Chapter 50

14 3 0
                                    




Pagkarating namin ng bahay. Tinanong pa ako ni Felix kung ayos lang ba ako. Syempre hindi ako ayos at hindi ko alam kung magiging ayos pa ako.

Nagsabi siya na sasamahan niya na muna ako pero ako na ang tumanggi. Unang-una, dahil ang panget non tignan kaya nga siya nag pasiyang lumayo sakin para mabilis siyang maka-move on diba? Tapos hahayaan ko lang siya na samahan pa muna ako. Pangalawa,  gusto ko na munang mapag-isa.

Pumasok ako ng kuwarto at nagkulong na muna doon sa tingin ko masyado pang maaga kaya hindi pa din gising sila Utoy at Tintin.

Wala sa sarili akong nahiga sa aking kama at niyakap ang isa sa mga unan ko at doon binuhos ang lahat ng luha na kanina pang gustong lumabas.

"B-Bakit?!!" Tanong ko sa sarili ko.

Bumalik lahat ng alaala ko simula sa umpisa. Ganoon na ganoon ang nangyari dati. Saktong-sakto, magkaiba lang ng lugar. At sa parehas na babae ulit. Akala ko iba ka na Dwyth? Bakit niya nagawa sakin iyon?

Oo galit siya. Pero dapat pang pagtuunan niya ng pansin ang ibang babae dahil sa galit siya sakin? Sa ganong klase ng paraan?

Wala namang nangyari sa pagitan namin ni Felix tapos ang naging ganti niya ay ganon?

Nagulat na lang ako ng may biglang kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko at walang tigil iyon.

Walang gana akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Dwyth at ang ilang kasambahay. Mukhang pinigilan ng mga ito si Dwyth mula sa pag-iingay nito.

"Anong ginagawa mo dito?"

Walang ganang tanong ko. Sinenyasan ko ang mga kasambahay na ako na ang bahala doon kaya naman nag-sialisan na sila.

Deretso akong pumasok sa loob ng kwarto ko at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Arissa?" Tawag niya.

Hindi ko siya pinansin. Ayaw ko siyang makita dahil naaalala ko lang lahat-lahat. Alam kong may kasalanan din ako sakaniya pero hindi ko alam kung tama ba yung ginawa niya para gantihan ako.

Naramdanan ko ang pagyakap niya sakin galing sa likuran. Amoy na amoy ko ang alak na sa sistema niya.

"I was drunk. Laseng ako kaya nagawa ko yon." Aniya.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sakin. Walang gana akong dumistansya sakaniya. Hindi ko siya kayang harapin. Sobra na yung ganon.

Narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

"Hindi naman ako magpapakalaseng kung hindi dahil sa nakita ko kagabi eh." Inis na sabi niya.

Tinignan ko siya ng deretso sa mata niya. Gusto kong makita niya ang inis at galit ko sa mga nagawa niya. Ibig sabihin sinisisi niya pa ako kaya niya nagawa ang mga yon? Ibig sabihin kasalanan ko pa?

"Alam mo? Dwyth wag mo muna akong kausapin. Please lang." Sabi ko.

"Why? Ayaw mong sabihin sakin kung ano yung nakita ko? What? Naghanap ka nang masasandalan na kaibigan dahil wala ako? O baka naman at this time masyado ka lang natuwa kaya nahalikan mo—"

Nasampal ko siya dahil sa inis ko sa mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung bakit niya nasasabi sakin yan?

"Ang baba naman ng tingin mo sakin? AT THIS TIME DWYTH!! Alam kong may kasalanan ako pero please lang! Wag mo naman akong pagsalitaan ng ganyan! Wala kang alam sa nangyari, ni hindi mo nga alam ang totoo eh. Umalis ka na muna Dwyth! Umalis ka na muna. Kausapin mo ako kapag bukas na yang isip mo sa pakikinig."

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon