Marami nang awards ang naipamigay sa mga artista gaya ng sa mga Best Teleserye of the year, Best actor and actress of the year, Child actor of the year, at kung ano-ano pang may the year sa dulo."And now, a most awaited award that everyone's demand to give to our... ARTIST OF THE YEAR, She sells a lot of album Rob, and her talent was a really a big surprise to everyone. Naging usap-usapan siya sa kaniyang talento at pagkanta. Mabilis din ang pagdami ng kaniyang mga taga-hanga... Are you ready to know who is she?" Pa-suspense na sabi ni Ms. Toni.
"I think its you, Ms. Arissa." Sabi ng isang sikat na artista na aking katabi nahihiyang ngumiti naman ako sakaniya.
"Yes! Its you! MS. ARISSA MADRIGAL!!" Pakilala sa akin ni Ms. Toni.
Nagdagungdungan ng palakpak ang loob ng venue. Gulat akong napatingin sa harapan ng marinig ko ang pangalan ko. Artist of the year? Totoo ba yon?
Pinatayo ako ng staff at pinapunta sa stage. Nararamdaman ko pa din ang malakas na kabog sa dibdib ko. Sobrang excitement at kaba at the same time.
Inalalayan ako ng escort sa pagpunta sa taas ng stage at marating ang pwesto ni Ms. Toni at Robbi. Iniabot sakin ni kuya Robbi ang trophy at manghang tinignan ko iyon. Grabe hindi pa din ako makapaniwala.
"You have to give your speech Arissa, doon sa gitna. By the way congrats." Sabi ni Ms. Toni pero hindi gamit ang mic.
"Congrats Ms. Arissa." Bati naman ni Robbi.
"Salamat po." Masayang sabi ko.
Pumunta na ako sa gitna gaya ng sinabi ni Ms. Toni. Inabutan ako ng mic para nga daw sa speech ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Na-sha-shock pa din ako.
"Hmm... Good evening po sa lahat. Grabe! Hindi ko po ito ineexpect, sa totoo niyan wala akong speech na naihanda para dito. Pero isa lang po ang masasabi ko. Salamat po. Salamat sa lahat ng naniwala sakin, sa lahat ng tumulong sakin, sa lahat ng naging inspirasyon ko para po maging isang mang-aawit. Itong titulo na to ang siyang naging way ko sa success. Success po ang pinaghirapan nating lahat. Thank you po." Sabi ko.
Kinuha na sa akin ang mic matapos kong magsalita. Tinulungan ulit ako ng escort sa pagbaba. Nang makalapit na ako sa upuan ko ay samu't saring pag-co-congrats na naman ang naririnig ko.
Ilang sandali pa ay nagkakaroon pa muna nang mga nag-peperform o intermission para sa pagpapahinga ng mga hosts. At ilang sandali lang ay bumalik na din ang lahat sa pag-aannounce. Nabigyan na nang face of the night ang lalake samantalang ang pinakahihintay naman ng lahat ay ang sa babae na.
"And our Face of the night, for the girls edition... is none other than! ARISSA MADRIGAL!!"
Gulat akong napatingin sa host na siyang nag-anunsyo. Seryoso? Ako? Bakit ako?
"Ms. Madrigal, umakyat na po kayo sa stage." Sabi ng staff.
Tulala akong umakyat sa stage at mabuti na lang dahil inalalayan ulit ako ng escort. Ang Male Face of the Night ay nasa gilid at katabi naman ng dalawang host.
Ibinigay sakin ulit ang panibagong trophy. Grabe! Hindi ako makapaniwala.
Pinicturan kaming face of the night at pinabalik na din naman agad sa upuan. Binati pa ako ng sikat na model at artista din na si Renz Ambao.
"Hey? Congrats miss Arissa. You deserve it." Aniya.
"Thank you. Ikaw din."
Sagot ko sabay nakipag-shake hand din sakaniya. Maraming kislapan na naman ng camera ang siyang nagsisipag-flash galing sa kung saan-saan.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...