"Ate!! Tignan mo oh! Ang ganda nang nabunot ko oh?" Manghang sabi ni Tintin.Pinakita niya sa akin ang isang T-shirt na may magandang desinyo at sinamahan pa ng isang Bench na pabango. Worth 250 ang exchange gift nila at tuwang tuwa siya sa nakuha niya dahil ang useful daw nito hindi gaya ng sa nakukuha ng iba niyang kaklase.
"HAHAHA... si Cheska nga nakuha ay panyo na apat na may kasamang alarm clock eh. Tapos si Alliana naman ay mug tapos baunan ng kanin...yung may chopstick!" Natatawang kwento pa niya.
Maaga ang uwian nila dahil Christmas party naman nila ngayon at byernes na huling araw ng pasok nila at break na nang klase nila. Nakakatuwa nga na hindi na gumala pa si Tintin pagkatapos ng Christmas party nila karamihan kase ay ganoon ang ginagawa.
"Oh useful din naman iyong mga yon ah?" Nasabi ko pa.
Inaayos ko kase ang mga damit ni Utoy at tinutupi iyon. Nang makita ko ang iilan pang regalo na puro halos kulay pula, pink, green ang balot. Ano iyan? Mga regalo? Tinignan ko si Tintin na mukhang walang pake sa mga regalong iyon kung kaya inabot ko ang isang nasa kulay pula.
To: Chrisantyn Madrigal
Merry Christmas to you... I hope I can get your attention by giving you this gift. I really like you a lot!
From: BJ
Napakunot ako ng noo sa nabasa ko. Tinignan ko ang kapatid ko na tuwang-tuwa sa disenyo ng damit. Nako! Parang magkakalove life pa ata ang isang ito ah.
"Oh anong ibig sabihin ng ibang regalo na ito?" Tanong ko sakaniya.
Malaking ngisi ang ibinungad ko sakaniya pagtingin ko sakaniya. Napanguso siya ng makita na hawak ko ang isa sa mga iyon at nagkibit balikat na umupo.
"May mga nagpapaabot eh hindi ko sila kilala sa totoo lang." Clueless na sagot niya.
"Mukhang crush ka nang bayan sa inyo ah?" Nakangising sabi ko.
Siya naman ay tinaas lang ang balikat na parang sinasabi na ewan at wala siyang pakealam.
Kung titignan kase si Tintin ay maputi, makinis ang balat at matangos at mapula nang natural ang labi niya at nakakadagdag pa ng ganda niya ang buhok niyang medyo kulay brown at medyo kulot ang dulo. Kung susumuin ay nakuha niya halos lahat ang katangian ni Mama at hindi malayo ang mukha nila noong dalaga pa si Mama. Si Utoy naman ay nakuha ang mukha ni papa malamang si papa ang purong laman noong utak ni Mama nung pinag bubuntis niya ito at samantalang ako ay pinaghalo ang histura nila.
Inayos niya na ang lahat ng regalo niya at inilagay ito sa loob ng kuwarto nila ni Utoy. Ako naman ay inilagay na ang gamit ni Utoy sa lalagyanan ng mga damit nito. Magtatanghalian na din kase at kailangan ko pang magluto ng kakainin namin kung kaya mamamalengke na muna ako.
"Oh! Dito na muna kayo ni Utoy ah bibili lang ako ng makakain natin." Bilin ko.
Tinanguhan ako ni Tintin bilang sagot at ako naman ay lalabas na sana ng biglang bumungad sa akin si Dwyth na karatating lang. Pawisan ito dahil sa init ng araw, at kitang kita ko naman ang mga babaeng kasing edaran ko na nag uusap na mukhang kinikilig pa kay Dwyth.
Napakunot ang noo sa kaniya siya namang gulat na napatingin sa akin. May dala siyang naka paper bag at isang bilao. Anong ginagawa niya dito?
"Uy! Aalis ka?" Tanong niya.
Sinubukan niyang punasan ang pumapatak na pawis niya. Napailing na lang ako dahil medyo bumabakat na ang katawan niya sa suot niyang grey na tshirt at inirapan ko siya at tinignan ng masama.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...