Chapter 4

21 7 0
                                    




Nagtitingin ako ng trabaho sa diyaryo pero lahat ay hindi pwede. Masyadong malayo, stay-in, at puro probinsya ang lugar, at yung ibang nasa Maynila ay puro pang stay-in. Napailing na lang ako sa lungkot.

"Ate? Papasok na ako ah!" Paalam ni Tintin.

Mag aalas-sais na at nakahanda na siya sa pagpasok samantalang si Utoy ay natutulog pa din. Tumango lang ako sakanya at binigyan siya ng sengkwenta. Tinignan niya muna ako ng matagal bago siya magsalita.

"Ate kahit trenta na lang yung baon ko. Magbabaon na lang ako ng kanin para makatipid." Sabi nito.

Napangiti naman ako sa pagiging maalalahanin ni Tintin. Parang nakakaproud tuloy sa pakiramdam na kahit desi-sais anyos pa lang siya ay mulat na ang pag-iisip niya sa ganitong bagay. Tumango naman ako sakaniya.

"Sige bukas trenta na lang babaunin mo. Ipunin mo yung matitira sa baon mo ngayon para incase na may kakailanganin ka... magagamit mo." Bilin ko.

Tumango siya sakin at ngumiti, "Sige na!" Paalam ko sakaniya.

Umalis na din siya pagkapaaalam ko. Umakyat ako at pumunta sa kuwarto nila Tintin at ginising si Utoy.

"Toy gising na diyan... Umaga na." Pag gising ko dito. "Toy! Maliligo na!" Yugyog ko sa kaniya ng marahan.

Ilang sandali lang ay nagmulat na ito ng mata at nag-hikab pa at nag-unat. Napangiti naman ako sa inaakto niya. Antok na antok pa siyang talaga tumayo naman ako para kumuha ng pampalit niya dahil paliliguan ko pa siya.

Binuhat ko siya pababa ng hagdan habang sabit sabit sa balikat ko ang tuwalya. Dumeretso ako ng CR at ibinaba si Utoy. Pinahubad ko siya ng damit at nagsalok na ako ng tubig.

"Dapat marunong na ikaw magpaligo sa sarili mo. Paano kapag wala kami ni Ate Tintin sa bahay?" Pang uuto ko.

"Maliligo ako mag-isa." Nakangiting sabi niya.

Mas lalo naman akong natuwa sa kagustuhan niya din na matuto. Inabot ko sakaniya ang sabon at siya naman ay naglinis na ng katawan niya.

"Oh! Mag sabon ka ng katawan para malinis yung katawan mo. Siguraduhin mong malinis ang katawan mo sa bawat pagkuskos mo." Turo ko sakaniya.

Sinunod niya naman ang bawat inuutos ko sa pagligo maging ang pagsuot ng damit ay itinuro ko sakaniya. Nakakatuwa dahil sa simpleng bagay ay natuuto siya.

Gustuhin ko mang lumabas ng lugar namin at maghanap ng trabaho ay hindi ko magawa dahil sa hindi ko alam kung kanino ko mapag-iiwanan si Utoy dahil maski ang mga kapitbahay namin ay may mga inaalagaan na. Nakakahiya naman din kila Felix dahil maski sila ay dumalaw lang tapos ihahabilin ko pa sakanila si Utoy. Tapos si Tita nakaisa-isang tita ko na nandidito sa maynila ay nasa ospital at pinagbintangan na ako pa ang may kasalanan ng nangyari sakaniya.

Nag-aagahan na kami ni Utoy itinuturo ko ang tamang paghawak ng baso para hindi niya ito mabasag. Madali siyang natuto kung kaya nahahawakan niya na ang Tasa ng maayos.

"Oh kapag may taong nagbigay ng kendi sayo tapos inaaya kang sumama sakaniya, anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Ate! Ayaw ko sumama! Aalis kami non eh tapos di na tayo magkikita." Biglang nalungkot na sabi niya.

"Tama! Nako! Kukunin non yung lamang loob mo sige ka!" Pananakot ko sakaniya.

Ala-una na at kakauwi lang ni Tintin galing school. Umakyat na muna ako at kumuha ako ng gamit kailangan ko pang maghanap ng trabaho. Hindi magandang timing itong tanghali sa paghahanap ng trabaho pero no choice na talaga ako.

Matapos kong maligo ay pinunasan ko ang buhok ko para mapatuyo. Nang paglabas ko ng kusina ay nakita ko si Felix.

"Oh? Ba't ka nandito?" Gulat na tanong ko.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon