Chapter 48

19 3 0
                                    

Dwyth's POV

Matapos kong tawagan ang cellphone ni Arissa ay wala pa ding sumasagot. Naka-patay pa din ang cellphone niya. Anong oras na kaming natapos sa meeting mula sa Eng. nang project namin at maging sa President din ng AZ inc. kaya natagalan kami.

Sabay mo pa ang babaeng si Kelly na humaharang sakin kanina sa opisina ko. Umiiyak at halatang laseng wala akong choice kundi ang ihatid siya sa bahay nila dahil sa hindi ko naman matawagan ang papa niya dahil busy din. Hindi ko naman maipagkatiwala sa kung saang taxi or uber driver ang babaeng iyon dahil sa suot-suot niya.

"Alam mo ba? Na trending ang girlfriend mo? Hik! Dahil doon! She ish the winner ng Peys of cha night... Hik! Ha! Yes! I really feel jealous with her. She had everything I want! Naagaw niya lahat ng shaakin! And naiinis ako sakaniya. One day. I will promise na babawiin ko ang lahat."

"And this! Alam mo ba na viral ang interview sakaniya sa dressing room niya dahil may kasama siyang ibang guy?!! That Bitch!! HAHAHAHAHA!!! May kasamang ibang guy? Sa dressing room? Huli sa akto?"

"This! I will gonna get that award again."

"She don't deserve everything!!!"

Lahat ng pagmamaktol ni Kelly kanina ay nasabi niya habang andidito sa loob ng sasakyan ko. No choice ako kundi ang ihatid siya. Tinext ko si Remmy at nasabi niyang andodoon nga daw sila kila Uncle kaya doon ko na diniresto ang sasakyan.

Pagpasok ng pagpasok ko ng gate ilang hakbang pa lang ay hindi ko inaasahan ang nakikita ko.

"GAGO KAAA!!"

I punch Felix face. He's kissing my girlfriend! Tinignan ko sila. Mukhang nagulat naman si Arissa sa nangyari.

"Dwyth..." Aniya.

Hinawakan niya pa ako sa braso para pigilan ako sa pagsapak kay Felix.

"GAGO KA! BANTAY SALAKAY! Anong akala mo sakin? Gago? Wala kang respeto sa kung anong meron kami!!" Gigil kong sinasapak ang mukha nang gagong ito.

"Dwyth!! Tama na please!!" Pigil ni Arissa.

Pumagitna na si Arissa sa amin ni Felix at sa pagkakataon na yon ay natumba na nga si Felix at gigil na gigil akong nakatingin lang sa kaniya. Napakagago!

"DWYTH! TAMA NA!!"

Tinignan ko si Arissa na may mga luha na sa mata niya. D*ng! Umiiyak na siya. Naramdaman ko ang medyo pagkalma ko, But that's not enough. Hahayaan niya lang ba na halikan siya ng kaibigan niya kuno. Para akong biglang nakaramdam nang biglang pagkulo ng dugo at inis sakanilang dalawa. Sa nagawa nila.

"Ayan pala ang kaibigan lang." I said sarcastically.

Ayaw ko na munang makita ang mukha ni Arissa at maging ng gagong Felix na yon baka hindi lang bugbog ang abutin sakin ng gagong yon.

I really feel dumb right now! Naiinis ako at gustong gusto kong sumabog sa pagkakataong ito. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mga traydor!

"Dwyth! Don't leave! Let me explain! Wala—"

Umalis ako at hindi na pinakinggan pa ang sasabihin ni Arissa pero patuloy pa din siya sa pagsunod sakin.

"Dwyth?! Let's talk!! Please!"

Naririnig ko ang pangangatal sa boses ni Arissa at aaminin kong sobrang naapektuhan ako sa mga yon. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa naririnig ko.

At mas lalo akong nanginginig sa inis at lalo lang akong nasasaktan sa mga bagay na nangyari ngayon.

"Please Dwyth... listen to me. Please?" Pagmamakaawa ni Arissa.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon