[Arc 2] Ch-12: The Bow, The Arrow of Demons

627 70 5
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfendcreed}

Sa araw na ito, hindi ko inaasahan na makakakilala ng baliw baliw na babae. Nagbibigay siya ng parehong pakiramdam katulad ng Yahno na iyon. Higit sa lahat may husay ito sa paggamit ng patalim tulad ko.

" HAHAHAHA!! Ayaw ko panaman pumaslang ng mga guwapo'ng tulad mo ngunit kung haharang ka saakin! kinakailangan mo'ng mamatay!" wika nito saakin. Siya si Catarina, at tinatawag niya ang kanyang sarili sa alias na Shadow Snake. Kaya imbis na bulagbulagan ako'ng makipagbasag ulo dito. Pansamantala ko'ng ibinaba ang aking Death Breeder na hinulma ko sa patalim ko na naiwan sa tanggapan ng Onigoroshi.

" Ehem, Miss Catarina...bakit mo nga pala gustong paslangin ang bulok na babaeng ito" isang pustang tanong na maaaring hindi niya sagutin, ito ay para I-provoke ko ang kanyang isipan at guluhin ito habang dahan-dahan ko'ng pinapaagos ang patalim ko na Death Breeder sakanyang paanan.

" Hmph! Simple lang! Bilang Raven at anino na ahas, pera lang ang pinupuluputan ko! Kahit sino ka o ano kapa! basta may pera ka! susunod ako dito! Kaya simple lang, binabayaran ako ng Misteryosong Kulto na iyon para paslangin ang pinakapader at poste ng Onigoroshi, Niriharu Odoko, Akuto Jikikata Noburo, Icaro Orudata, Ang mga pangalang iyan ang nais nilang ipapatay saakin upang pahinain ang pwersa ng Onigoroshi" Paliwanag nito saakin. Hindi ko inaasahan na munggo ang isang  ito at sinabi pa saakin mismo ang kanilang plano. Tumingin ako banda sa ibaba ng paa ko at pansin ko na malapit nang umabot ang itim na likido nito sa paanan nito.

Pero sa kasamaang palad lumundag ito paatras.

" HAHAHA! Halatang-halata ang plano mo! Satingin mo hindi nakakapagtaka ang abilidad mo na lumikha ng sandata gamit ang kadiring likido na iyan!" Inaakala ko na tanga ang isang ito ngunit sa kasamaang palad ay ginagamit niya pala ang kanyang utak. Tinawag ko ang Death Breeder at pinakapit ulit saaking kanang braso at lumikha ng napakahabang ispada na hinulma ko sa ispada ni Ugino.

Sa nakalipas na sampung taon, marami na ako'ng kinopyang hulma at sa pagkakataon na ito hinding-hindi na ako matatalo pagdating sa paramihan ng sandata. Pinulot ko ang kadena nakanina ay nakadikit sa kulyar na inilagay saakin ni Niriharu at pinaikot din saaking kaliwang braso. Ito ang ginamit ko'ng panangga sa bawat patalim na inihahagis saakin ni Catarina.

" I-Imposible! dapat deads kana!!! Walang nakakaligtas sa lason ng Ravens!" wika nito saakin. Nang binanggit niya ito tinignan ko ang sugat ko saaking balikat na una niyang pinuntirya. Parehong-pareho ang pakiramdam nito sa lason ng Vice Chief ng Onigoroshi, isang malaking pusta ang aking ginawa, sinaulo ko ang lason na ito hanggang sa nasanay na ang katawan ko sa pagtanggap nito.

" Imposible! paano mo nalaman! dapat hindi kana nakakatayo dahil sinisira ng lason ang konsentrasiyon at koneksiyon saiyong buong katawan! at isama mo pa ang Paralyze Poison dito! tao kapaba? Ang duga mo naman! GRR!!!" Dagdag nito saakin. Mukhang immune na ako sa lason ngunit hindi ako immune sa panggugulo nila saaking konsentrasiyon dahilan kung bakit hindi ako makapag cultivate o magastos ang ispiritwal na pwersa sa katawan ko.

" Pero satingin mo ba na umaasa lang ako sa lason? Kung ito ang iniisip mo! nagkakamali kaaa!" Mabilis ito'ng nagpalundag-lundag sa gilid, sahig at kisame sa bilis nito ay sulyap nalang ng kanyang katawan ang aking nakikita. Habang palundag-lundag siya ay nagbabato siya ng mga patalim sa iba't-ibang direksiyon. Sakanyang bilis ay sa unang tingin ay sabay niyang ibinabato ang dalawang patalim sa magkaibang direksiyon. Walang kahirap-hirap ko ito'ng sinasalag at hinahampas gamit ang aking ispada.

" sabihin mo...gagawin mo ba ang lahat para sa pera?" tanong ko dito.

" Oo naman! Kung hindi ka malakas! wala ka'ng pera! hindi ka makakakain ng tatlong beses sa isang araw!" tugon niya saakin. Ayaw ko ma'ng pagurin ang sarili ko dahil may hangganan ang pisikal na lakas ko pero wala na ako'ng magagawa kung hindi makipagsabayan sa babaeng ito.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon