Chapter 2

24 6 0
                                    




"Oh! I-lock mo ng maayos ang bahay Tintin ah?" Bilin ko sakaniya.

Mag aalas-sais na kase at kailangan ko nang pumunta ng comshop at magbabantay doon nakakapagtaka siguro kung bakit ganito ang trabaho ko dito. Bale kase open kase ito at sa panahon ngayon marami nang naadik sa paglalaro ng mga online games kung kaya naman ang may-ari ng comshop ay ginawang pagkakakitaan ang mga batang adik sa online games. Hindi din pipitsuging comshop iyon, naka-aircon nga doon at maganda ang mga gamit. Pang sosyal! Pero mahal ang one hour. Haha!

Nang makasakay na ako ng terminal ng tricycl'an ay pumwesto na ako sa backride. Laking gulat ko ng makilala ko ang nasa tabi ko. Si Felix.

"Oy! Saan ka pupunta?" Bungad nito.

"Comshop! Ako ang toka." Sagot ko.

Ewan ko pero natawa na lang ako ng bigla siyang napatulala sakin kung kaya nauntog siya ng biglang umandar ang Tricycle.

"PFFTT— HAHAAHAH! Ano ba naman kase yan?!" Natatawang sabi ko sakaniya na namimilipit naman sa sakit ng ulo.

"Kuya naman... Ang sakit!" Pabirong reklamo nito.

Sa lugar namin, hindi imposibleng kami-kami lang din ang magkakakilala. May mga ka-close kami, may mga hindi— Aling Tere is the best example!

"Ayan! Umayos ka kase kaya ka nauuntog eh." Natatawang sabi ni kuyang driver.

"AISHH! Maliit kase kayo eh, you don't know my pain!" Birong sagot ni Felix.

Natawa na lang kami ni kuya driver na napapailing-iling pa ng ulo dahil sa kakulitan ni Felix at nang marating na namin ang babaan ay agad na din akong bumaba at dumukot ng barya sa bulsa ko.

"Bayad naming dalawa!" Biglang sabi ni Felix.

Napatingin naman ako sakaniya dahil sa sinabi niya. Teka? Ako ba yung ililibre niya? Tinignan ko ang kalalabas lang na dalawang pasaherong nasa loob nakaupo at nagkaniya kaniya silang bayad.

"Nako! Felix? Libre mo ba ako?" Takang tanong ko.

Humarap siya matapos masuklian ni Manong sa binayad niyang bente at tsaka ito ngumiti at tumango. Hala? Nakakahiya naman! Pero sige atleast tipid ako doon.

"Salamat!" Sabi ko.

"Basta ikaw!" Sagot niya.

Naglakad na kami paalis ng pwesto tinanong ko siya kung saan siya pupunta at sa Mall lang daw dahil may bibilhin siya. Hayst! Namiss ko na tuloy mag-mall pero hindi ko iyon makekering gawin ngayon eh. Busy akong tao, Haha!

"Oh! Siya! Sige na Felix dito na ako." Paalam ko sakaniya.

"Ay dito ka na pala. Sige! Ba-bye!" Sagot niya naman at dumeretso na sa paglalakad matapos bumati.

Binuksan ko ang sliding door ng comshop at naabutan ko naman si Jojo na kapalitan ko ng shift sa pagbabantay.

"Naks! Si Felix ba yon?" Takang tanong ni Jojo.

Ka-close ko din ito pati ni Felix dahil sa nagiging kalaro din namin siya dati noong bata pa kami at magaling kaming grupo pagdating sa agawan-base.

"Oo. Kakauwi lang daw niya kagabi." Sagot ko.

Pumunta na ako ng counter at inilapag ang dala kong bag na maliit at inilagay iyon sa ilalim. Inayos ko ang mga papel na nakakalat nang biglang bumukas ang pinto kung saan namamalagi ang may-ari ng comshop.

"Pamangkin!!" Masayang bati ni Tita sa akin.

Ngumiti ako sakaniya. Oo, pamangkin ako ng may-ari ng comshop kaya dito na din ako nagtatrabaho at maayos naman ang trato at pasahod nila sakin. Mag-aapat na buwan pa lang ako dito dahil tinanggal ako sa pagiging bantay sa hardware/cashier. Pinagbintangan kase akong magnanakaw doon kahit hindi ko naman talaga ginawa. Nakita kong ang pangalawang asawa ng may-ari ang gumawa noon at isinisi niya iyon sa akin. Syempre dahil siya ang asawa, siya ang paniniwalaan.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon