Chapter 7

22 6 0
                                    




Mag-iisang buwan na ako sa trabaho ko dito sa bar at mabuti na din ang lagay naming mag-kakapatid dahil maayos naman ang pasahod sa amin dito sa bar at kaya naman nitong matustusan ang pangangailangan namin magkakapatid.

"Oh? Mag dedecember na! Ramdam ko na ang lamig ng hangin eh." Sabi ni Aki na nasa tabi ko naman ngayon.

"Kaya nga eh ang bilis ng panahon akalain mo yon? Mag iisang buwan na din ako sa pag wewaitress sa bar." Namamanghang sabi ko naman sakaniya.

Nang makababa na kami sa tapat ng LoveShot Bar at pumasok. Nakasuot na ako ng uniporme at hindi nagpapalit pa dito dahil aksaya sa effort at oras.

"Dito na muna ako baks ah!" Paalam ni Aki na pupunta sa mga kasama niyang comedian.

"Oh sige!" Sabi ko sabay kumaway sa mga kapwa niya comedian.

Matapos ko silang batiin ay pumasok na din ako sa kusina. Inilagay ko ang aking hair net sa ulo ko, nang bigla namang bumukas nag pinto at bumungad sa akin si Aling Delia.

"Counter ka daw muna sabi ni Boss Dyesabel." Sabi nito.

"Po?" Takang tanong ko.

Bakit ako ilalagay sa counter wala kase akong alam sa paghahalo-halo ng alak eh.

"Wag kang mag alala tiga-bigay ka pa din ng alak sa mga costumer ang sabi lang ni Boss Dyesabel sa counter ka muna. May tiga-hugas naman." Habilin niya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil wala akong magagawa dahil inutusan lang din naman siya. Paglabas ko ng kusina ay dumeretso na ako ng counter.

"Hi Henry." Bati ko sa bartender.

Ngumiti siya sakin habang may kung ano anong pinaghahalo na alak. Shineshake niya sabay isasalin sa isang baso at lalagyan ng kung anek-anek.

"Arissa! Pabigay naman to doon sa table 03!" Utos ni Henry.

Mukhang ito ang gagawin ko ngayon ah ang magserve talaga ng alak sa mga costumer. Siguro kaya ako ang naatas ay kase wala si Marjorie. Kinuha ko ang alak at nilagay iyon sa tray at hinatid na sa table 03 at ibinigay sa costumer matapos ko iyon ibigay ay bumalik na ako sa counter.

Ilang sandali lang ganoon pa din ang ginagawa ko. Medyo magaan pa sa ngayon dahil medyo maaga pa para sa mga mag-babar dahil alas otso pa lang.

"Ay shete!" Biglang sabi ni Henry ng malaglag ang ilang ice tube na hawak niya.

"Ako na ang maglilinis." Presinta ko.

"Salamat!" Sagot niya.

Pumasok ako ng kusina at kumuha ng map dahil medyo nabasa din ang sahig. Pagkuha ko ay nilinis ko na ang nabasang sahig.

"Ha!! Pano na yan? Sinong magpeperform?!"

Bigla akong napatingin sa pwesto ng nagsasalita at si Boss Dyesabel iyon. Halatang  frustrated siya sa nangyayari at kasama niya din ang mga Comedian.

"Nako! Kailangan din namin ng pahinga ah? Baka maubusan kami ng punchline niyan." Sabi ni Lowla na comedian din.

"Nako! Ikaw lang naman ang nauubusan! Ang sakin lang ay ang pagod!" Pang-eechos ni Aki.

"Bakit kase hinayaan na uminom?! Sinong mag-peperform sa stage ngayon?!" Galit nang sabi ni Boss Dyesabel.

Inayos ko na ang ginamit kong panglinis ng biglang napatingin sa akin si Aki. Nagkatinginan kami at parang alam ko na ang tumatakbo sa isip niya...

"Nako... baka mayari tayo! Si Sir pa naman ay pupunta ngayon!!" Nag-aalalang sabi pa ni Boss Dyesabel.

Bigla namang kinabahan ang mga comedian at maging ata si Henry ay nabalisa bigla.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon