Chapter 1

47 7 0
                                    

Arissa's POV

"ATEEE!!" Sigaw ni Utoy.

Sabik itong lumapit sa akin at niyakap agad siya nito sa aking mga hita. Napa-ngiti naman ako ng bahagya na para bang nawala ang lahat ng pagod ko sa pagtatrabaho kanina. Binaba ko ang sarili ko para mabubat ang kapatid ko na three years old pa lang na si Utoy.

"Naligo ka na ba?" Tanong ko dito at tumungo naman ito bilang sagot. "Talaga? Taas nga kamay! Amoy ko kili-kili kung mabango talaga?" Pang-eechos ko sa kaniya.

Tinaas niya naman ang kamay niya at inilapit ko ang aking ilong sa kili-kili niya. Ginagawa ko ito para i-check kung pinaliguan na ba siya ngayong umaga ni Tintin ang pangalawang kapatid ko.

"WOW! Ang bango-bango naman ni bunso!" Pang-uuto ko kay Utoy.

Kalalabas pa lang naman ni Tintin galing sa kusina na mukhang kakatapos lang maglinis doon. Alas-syete na din kase ako nakakauwi galing sa comshop na binabantayan ko na malapit sa eskwelahan ng lugar namin.

"Oh! Tintin lagay mo 'to sa lamesa. Mag-agahan na din kayo." Utos ko dito na sinunod din naman agad ang inutos ko.

"Ate? Bakit pala ngayon ka lang?" Takang tanong ni Tintin na nagtitimpla ng gatas ni Utoy.

"Ah nag-overtime ako sa comshop eh ang daming pa ding naglalaro kahit gabi na ay kahit nga madaling araw pa eh syempre sinasayang nila ang mga pera nila kaka-'dota' o kung ano man pero ayos na din yon para may kita yung comshop at may kita din ako!" Sagot ko.

Napatungo lang si Tintin sa sinabi ko. 16 years old na si Tintin na pumangalawa sa aming magkakapatid ako ang panganay na biglang naging nanay na sakanila nang dahil sa maagang pagkawala ni nanay sa amin.

Nagtatrabaho ako sa comshop na nakapwesto sa malapit na public school sa lugar namin 24hours open ang comshop maliban lang kapag weekend dahil sa wala namang klase nito kaya hanggang alas-singko lang iyon bukas. Oo nga pala! Speaking of pasok. May pasok nga pala si Tintin ngayon dahil byernes bakit hindi siya nakabihis?

"Hoy! Byernes ngayon ah? Bakit hindi ka pumasok?!" Takang tanong ko.

"Ay! Nakalimutan kong sabihin may N.A.T ngayon ang mga grade 9 kaya wala kaming pasok." Natatawang sabi nito.

Napatango na lang ako at nakangiting tinignan ang bunso kong kapatid na nilalaro naman ang buhok ko. Pumunta ako sa lamesa at inilipag siya sa aking hita isinawsaw ko ang tinapay sa gatas at isinubo iyon sakaniya na agad niya namang kinain. Mabuti na lang at hindi mapili ang mga kapatid ko sa pagkain si Tintin ay naiintindihan naman ang sitwasyon namin samantalang si Utoy naman ay paniguradong nasanay na lang sa buhay na kinagisnan niya.

"Oh siya! Kumain na kayo. Aakyat lang ako, pakainin mo muna si Utoy." Pakikisuyo ko kay Tintin na agad namang kinuha sa akin si Utoy.

Pagtayo ko ay pumunta na ako sa hagdan at dumeretso na sa kuwarto ko na dating kuwarto ni mama at papa. Hinawi ko ang kurtina at dumeretso sa kabinet at nagpalit ng damit at tsaka humiga sa kama. Matutulog na muna ako para makapagpahinga. Ilang sandali lang ay napapikit na ako at nakatulog.

"ATEEE!! ATEEE!!"

Naramdaman ko ang pagyugyog sa katawan ko at pagtawag sa akin ni Tintin. Ano ba naman 'to? Natutulog pa ako eh.

"ATEEE! BANGOOON KA NAAA!!" Pag gising nito muli.

Iminulat ko ang aking mata at tsaka siya tinignan ng masama. "Bakit?" Tanong ko sabay hikab at bangon.

"Ate! Si Aling Tere nasa baba!" Sabi nito.

Napakunot ako ng noo sa nasabi nitong pangalan. Anong ginagawa na naman ni Aling Tere dito? Nakakailang sabi na nga ako sakaniya eh.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon