"Masyado pang maaga! Gumala ka na muna Tintin kung gusto mo andidito lang naman kami." Sabi ko pa.Tumingin naman siya sa akin na parang namangha sa sinabi ko. Nakita ko pang tinignan siya ni Benz. Ay? Parang may iba.
"Pwede mong isama si Benz kung gusto mo." Pang-aasar ko pa.
"H-Hindi na! Kaya kong gumala n-ng si Utoy na lang ang kasama!" Nahihiyang sabi niya.
Tumayo na siya at binuhat niya si Utoy tsaka siya kumaripas ng alis natawa na lang ako ng makitang nagmamaldita ang kapatid ko ngayon. Sinundan siya ni Benz at hindi ko alam pero natutuwa ako na nag-aaway sila.
"Magkakilala ba iyang pinsan mo tsaka si Tintin?" Baling ko kay Dwyth na naka-upo naman sa tabi ko.
"Hmmm... Oo ata. As far as I know trip ng pinsan ko iyang kapatid mo." Nakangiting sabi niya.
"Weh?!" Gulat na tanong ko.
Pano niya nasabi? Ano yon, sinabihan siya ni Benz na may gusto siya sa kapatid ko?
"Alam mo yon... It's a boys matter babe." Sagot niya.
Napatango na lang ako sa kanya. Tinignan ko na lang ang dagat at ang mga barko na nasa malayo. Maging ang ingay ng mga tao ay nakikisabay sa saya ng okasyon.
"Just let them grow! Ako naman ang pagtuunan mo ng pansin." Nakasimangot na sagot niya.
Nasabi ko na bang ang cute niya kapag nag pa-pout siya? Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong kurutin ang magkabilang pisnge niya.
"Para kang bata..." Biro ko pa.
"I am! Because I am your baby... right?" Nakangising sabi niya.
Natawa na lang ako sa inaasal niya. Nakikita ko pa sa paligid ko na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid madalas ay puro babae na kinikilig naman na tinitignan sabay bulong sa katabi nila. Napailing na lang ako lakas ng dating ng isang ito. Simple lang ang porma niya pero iba talaga siya.
"Hindi kaya! Si Utoy ang baby ko 'no!" Biro ko pa.
Nakita ko pang napasimangot siya bago bumuntong hininga.
"Lugi ata ako sa kapatid mo ah? Don't worry I respect your principle. Siblings before anything." Sabi niya.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya hindi ko alam na naalala niya pa pala iyon. Tumingin siya sa dagat at gaya ko tiningnan niya din ang mga barko na nasa dagat.
Hindi ko na napigilan ang yakapin siya at halikan sa pisnge niya. Nakita ko pang nagulat siya sa ginawa ko pero pinulupot niya na lang din ang kaniyang mga kamay sa bewang ko.
"Babe?" Biglang tanong niya.
"Hmmm?"
"Gusto mo bang gumala sakay ng barko? Sa bakasyon? Bakasyon tayo babe!" Biglang pag-aaya niya.
Napabitaw ako sa pagkakayakap ko at hinarap ko naman siya. Kitang-kita ko ang pagtataka sa hitsura niya ng gawin ko iyon. Napangiti na lang ako sa gusto niyang gawin sa bakasyon at talagang gusto niya pang kasama ako pero hindi ako pwedeng magpahinga sa pagtatrabaho dahil pag nakapagtapos na si Tintin mag ca-college na siya at kakailanganin ko ng malaking ipon para makapag enroll siya.
"Ano kase... Yung bakasyon kase para sa mga estudyante iyon. Ako may estudyante pa ako at kailangan ko pang pag-ipunan ang pang enroll ni Tintin sa college... Alam mo na yon." Seryosong sabi ko.
Napabuntong hininga na lang siya sa nasabi ko. Gusto ko din naman siyang kasama pero hindi kase ganoon iyon kadali.
"Let me! Let me pay her tuition..." Nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...