"HAAAAAYYYSS!! Grabe! Nakakapagod itong araw na to! Ano? Ars? Hahatid na kita sa service mo para makauwi ka na? Tara!" Pag-aaya ni Remmy.Tumango ako sa kaniya at ngumiti bilang sagot. Gumaya na din kami agad sa elevator. Grabe! Alas-otso pa lang pero sobrang napagod na ako. Ang dami kaseng tapings for interview ang siyang pinuntahan namin. Oo nasa iisang building lang ang network pero yung mga papalit-palit ng damit? Yung pagpapalit ng make-up? Yung tipong ngingiti ka sa camera? Pati pala yon nakakapagod.
Pagbukas na pagbukas ng elevator ay lumabas na kami ni Remmy. Dumeretso na kami palabas at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino yung taong nasa labas at nakasandal sa sasakyan na iyon.
Naka-shades siya ng itim at naka formal wear pa na mukhang galing nga sa opisina ng kompanya nila at may hawak pa siyang bouquet ng bulaklak.
Nakatingin siya sa sahig at nang mapansin niya ang presensya ko ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.
"Dwyth..."
Napangiti ako ng makita ko ang mukha niya. Sobrang na miss ko siya! At aaminin kong magtatampo na sana ako sakaniya dahil parang nakalimutan niya ako sa buong araw pero nawala lahat ng tampo na nasa isip ko nang makita ko siya ngayon mismo sa harapan ko.
"Hi babe." Bati niya.
Kumaway siya sa katabi na si Remmy at iniabot sakin ang dala-dala niyang bulaklak.
"Thanks for taking care of her, Remms! Ingat kayo ng service. Pero sakin na sasabay si Arissa pauwi, pwede ba?" Tanong nito.
Tumango lang si Remmy na halatang kinikilig naman sa ginawa ni Dwyth. Lumapit sakin si Dwyth at niyakap ako ng mahigpit.
Grabe! Na miss ko siya ng sobra! Parang matagal na panahon na kaming hindi nagkita ah? Pero na miss ko talaga siya.
"Tara na babe?" Aya nito.
Tumango ako at hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko. Kinikilig ako sa ginawang yon ni Dwyth. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng passenger seat at pumasok na din naman ako. Sinarado niya ang pinto at pumunta na sa kabila.
Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasan ang ngumiti sakaniya. Grabe! Hindi ko alam na gagawin niya pala ito.
"Ahm... Dwyth? May nangyari ba sayo kanina kaya hindi mo ako natext? Or natawagan man lang?" Takang tanong ko.
Napangiti siya habang nagmamaneho. Iyong ngiti na para bang may tinatago.
"I made something for you. Sabihin na lang natin na parte ng plano ko yung hindi pagpaparamdam sayo." Aniya.
Nakita ko na lang na andito kami ngayon sa building kung nasaan ang condominium niya. Nag-park siya at nang mapatay niya ang makina.
"Wait." Aniya.
Naguluhan pa ako sa sinabi niya at doon ko na lang napagtanto na pagbubuksan niya pala ako ng pintuan kaya siya nagpahintay.
"Thank you." Pagpapasalamat ko.
Hinalikan niya ako sa pisnge at sa noo nang may bigla siyang kinuhang panyo galing sa loob ng coat niya. Para saan ang panyo na yan?
"Baby? Para saan yan?" Tanong ko.
Ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa tip ng aking ilong.
"Talikod babe..." Bulong niya sakin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at doon ko napagtanto kung para saan ang panyo na yon. Ipiniring niya sakin ang panyo at naramdaman ko na lang ang paghinga niya na nasa aking tenga na.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...