Hindi niya nasagot ang tanong ko ng gabing iyon. Pina-uwi ko na lang agad siya ng mga oras na yon at hindi na siya nakipag diskusyon pa sa akin. Tulala siya at kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa emosyon niya kagabi.Hindi siya nagparamdam ng ilang araw ngayon December 30 na ngayon isang araw na lang at matatapos na ang taon na ito. Magiging panibagong taon at panibagong pakikipagsapalaran na naman ang mangyayari sa padating na taon sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Anong oras na sa totoo niyan ay patulog na din ako ngayon pero biglang may tumawag sa cellphone ko at nagulat na lang ako ng Uknown number ang lumabas.
Baka na wrong call lang. Hinayaan ko muna nang ilang saglit sa pag-aakalang titigil din ito pero hindi pa din. Kaya naman umupo na ako galing sa pagkakahiga at sinagot ito.
"Hello?" Sagot ko.
"Hello? Arissa? Ikaw ba ito? Number mo ba ito? Diyos ko! Arissa wag kang magagalit ah? Hiningi ko kase ang numero mo sa kaibigan mong bakla sa palengke..."
Si Nanay Fe ang nasa kabilang linya at hindi ako magkakamali sa amo at lambing ng pananalita niya siyang-siya ito at sigurado akong si Aki ang tinutukoy niyang kaibigan ko.
Biglang napasigaw si Nanay Fe sa kabilang linya at narinig ko ang sunod-sunod na basag na parang tinatapon.
Anong nangyayari?
"Nanay Fe? Ayos lang po ba kayo? Ano pong nangyayari?" Tanong ko.
Narinig ko ang pag-hikbi niya sa kabilang linya. "Oo anak- ayos lang ako... Ang kaso itong batang si Dwyth ay ilang araw nang hindi lumalabas ng kuwarto niya at ilang araw na din siyang naglalaseng at binabasag niya palagi ang bote maging ang mga baso ng iniinuman niya. Ikaw lang ang kilala ko kaseng makakapagpatahanan saka-"
"Pasensya na po kayo pero-"
Nang marinig ko ang biglang pagsigaw ni Manang Fe sa kabilang linya.
"Susmaryusep kang bata ka... Saan ka pupunta?!"
Tanong ni Nanay Fe at mukhang hindi ako ang kausap niya. Sa muling pagkakataon ay narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto at pagkabasag muli na siyang naging dahilan ng malakas na sigaw ulit ni Nanay Fe.
Si Dwyth ba ang may gawa noon?
"Papatayin ko yang si Kelly! She's a bitch!" Narinig kong sabi ni Dwyth.
"Nanay Fe! Give him the phone! Aalis po ba siya?! Sabihin niyo po na ako ang nasa linya bilis po!!" Utos ko kay Nanay Fe.
Mukhang narinig niya naman ang inutos ko at agad niya paniguradong ibibigay ang cellphone kay Dwyth. Naririnig ko din kase ang pagtawag niya kay Dwyth.
"MANANG SHUT YOUR MOUTH!!" Sigaw ni Dwyth.
Mukhang wala na nga siya sa sarili niya? Ano bang iniisip niya? Papatay siya ng tao tapos ang bastos niya pang kausapin si Nanay Fe. Ano bang nangyayari sa lalaking ito?
"Speaker niyo po..." Sabi ko.
Narinig ko ang pagtunog ng button at malamang ay inispeaker na ni Nanay Fe ang cellphone.
"Subukan mong lumabas ng bahay niyo kung ayaw mong makita ang mukha ko pang habang buhay... Dwyth!!" Inis na sabi ko sa cellphone.
"I-Is that? Her?" Dinig kong sabi ni Dwyth.
"Oo! Kung kaya mag-stay ka diyan sa kuwarto mo at hintayin mo ako! Wag kang lalabas at parang awa mo na! Wag kang bastos makipag-usap!!" Dagdag ko pa at pinatay ang linya.
Inayos ko ang sarili ko at nagpalit na ako ng damit. Iniwanan ko ng limang daan si Tintin sa katabing kabinet ng kama nila ni Utoy at nagiwan ako ng sulat na babalik din ako mamaya at gamitin muna nila ang pera incase na matagalan ako.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...