Media| Urfang's Merge State with Poole and Relaxing Music!
Don't forget to Enjoy the rest of the chapter Tnx!!-Bladefroost!
{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Kahit na ang biglaang pagasasanay na ito ay para subukan ang aming mga imahinasyon sa paghuhulma at paghuhugis ng aming sagradong sining, hindi ko parin basta-basta ibinababa ang aking depensa pagdating sa laban namin ni Ugino. Lalo na't ang pangalan at origin ng kanyang sagradong sining ay nakapaikot sa pagpaslang niya saakin. Kaya dito kuna pinakawalan ang aking limang Gargoyles na magsisilbing katulong ko upang pabagsakin siya sa labang ito.
" Hindi ka parin sumusuko! Ugino! Kahit kailan ay hindi mo ako mapapatay! " Wika ko dito. Hindi niya pinansin ang aking sinabi at dali-dali lang bumulusok ng takbo papunta saakin. Agad na inutusan ko ang mga Gargoyle na magsilbing pader upang harangan si Ugino. Pero sa kasamaang palad, ang aking mga Gargoyle ay nagsiliparan dahil sa malalakas na hampas ni Ugino na nagdudulot ng malalakas at sunod-sunod na pagsabog.
Walang duda na ang kanyang ispada ay nagtataglay ng firepower ng isang wards, Marahil ito ang naging epekto ng kanyang mana sakanyang sagradong sining, Pinaghalo niya ang mana at ispiritwal na pwersa kaya't naging Wards ito na may kinalaman sakanyang kapaligiran salamat sakanyang imahinasiyon. Wala ako'ng sandata na kahit na ano, ni wala ako'ng maaaring gawing kalasag sa nangbobomba niyang patalim na kumakaripas ng takbo papalapit saakin.
" Halikan muna ang lupa! Urfang Alestair Von Wolfencreed!!!" sigaw ni Ugino saakin, ang kanyang ispada ay tatama na sana saakin ngunit salamat sa lima ko'ng Gargoyle na sumalo na sumalo ng patalim nito at pinigilan ito sa pagtuhog saakin. Inabot ng limang Gargoyle upang pigilan nag kanyang atake. Dito kuna napansin na hindi na nagpipigil si Ugino sa pagpatay saakin. Kaya naman hindi ako pumayag na mapaslang ng isang hamak na bata!. Tumalon ako sa kalangitan at pumataas sakanyang itaas. Pinaulanan ko siya ng itim na likido ko sa kanang kamay mula dito. Para maiwasan ito ginamit ni Ugino ang buong lakas niya upang bawiin ang kanyang ispada mula sa pagkakasalo at mahigpit na paghawak ng mga Gargoyles ko.
Pinaikot niya ang kanyang patalim sa itaas na parang elesi upang sanggihin ang bawat patak ng itim na likido. Nang mapansin ko na walang epekto ang aking walang kwentang pandikit, Pinalipad ko ang mga Gargoyle at ginawa ko silang apakan sa ere sa oras na lumapit sila sa direksiyon kung saan ako babagsak. Buhat-buhat ako ngayon ng tatlong Gargoyle, tatlong magkakadikit na Gargoyles ang inaapakan ko at binubuhat nila ako habang lumilipad sa ere.
" Hoy! Urfang Alestair Von Wolfencreed!!!! Nagpapatawa kaba! Hindi mo ako matatalo sa paggamit mo ng mahihinang Familiars at madumi at malagkit na likido!" sigaw ni Ugino.
" Isang kakaibang Sagradong Sining!!" bigkas ni Elder tungkol saaking sacred art na mukhang patapon. Sa una ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya hanggang sa ginawang apakan ni Ugino ang natitira ko'ng dalawang Gargoyle sa ibaba upang lumundag papalapit saakin. Tila kakaiba talaga ang bilis ni Ugino, nagagawa ko'ng sundan ang kanyang pagkilos ngunit hindi ito natatapatan ng aking katawan. Kaya wala na ako'ng nagawa kung hindi lumundag sa aking mga Gargoyles na inaapakan. Walang kahirap-hirap na pinaghihiwa niya ang aking mga alagad at pinagpira-piraso ito sa ere.
" Ang aking sagradong sining ay isang Mahaba at matalim na ispadang kayang burahin ang kahit na anong tamaan nito, Lalo na ikaw! Urfang Alestair Von Wolfencreed! Ang pagnanais ko'ng kunin ang buhay mo ang siyang naghulma ng kagimbal-gimbal na sandatang ito!" Wika ni Ugino saakin. Hoy! ilang beses muna tinatawag ang buong pangalan ko! sa sobrang haba at pangit nito pakinggan! nakakahiya na!.
Nang makababa ako, sinundan ako ni Ugino at mabilis na hiniwa ang aking balikat, Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa oras na tumama ang kanyang patalim sa isang matigas na bagay. Ang akala niyang balikat ko ay balikat pala ng aking alagad na Gargoyle.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...