindi niya naranasang maging Panguna! ang siya ang unang titignan!"
" Lahat naman tayo ay may kinakalaban, mga bagay na nais nating talunin para ipakita na mas-better tayo sa iniisip nila, Kung hindi ka maniniwala may ikukwento ako saiyo pero bago muna ang lahat, Ibaba mo muna yang hawak mo'ng kutsilyo" Wika ko sakanya, habang patagal siya ng patagal na nagkwekwento, palapit siya ng palapit saakin habang hawak hawak ang kustilyo nito. Hindi ko talaga mababa ang aking depensa sa oras na naririto siya.
" Ehem..May isang bata, nakatira siya sa-"
" Tsk...wala na ako'ng panahon para makinig sa walang kwentang kwento ng isang langaw" saad ni Ugino. Naglakad nalang ito pabalik sa direksiyon kung saan siya nanggaling at iniwan nalang ako mag-isa dito sa gubat. Hays.. Nakakapanibago dahil sa loob ng walong taon ay maganda ang pakikitungo nila saakin at ngayon ko nalang ulit naramdaman ang nakasanayan ko'ng pakikitungo ng mga tao saakin sa dati ko'ng mundo.
Hindi kami pareho ng kwento ng Ina ni Ugino pero kahit papaano ay naiintindihan ko ang kanyang pakiramdam tungkol dito. Galing din ako sa isang maliit na baryo ng mga tao sa dati ko'ng mundo. Normal ang pamumuhay ko dito, pero tinuturin ako'ng basura dito kaya hindi mo masasabing normal ang pamumuhay ko dito dahil tinign ng lahat ay isa lang akong pabigat na bata sa baryo dahil lumaki ako na walang magulang. Pinalaki ako ng isang madre sa simbahan ng aming baryo. May natutulugan ako'ng lugar at nakakain. Siya ang masasabi ko'ng tumayong ina na maasahan ko sa tuwing natatakot ako sa dilim nuong mga bata pa ako.
Pero nang mamatay ang Madre sakanyang matandang edad, Panibagong madre ang pumalit dito at masasabi mo na ang pumalit ay hindi niya kabait dahil pinalayas niya ako sa simbahan at satingin niya na isa din ako'ng pabigat na bata. Ito ang unang laban na kinaharap ko, ang laban na magpapakita sa kanila na hindi ako isang pabigat at sa oras na manalo ako dito kikilalanin nila ako bilang ako. Isang tao'ng tulad nila.
Sa mura ko'ng edad ay nagtrabaho na ako upang kumita ng pera at may makain. Hindi na tulad ng dati na may inaasahan pa ako. Hmph..Hindi ko na masyadong inisip ang nakaraan at sumunod nadin kaagad kay Ugino pabalik saaming bahay.
" Walang magandang idudulot kung hahayaan mo lang ang sarili mo'ng makulong sa nakaraan na humubog at humulma kung sino ka ngayon."
-
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...