Chapter 19

17 4 0
                                    




"KUYAAAA!! Dito ka magpapasko?" Nakangiting bati ni Tintin kay Dwyth ng makita niya itong kasunod ako.

Siya ang nagdala ng mga regalo ko at regalo niya. Kanina sa sasakyan ay sinabi niyang may ibibigay daw siyang regalo sa mga kapatid ko kaya gusto niya din akong ihatid para ibigay ang mga iyon at masasabi kong anlalaki ng mga regalo niya. Mayaman eh.

"Tsk! Umupo ka na lang diyan." Sabi ko pa.

"Ate nagpatulong pala ako kay Tatay Peng sa pagkabit ng Videoke sa Tv natin kaya ayan kumakanta-kanta muna kami ni Utoy." Sabi ni Tintin.

Tumango lang ako sakaniya. Dumeretso na ako sa kusina at inilapag ang mga lulutuin kong pagkain. Tinali ko ang buhok ko at naghugas na ako ng kamay para makapaghanda na.

Naging magaan naman ang pagkilos ko dahil sa tinutulungan ako ni Tintin sa paghahanda. Tinatanong niya ako kung galit ba ako sa pagkakabit ng Videoke pero sinasabi ko lang na ayos lang sa akin iyon kung ikatutuwa nila ni Utoy ang bagay na iyon.

Nilagay ko na ang napatulo kong pasta sa isang lalagyanan matapos nito ay inilagay ko na din ang sauce nito sa ibabaw at kinayod sa grater ang cheese sa ibabaw nito.

"Pagpatuloy mo to." Utos ko kay Tintin.

Sinunod niya naman iyon at ako naman ay tinignan ang piniprito kong manok. Luto na ito kung kaya kinuha ko na at nilagay din sa lalagyanan at naglagay naman ako ng panibagong parte na lulutuin ng biglang nagsipagtalsikan ang mantika at natalsikan ang kamay ko at ramdam ko ang init noon sa balat ko.

"Ouch!" Daing ko.

"Ate? Ayos ka lang? Ako na muna dito hugasan mo muna iyan para hindi magkapaso." Sabi ni Tintin na ginawa naman ang pagpiprito.

"Ayos ka lang?"

Napatingin ako sa likod kung saan nanggaling ang nag aalalang boses na iyon. Tumango na lang ako bilang sagot at tsaka binuhusan ng maligamgam na tubig ang natalsikang parte sa kamay ko.

"Bumalik ka na doon. Ayos lang ako!" Sabi ko kay Dwyth.

Mukhang wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang. Talsik lang naman ang nangyari sa akin pero kung mag-alala siya ay parang nasaksak naman ako. Pinabili ko na lang ng band aid si Tintin sa tindahan at ako na ang nagluto ulit.

Menudo, Adobo, Fried chicken at spaghetti at iba pa ang mga niluto ko, maingat na nagsalansa kami ni Tintin ng mga gagamitin sa gabing ito. Inayos namin ang mesa at mga platong gagamitin maging ang mga baso.

Hindi ganoon kasing bongga ang gabing ito pero sinisguro kong gawing espesyal ito kahit kami kami lang magkakapatid ang mag-ce-celebrate ngayong pasko- okay sige kasama nga pala si Dwyth.

Alas-onse na nang gabi at malapit nang mag mecha noche. Naligo lang ako saglit at kasalukuyang naghahanap na ngayon ng damit na pamalit. Sinarado ko at nilock ang pintuan. Mahirap na baka makapasok na naman ang lalaking iyon dito sa kuwarto ko at makatsansing na naman sakin.

Kinuha ko ang simpleng shirt at short at tsaka hinayaang nakalugay ang buhok ko. Hindi ko hilig ang ilugay ito at aaminin kong maganda din talaga ang buhok ko na nagmana ang kulay kay Papa pero ang katangian nang pagkakulot ay kay Mama.

Naglagay ako ng simpleng pulbo at lipstick na hawig lang ng kulay ng labi ko at tsaka ako nagpabango. Bakit ko ba to ginagawa? Hayst!

Padabog kong nilapag ang pabango at tsaka bumaba na ako at pumunta sa sala kung nasaan si Tintin nakanta at si Dwyth naman na tuwang tuwa na nakikinig kay Tintin. May boses din talaga si Tintin at hindi ko iyon maitatanggi. Pagbaba ko ay bumungad agad sa akin si Dwyth na nakatingin sa akin, at mukhang manghang-manghang makita ako. Natapos na ni Tintin ang kinakanta niya at tsaka naman siya binalingan ni Dwyth ng tingin.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon