Chapter 11

18 6 1
                                    




"Arissa!!" Sigaw ni Aki.

Napalingon naman ako sakaniya ng makita siyang tumatakbo papalapit sa akin. Bumili kase ako ngayon sa palengke ng lulutuing ulam namin ngayong tanghali at dala dala ko si Utoy.

"BAAAKSS!!" Masayang bati ko sakaniya.

Niyakap niya ako with matching beso beso pa. Nakasanyan na namin ito eh. Nang makita niya si Utoy ay napangiti siya ng malaki dito at tinap niya naman ang ulo nito.

"Ang gwapo talaga ni Utoy ano?! Pag-lumaki ka bata aantayin talaga kita." Birong sabi niya.

"Tirador ka talaga ng gwapo ano? Maski three years old ko na kapatid ay titiradurin mo? Tsk! Tsk!" Natatawang napapailing pang sabi ko.

Nagtawanan naman kami sa sinabi ko.

"Ano nga palang sadya mo?" Tanong ko.

"Ikaw ba ang may-ari ng palengkeng ito at ayaw mo akong makitang nandidito? Ito na nga lang ang lugar kung saan pakiramdam ko belong ang ganitey na mukha eh." Sabi niya na inilagay pa ang palad sa ilalim ng mukha niya.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Naglakad na kami at tumingin tingin na din ako ng pwedeng iluto ay siguro mag-titinolang manok na lang ako. Malaking palengke ito sa lugar namin kaya maraming namimili dito.

"Kuya! Magkano sa manok?" Tanong ko.

"280 isang kilo." Sagot ng tindero.

Pwede na siguro iyan nilingon ko si Aki na kung ano anong pinagtuturo na klase ng isda ang sinasabi niya kay Utoy.

Ano nga bang sadya ng baklang ito?

"Sige kuya isang buong manok." Sabi ko pa.

Nagumpisa namang kiluhin ni kuya ang inabot kong manok at sakto ang tansya kong isang kilo ito. Sinabi kong pang tinola ang hiwa kaya naman nag umpisa na siyang hiwain ito.

"Baks? Anong meron sayo? At parang ako ang sadya mo sa palengkeng ito?" Tanong ko.

"Tse! Nilalaro ko lang ang aking pamangkin. Alam mo namang may pwesto kami dito diba? Tumulong ako kay Nanay na magtinda ngayon dahil maaga akong nakauwi kanina kaya nakatulog ako tapos ng makita kita ayon sabi ko samahan muna kita." Eksplina niya.

Oo nga pala! May pwesto sila sa palengke na to. Akala ko tuloy may mahalaga siyang sasabihin sa akin kaya kung ano anong naiisip ko ngayon. Inabot ko na ang bayad kay kuya at siyang inabot naman sa akin ang manok na nakaplastik.

"Salamat." Nasabi ko pa.

"Oh siya! Baks? Baka nakakaistorbo na ako sa trabaho mo akin na yang si Utoy! Kung hindi kita kilala..." Biro ko sakaniya.

"BAKS! Ang dumi ng isip mo!" Pabirong sabi niya naman.

Nagtawanan pa kami ng dahil sa iniisip namin parehas. Alam naman naming biro lang ang mga iyon kaya walang problema tsaka sanay na din naman na kami. Binigay niya na si Utoy sa akin at nagpaalam na din siyang babalik sa pwesto nila at ako naman ay naghanap na nang pang-sahog sa Tinola.

"Magkano sa papaya?"

Nagulat ako at napatingin sa katabi kong namimili din dahil sa parehas kami ng natanong at magkasabay pa. Pero ganon na lang ang mas ikinagulat ko ng makilala ang May katandaang babae na ito.

"Nanay Fe?!" Gulat kong tanong sakaniya.

Masaya naman siyang tumango sa akin at ganoon na lang din ang saya ko ng makita ko siyang ulit. Sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita.

"Nako! Arissa? Ikaw pala iyan. Hindi ko namalayan na ikaw pala ang katabi ko..." Natatawang sabi niya pa.

"Ako nga din po eh." Masayang sagot ko naman. "Ano pong lulutuin niyo?" Tanong ko.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon