"Tumigil ka na lang, Please?"Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko hindi ko mahanap ang tamang salita para ssa kaniya. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon at ayon ang hindi ko kayang andiyan pa siya.
Nakita kong napasinghal siya at tahimik na napamura ngumiti siya pero alam kong napakasarcastic ng ngiti niyang yon.
"Ayon ba talaga ang gusto mo? Ang lumayo ako sayo?" Seryosong tanong niya.
Sa pagkakataong ito. Magkaibang-magkaiba ang nararamdaman ko at ang sagot ng isip ko at hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Deretso siyang tumingin sa akin at kitang kita ko na nasasaktan siya ng makita ako.
Matagal ko nang tinanggap ang bagay na ito. Masakit pero ito ang reyalidad ko. Bakit ko pa ba pinag-iisipan ang bagay na to? Matagal ko nang nasagot ang tanong niyang iyan pero bakit hirap pa din akong tanggapin?
"Nasasaktan ka bang nandidito ako sa tabi mo? Ganoon ba kita nasasaktan?" Deretsong tanong niya.
Sa loob ng dalawang taon pinangako kong gagawin kong mapayapa ang lahat sa akin. Sabi ko ang mga kapatid ko muna sa ngayon at kapag nairaos ko sila ay sapat na sakin iyon at kailangan kong i-let go ang mga bagay na labis nakapanakit sa akin. At isa siya sa mga iyon...
"Okay. Kung yan ang gusto mo." Malungkot na sabi niya.
Hindi ko alam pero iyon na ata ang isa sa mga bagay na sobrang nagpadurog ng puso ko.
Akala ko kaya ko na. Akala ko okay na ako, at wala ng epekto sa akin ito dahil napagdaanan ko na ito dati. Hindi ko pa din pala kaya...
"Kung ano man ang bagay na naging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan... pwede ko bang malaman? Arissa I don't really have any idea for you to leave me like that. Yung pinakarason mo noon... kung bakit mo ako pinatigil at hanggang ngayon ay gusto mo pa din akong lumayo sayo?"
Napatingin ako sakaniya. Bakit parang hindi niya talaga alam? Noong una ay akala ko nag mamanhid-manhidan lang siya kaya niya tinatanong sa akin kung ano ang rason pero mukhang wala nga talaga siyang alam... napaka imposible talaga.
Napapikit muna ako at bumuntong hininga. I think he need the clear reason and explanation for my action. At sa tingin pwede na itong maging dahilan para layuan niya na ako ng tuluyan.
"Okay. Gusto mo ng totoo?" Tanong ko at siya namang agad na tumango.
At ito na naman ang masakit na pakiramdam sa akin. Sa puso ko. Parang dinudurog ito ng dahan dahan. Damang-dama ko ang pagkirot nito at ito ang nararamdaman ko kapag inaalala ang lahat ng masasakit na nangyari sa akin two years ago.
Flashback
"Are you sure about this? Nako! Madrigal nakakapanghinayang ito. It can make your career BOOOOM! So what's with that No?" Sabi ni Manager Go.
Isa siya sa mga nakadiskubre sa banda namin na Easter Band. Sa edad kong 19 ay nadiskubre nila ako bilang isa daw sa mahuhusay na singer o bokalista ng banda. Kung kaya nais nila akong ipasok sa Mic Records Studio. Isa sa pinaka kilalang record studio sa bansa at kapag kinuha ka nila paniguradong sisikat kang talaga hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo.
At ngayon ay hinindian ko lang sila. Oo nakakapanghinayang pero may malalim naman akong dahilan kung bakit. Kinausap ko na ang banda ko dito, kahit ayaw nila ay wala na silang magawa.
Nalaman ko kaseng gustong-gusto ni Dwyth na makapasok dito sa Mic Records Studio at sila dapat ang unang kakausapin nito kung hindi lang nila ako narinig at napanood kumanta sa battle of the band noong nakaraan. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ni Dwyth, pero ang sabi niya naman ay masaya siya sa akin... kahit alam kong hindi.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...