Chapter 38

12 3 0
                                    




"Okay na yung make-up mo Ars. Now you all need to do is to smile at the camera! Basta andito lang ako sa gilid ng studio to support you. Grabe na eexcite na ako sa interview mo with Georgie Agustin!! Siya ang pinakasikat na tao pagdating sa mga interview interview na yan eh! Kaya nakooo galingan mo sa pagsagot." Sabi ni Remmy.

"Ha? Kailangan ko bang galingan? Nakaka-pressure naman." Kabadong sagot ko.

Hinawakan niya ang baba niya na para bang nag-iisip ng sasabihin.

"Hindi mo naman kailangan galingan ah basta! Just be yourself sa mga sagot mo and I think thats what makes you good in answering!" Aniya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wala akong ibang masabi dahil maski hanggang ngayon ay ramdam ko ang kaba. Basta Arissa! Just be yourself ika nga ni Remmy.

"OKAY PO! READY NA PO TAYO I THREE MINUTES! MAG-OON AIR NA PO!!"

Napatingin ako kay Remmy na nag thumbs up naman sakin. Si Manager Violet kase ay kausap ang tropa niyang manager din na si Manager Q. Yung kalbong kasama din sa pag-sa sign ko ng contract dati.

"Okay Ms. Arissa? Pwede na po kayong pumwesto andon na din po si Mr. Georgie." Sabi ng isang staff.

Tumango ako at inalalayan niya naman ako sa pagpunta sa isang hindi kalakihang stage kung saan nakaupo nga ang sikat na si Goergie Agustin.

"Dito po kayo miss." Sabi ng staff at itinuro naman ang upuan sa tapat ni Georgie.

Sinunod ko ang staff at umupo na ako sa tapat ni Goergie Agustin na busy naman sa pagbabasa ng parang script at mukhang naagaw ko naman ang atensyon niya.

Ngumiti ito sa akin at ganoon din ang tinugon ko sakaniya.

"Hello Arissa Madrigal! It's nice to meet you and it's actually a pleasure na makilala ka na sa personal!" Aniya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at nakipag-shake hand na nga ako.

"Nako! Salamat po ako nga po ang parang na star-stuck sa inyo eh." Nahihiyang sabi ko.

"Ha? Don't be. Actually mas kilala ka kesa sakin sa panahaon ngayon grabe ang kasiktan mo! Alam mo ba yon?" Sabi niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Nagbitaw na kami sa pag-she-shake hands na dalawa ng biglang sumigaw na ang director na ready na daw para sa pag-oon air ng palabas.

"Just enjoy this." Sabi ni Goergie.

Ngumiti ako at tumango sakaniya bilang tugon.

"Okay! In 5... 4... 3... 2... and 1!!" Sign ng director.

"Magandang umaga sa ating lahat! Pilipinas at mamayang pilipino!! Isang masigabong palakpakan naman diyan para sa ating mga audience na andidito sa ating studio ngayon!" Simula ni Georgie.

"Isang kilala at napakasikat na singer ang sa atin na bumisita!! Maraming nag-rerequest na siya naman ang ating paupuin sa nag-iinit na upuan at mga tanong. Let us welcome! Arissa Madrigal!!" Aniya.

Nagpalakpakan ang studio audience nang marinig na ang pangalan ko.

"Hello po! Hello Georgie! Hello studio audience! Hello pilipinas!" Bati ko.

"Magandang umaga Arissa!" Aniya.

"Magandang umaga din Georgie." Sagot ko.

"Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa ano! Grabe ang iyong kasikatan ngayon! Buong pilipinas, hindi, actually buong mundo ang siyang naantig at naintriga sa mga kantang siyang inilabas mo. At grabe! Ang bilis na lumaki at kumalat ng pangalang Arissa Madrigal, what do feel about that?"

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon