Chapter 39

11 3 0
                                    




"Nakaalis na po ba sila Tintin?" Tanong ko kay Nanay Luna.

"Ah oo ija. Kani-kanina pa. Nakakalungkot naman at hindi ka na kasama sa graduation ni Tintin." Sabi ni Nanay Luna.

Ngayon na ang araw ng graduation ni Tintin at totoong nakaramdam ako ng lungkot nang makita kong suot niya ang toga niya at ganoon siya kasaya pero hindi ko naman siya makikitang umakyat sa stage.

Mabuti na lang at naiintindihan ni Tintin ang sitwasyon ngayon.

"Ahm! Nay? Kumusta nga po pala ang mga niluluto nila?" Tanong ko.

Tinignan ko ang inihahanda nilang pagkain para sa salo-salo mamaya pag-uwi nila Tintin kase ay isusurpresa ko siya.

Mamaya lang ay dadating na din ang pina-order kong regalo sakaniya. Samantalang si Utoy naman ay pinabantayan ko muna sa isa sa mga kasambahay at pinalaro ko muna ito.

"Okay naman na." Sabi ni Nanay Luna.

"Nay? Ayos po ba ang pagkakalagay ko ng lobo?" Tanong ko.

Inaayos kase namin ang mga dekorasyon ngayon.

"Ayan! Maganda! Maganda!" Sabi ni Nanay.

Ngumiti ako at bumaba sa hagdan na ito at tinignan ang denecorate namin na mga design at totoo ngang maganda iyon.

Biglang tumunog ang cellphone ko na ikinugulat ko naman. Tumatawag si Dwyth.

"Hello? Baby?" Sagot ko.

"Hey! Babe? Medyo malelate lang ako ng kaunti may inaasikaso kase ako dito sa opisina ni dad. Okay lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman! Nako! Wag kang mag-alala." Sabi ko naman.

Narinig kong parang may nag-salita pero ko masyadong naintindihan yon kaya naman binalewala ko na lang. Ang nakakapagtaka lang ay boses babae? Baka naman yung secretary niya iyon.

"Okay! Ba-bye na muna! Wait me there okay? I love you." Sabi niya.

"I love you too baby." Sabi ko.

At ako na ang nagpatay ng linya. Maya maya lang ay tumunog ang doorbell at dali-dali namang pumunta doon si Nanay Luna. Ibinalik ko ang atensyon sa buong dekorasyon ng sala at dining area na sobrang ganda! Yes! Sana masurprise si Tintin.

"Oh! Insan okay na yung confetti."

Nilingon ko naman si Junjun na nagpapagpag naman ng kamay na katatapos lang na mag-ayos. Pinapunta ko din kase siya at siya namang nagrepresinta na tutulong daw sa pagdedecorate kaya hinayaan ko na lang din.

Mabuti na ang pakikitungo sakin ni Junjun at masasabi kong nagiging maayos na din siya. Mabait naman si Junjun sabi niya ay nadala lang daw siya sa nangyari sa kaniya nitong mga nakaraan. Naadik kase siya sa larong bilyar at nagkaroon ng malaking pusta noon at natalo daw siya kaya nagkaroon siya ng utang at doon na lang siya sa benta ng comshop nila nangungupit. Mabuti na lang ngayon at naayos na niya ang sarili niya at hindi na siya yung dating Junjun.

"Salamat Jun." Sabi ko naman. "Inom muna tayo! Grabe nakakapagod din ito eh." Aya ko.

Natawa naman siya at sumang-ayon sa sinabi ko. Aniya ang laki daw kase ng bahay kaya ganon. Natawa na lang ako kase totoo nga naman ang nasabi niya at syempre laking pasalamat ko din na nakapundar na ako ng ganito.

"Grabe! Di ako makapaniwala ang taas mo na ngayon Ars!" Sabi ni Junjun.

Umiinom kami ng juice ngayon sa at nakaupo kami ngayon sa sala. Ipinalinis ko na muna sa mga katulong ang mga nakalat na gamit na nagamit sa pag-aayos ng decorations.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon