Chapter 44

12 3 0
                                    





"Grabe? It's a long daaaaay!!" Sabi ni Remmy sabay bagsak ng katawan sa sofa na nandidito sa loob ng dressing room.

"Oo nga." Sagot ko.

At gaya ni Remmy ay binagsak ko din ang katawan ko sa sofa at pumikit sandali. Gusto kong matulog ng matagal. Nitong mga nakaraan wala na akong sapat at tamang pahinga. Napaka-hectic nga talaga ng schedule ko sa mga nangyayari.

Biglang may kumatok sa pinto at narinig ko na lang na nagbukas iyon. Kaya naman napadilat ako ng mata para makita kung sino ang siyang kumatok.

Delivery man at may dila itong mga box at flowers.

Kinausap iyon ni Remmy at ilang sandali lang ay sinarado na din ni Remmy ang pintuan.

"Mga regalo galing sa fans." Sabi ni Remmy.

Inilagay iyon ni Remmy sa isang table at doon ko lang napansin na may karamihan ang mga regalong nakapatong doon.

Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Nagugutom na ako...

"Remmy? Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Remmy.

Dinama pa muna ni Remmy ang tiyan niya at ngumiti.

"I'm on my diet eh... pero nagugutom ka na ba? Gusto mo bang mag pa-order ako?" Tanong ni Remmy.

Tumango ako bilang sagot. Ilang sandali lang ay may tinawagan si Remmy at malamang ang food chain na yon.

Kinuha ko ang cellphone ko at as usual ay maraming texts nang nga pa-congrats ang nabungaran ko. Alas-nuebe na pala? Kumain na kaya sila Tintin at Utoy?

Tinawagan ko ang landline ng bahay at ilang sandali pa ay may sumagot na agad.

"Madrigal residency? Ano po iyon?" Si Nanay Luna ang sumagot.

"Nay? Si Arissa ho ito tatanong ko lang po kung kumain na ho ba sila Utoy at Tintin?"

"Ah... Oo Arissa. Heto nga sila at nanunood ng Tv. May kailangan ka pa ba? Paghahanda ka ba namin ng makakain pag-uwi mo?"

"Hindi na ho... baka kako hindi pa po kumakain yung dalawa. Kinamusta ko lang po. At tsaka... Nay? Patulugin niyo ho sila. Kamo, baka anong oras na ho ako makakauwi." Bilin ko.

"Ah oh sige."

Pinatay ko na ang linya at tinignan kung may chat ba si Dwyth o text man lang. Pero wala. May meeting kaya yon? Kapag medyo late na din kase madalas naman siyang nag-tetext o tumatawag kahit missed call lang para magparamdam. Bahala na nga! Ako na ang tatawag.

Tinawagan ko ang number ni Dwyth. Naka-ilang ring pa yon bago niya ito tuluyang masagot.

"Babe?!"

Naguluhan ako sa tono ng salita niya doon. May nangyari ba?

"Hey? Baby... tumawag lang ako para mangamusta. How are you? May nangyari ba?" Tanong ko.

"Ha? Wala naman babe. Madami lang nangyari ngayon sa office. By the way! Kumusta ang araw mo?"

"I'm fine but tired. Sorry kung hindi pa tayo gaanong makapag-kita ah? Don't worry after nitong tour ko we'll meet." Sabi ko.

"Yeah... sana nga. I love you." Aniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Parang nag lighten ang pakiramdam ko.

"I love you too." Sagot ko.

"Babe? Tapusin ko na tong work ko. Bye!" Aniya.

"Ba-"

Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang namatay na ang linya. Taka akong tumingin sa cellphone ko. Mukhang busy talaga ngayon si Dwyth ah?

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon