"Oh Ars? Kumusta ang selebrasyon niyo sa graduation ng kapatid mo?" Tanong ni Remmy habang inaayusan ako.Siya na din kase ang nag me-make up sakin at naggagawa ng mga masusuot ko kada may mga kailangan akong puntahan at may mga interview ako.
"Ayos lang naman. Actually tuwang-tuwa nga si Tintin sa mga nabigay na regalo sakaniya tsaka sa surprised namin sakaniya kahapon." Kwento ko pa.
"Naman! Kung ako man din ay bibigyan ng mga mamahaling regalo gaya ng binigay mo sa kapatid mong piano? Kahit hindi ata ako mahilig sa music ay aalagaan ko ang piano na yon eh." Aniya.
"Para sa kapatid ko." Nasabi ko.
"Oo nga pala. Itong pupuntahan mo ay ang ang conference ng sa movie na ginawang theme song ang kanta mo. Bale? Ano? Gora ka na ah? Hahatid ka nang mga guards sa pwesto mo." Sabi niya.
"Okay."
Kinuha ko muna kay Remmy ang cellphone ko. Nakita kong may text si Aki at Felix sa akin na Goodluck. Pero si Dwyth... wala pa ding reply sa tinext ko kagabi. Mukhang busy nga siya ngayon.
To: Dwyth <33
Take your launch baby. Don't forget. Pupunta na ako sa conference ng How it will get na movie. Iyong kinuha yung kanta ko as their theme song.
Send✔️ 11:24amHabang nagta-type ay bigla na kaming tinawag ng staff. Kung kaya dali-dali kong tinapos ang pag-te-text ko.
To:Dwyth <33
I love you! <3
Send✔️ 11:25am"Ma'am Arissa Madrigal? I-ga-guide ko na po muna kayo sa pwesto niyo." Sabi ng isang staff sa akin.
"Okay. Thank you." Sabi ko naman.
Nag-paalam na ako kay Remmy at sumunod na ako sa staff. Pinaligiran kaaagad ako ng mga guards at pagkalabas na pagkalabas namin ng dressing room ay naglakad pa muna kami sa isang hallway at pagkalabas namin ay doon na din kami sinalubong ng mga reporters at mga kinang ng mga flash na galing sa camera ng kung sino sino.
Ngumingiti lang ako at base na din yon sa sinabi sakin ng staff na katabi ko.
Nang makarating na kami sa conference ay andodoon na din ang iilang mga sikat na personalidad na siyang mga nag-bida sa movie na How it will get na siyang kumuha ng kanta ko as their theme song.
Nang matapos nang ipakilala ang mga bida sa pelikulang iyon ay ipinakilala na din nila ako at ang iba bang naging bahagi ng palabas na iyon.
Maraming naging tanong ang mga reporters sa mga bida ng pelikula gaya ng Anong posibilidad na magiging reaksyon ng manonood ng pelikula nila? Tapos yung sa iba naman ay Kamusta ang naging trabaho nila habang ginagawa ang pelikulang iyon. Tapos yung iba naman ay Anong pakiramdam nang makagawa ng isang palabas na siyang nag-blockbuster ika nga daw nila.
Aaminin kong maganda ang naging palabas. Napanood ko na din kase lalo na nung nagkaroon ng screening at isa ako sa mga nakasama noon dahil daw sa gusto daw nilang ipakita ang naging resulta ng palabas at ng kanta na siyang sumakto naman daw at naging maganda ang kinalabasan noon. Maski ako ay natuwa nang mapanood ko ang pelikula at marinig ko din ang sarili kong kanta.
"Ahm... This question is for Ms. Madrigal."
Doon ko biglang natuon ang aking atensyon nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit ng isa sa mga reporter. Ngumiti ako sakaniya.
"Ano naman pong naramdaman niyo nang malaman niyo na kayo ho ang gagawa at ang siyang kakanta sa pelikulang ito?" Tanong ng reporter.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romans'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...