Napansin ni Dwyth ang pagtingin ko sakaniya kung kaya ngumiti lang siya sa akin. Alam kong gusto niyang pagaanin ang pamiramdam ko."Ow?! Is this cutie guy in her side is her?..." Biglang tanong ng katabi ni Manager Violet.
Napalingon kaming lahat sakaniya at maging si Boss Sheryl ay napalingon at naging interesado sa tanong nito.
"He is my boyfriend." Deretsong sagot ko.
Napataas ang kilay ni Boss Sheryl at pilit na ngumiti kay Manager Violet na mukha lang naman peprente-prenteng nakaupo.
"Ija? Are you aware on risking everything when it comes to the career like this?" Tanong ng katabi ni Manager Violet.
Napansin ko pang siniko niya si Manager Violet. Senyas iyon na mag-explain siya sa kaniya at kay Boss Sheryl. Napatungo ako dahil alam ko ang ibig sabihin ng mga tinginan nilang tatlo.
"You know what! Itong batang ito... She can even standout without the help of that crazy love teams! Yung mga tactics ng iba na para dumami ang fans?! Yuck! Hindi ako against sakanila but for me! The real talent can do standout on all of the talents not because she or he use someone! They standout because they bring their gifts with them..." Makahulugang sabi ni Manager Violet. "At naniniwala akong kayang maging angat ng anak kong si Arissa sa lahat kahit pa wala siyang ka-loveteam kagaya ng iba." Seryosong dagdag niya pa.
Mukhang nakumbinse naman ang dalawa dahil sa nasabi ni Manager Violet at maski ako ay namangha sa galing nito magsalita. At aaminin kong kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon.
Naramdaman ko ang pagpisil-pisil ni Dwyth ng kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagpipigil niyang ngumiti.
"Hays... you are always great at doing something Violet! Ikaw na talaga!" Namamanghang sabi ng katabing bakla ni Manager Violet.
"This three are friends even before..."
Nagulat ako nang biglang bumulong sa tenga ko si Dwyth at sinabi ang mga katagang iyon at dahil doon mas lalo akong nalinawan sa nasabi niyang iyon kaya pala parang wala lang kay Manager Violet si Boss Sheryl at itong isa pang bakla dahil magkakaibigan na pala talaga sila dati.
Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin si Abigail na assistant ni Boss Sheryl at may dala-dala na itong mga folders at laptop at kung ano ano pa. I wonder how she do that.
"Ma'am Sheryl ito na po ang mga papeles at kontrata. Pati po ang pinag-uutos niyo ay nagawa ko na pong ipaalam sa kanila." Magalang na sabi ni Abigail.
Inilapag niya sa mesa ang mga bagay-bagay na hawak niya at nakangiting dinistribute ang mga folder at nang binigyan niya ako ay ngumiti ito at nag mouth ng Congrats. Nakaramdam ako nang pagtalon ng puso ko sa inakto ni Abigail.
"Okay ija! Ganito ang mangyayari... Violet will be managing you through out your years here at ABL network. Sagot namin lahat ng needs mo, we are really sure na magiging star ka like the other handle ni Violet. Did you hear the D'CNSRD Band? Hawak sila ni Violet at kitang-kita ang taas nila ngayon. Violet will explain you the others... may tiwala ako sa kaibigan ko." Seryosong sabi ni Boss Sheryl.
Napatango ako sa sinabi niya at binuksan ang laman ng folder at ganon na lang na halos mapaluha ako sa saya nang makita na isa iyong kontrata. Five years contract sa ABL network as a Soloist singer sa kanilang netwrok. Hindi ko na ma-absorb pa ang iba pero alam kong magandang balita ang mga ito na nasa loob ng folder. Dahil kontrata ito na makakapagbigay katuparan sa aking pangarap.
"All you need is to sign the contract ija. And then! Kami na ang bahala sayo." Sabi ni Boss Sheryl.
Binasa ko nang maayos ang kontrata at natutuwa akong napakaganda nang mga nakasulat doon. Maliban lang sa 'Relationship needed to be gone for your career.'
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...