Naglalakad ako ngayon sa palabas ng eskinita namin. Inis na inis ako dahil kahit maski ngayon at hindi pa din niya ako tinatantanan."Sumabay ka na lang sa akin Arissa kaya nga ako andidito para ihatid ka sa work mo eh." Sabi niya pa.
Hinarap ko naman siya kitang kita ko pa ang mga dalaginding na magsusunuran sa amin para lang makita ang mukha ni Dwyth at maging ang iilang kapit-bahay ay nakikiechos na din sa nakikita nila. Inirapan ko na lang ang mga ito at tsaka ako tumingin kay Dwyth.
"Diba ang sabi ko layuan mo na ako?" Inis na sabi ko sakaniya.
Ngumiti lang siya at tsaka lumapit sa akin at tsaka ako inakbayan. Ito na naman ang mga chismosang echosera na nagsisipag bulungan na naman... Tsk! Nakakainis sila.
"Pwede ba!!" Inis na sabi ko at tsaka inalis ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
Tinarayan ko siya at tsaka na ako naglakad ulit papuntang terminal nakita ko pang nakapark malapit doon ang sasakyan niya.
Pasakay na sana ako kaso biglang naunahan akong sumakay ng isang lalakeng nagmamadali mukhang papasok na din. Kaya naman umalis na ang kaisa-isang tricycle na ito na naghihintay ng pasahero.
Nasapo ko na lang ang noo ko ng umalis na ito ng tuluyan. Tinignan ko ang orasan at mag aalas-sais kinse na. Tinignan ko si Dwyth na naka ngiting nakasandal sa sasakyan niya at nilalaro pa ang susi niya sa daliri niya.
"Kilala ko si manager iba magalit iyon sa mga nalelate!" Paparinig niyang sabi.
Akala niya naman madadaan niya ako sa ganyan? Ilang minuto lang naman ito ano! May tricycle na pupunta na pabalik dito. Kaya hindi ko kailangang sumakay sa sasakyan niyang iyan! Hindi na ako sasakay sa sasakyan niyang iyan! Hindi na ulit.
"Diba? Mas mabilis kung sa akin ka sumakay!" Bilib sa sariling sabi niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko nang napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niyang iyon at mukhang nakuha niya naman kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.
"I-I mean... sa sasakyan ko." Pag-cocorrect niya.
Inirapan ko na lang siya at tumingin ako sa bintana. Hindi ko alam kung anong meron o sinadya niya ba o tandhana lang talaga ito? Dahil yung mga tricycle driver ay mukhang nag-sisiesta ngayon sa labasan dahil nga alas-sais na din at kakain lang nila. Diyos ko! Kung kelan naman ako papasok! No choice tuloy ako kundi ang sumakay na lang dito sa sasakyan ni Dwyth.
Wala naman akong balak magsalita at kausapin siya dahil alam kong hindi maganda ang kahihinatnan noon. Bigla niya na lang binasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
"I am sorry..." Sabi niya.
Seryoso iyon at talagang napukaw ng tono ng boses niya ang kuryusidad ko. Bakit siya nagsosorry sa akin? Anong problema niya? Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo ko.
"I'm not there when you feel alone. I am supposed to be there noong nawala ang Mama mo." May sinseridad na sabi niya pero deretsong nakatingin lang sa kalsada.
"Hindi na kailangan." Deretsong sagot ko.
Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa inopen niyang topic. Sa totoo lang! Wala na naman na siya noon eh. Tapos na nga kami ng mga sandaling iyon kaya hindi niya na dapat pa iniisip iyon.
"Or even when your father left you and your family... pakiramdam ko dapat andodoon lang ako sa tabi mo. I'll stay to your side kase mahirap ang pinagdaanan mo noon at wala man lang akong alam." Malungkot na sabi niya.
Ibinalik ko ang tingin sa tabi ng bintana. Malapit na kami sa Bar at mabuti naman kung ganoon.
"I'm sorry kung pati ako ay hindi nag stay nang mga oras na iyon... naguluhan ako sa mga sinabi mong layuan kita. Bakit nga ba sinabi mo iyon? Naging dahilan na ang nangyari sa magulang mo kaya naisipan mong mangyayari din iyon sa atin? Is that the reason's behind those words... na layuan kita?" Malungkot na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...