Nakatulala lang ako habang naka-upo sa aking kama. Pagdating ko kanina dito sa bahay ay samu't saring pag-chichismiss na naman ang nakasalubong ko dito.Nalulungkot ako dahil sa nangyari kay Tita sinubukan ko siyang puntahan sa ospital pero tinataboy lang ako doon ni Junjun. Sinabi kong nakita ko ang ginawa niya pero bakit nagmamalinis siya? Pero ang sagot niya lang sakin at wala siyang pakealam sakin at ang importante ay maligtas siya.
Napaka walang kwentang pinsan.
Hindi pa ako kinakausap ni Tintin dahil malamang ay nakikita niya pang hindi pa ako makakausap ng maayos. Siya na din ang pinabili ko ng mga kailangan pati ng pagkain dahil hindi ko pa makayanan ang lumabas, hindi dahil sa kahihiyan... kundi dahil sa nanghihina ang tuhod ko sa mga biglang nangyari.
Wala akong masamang ginagawa kaya hindi dapat ako mangamba pero ang mga sumbat na hindi naman makatwiran ang siyang hindi ko makayanan.
"Ate?"
Binalingan ko ang munting boses na iyon, Nakadungaw siya sa akin sa pintuan. At halatang halata sakaniya na kahit sa murang edad ay naiintindihan niya ang mga ikinikilos ko. Lumapit sa akin si Utoy at niyakap ako kaya naman mas lalong nabuhos ang luha ko.
"H-Hindi ko naman kasalanan iyon... pinagbintangan lang ako ni Tito." Naiiyak na sabi ko pa.
Para akong tanga, nagsusumbong ako sa mas nakakabata sa akin. Binubuhos ko ang lahat ng bagabag ko sa kapatid kong ito. Ano bang alam ni Utoy dito? Tatlong taon lang naman siya eh. Naramdaman ko ang mas mahigpit na yakap nito sa akin. Sweet talaga ng bunso naming kapatid kung siguro siya ang kuya ay hindi siya papayag na masaktan ang mga bunso niyang kapatid.
"Kaya wag kang magmukmok dito... justify your side." Isang pamilyar na boses ang siyang nanggaling sa pinto.
Tinignan ko iyon at si Felix nga. Nakatayo na siya tapat ng pinto. Ngayon ko lang napansin na mukhang siya ang nag-akyat kay Utoy dito kaya ito nakapunta sa pinto.
Pinunasan ko ang mga luha ko at ibinaba naman si Utoy sa kama ko. Lumapit naman si Felix sa pwesto namin.
"Oh? Bakit ka pumapasok?" Takang tanong ko.
Napahinto naman siya ng marealize na kwarto ko nga pala ito. Natawa na lang ako sa mukha niya tumayo ako at binuhat muli si Utoy. Tinignan ko si Felix na mukhang tanga na hindi makapaniwala, tinignan ko siya at ininguso ko na mauna na siyang bumaba na sinunod niya naman at sinundan ko naman siya.
Naupo kami sa sofa sa sala namin, inilapag ko doon si Utoy na katabi naman si Felix nakita ko naman si Tintin sa kusina na naghuhugas mukhang kakatapos lang nilang magtanghalian. Mukhang napansin ni Tintin na nakatingin ako sakaniya siya namang nga-aalalang lumapit sa akin si Tintin.
"Ate! Kumain ka na muna..." Sabi nito at tsaka inayos ang hapagkainan.
"Hmm... ako na dyan Tin, tuloy mo na muna ang ginagawa mo doon." Sabi ko sakaniya at tsaka siya tinapik at tinignan nang, Ayos lang ako look.
Tumango siya at tsaka bumalik na sa kusina at naghugas naman. Inayos kong muli ang kainan at tinakpan iyon... wala akong ganang kumain.
"Dapat kumain ka!" Demand ni Felix.
Napatingin naman ako sakaniya na ngayon ay buhat-buhat si Utoy at papunta sa pwesto ko. Umiling na lang ako bilang sagot. Napabuntong hinga ito at inilapag si Utoy sa upuan na nasa tapat ko. Hinawi hawi ko naman ang buhok ni Utoy.
"Dapat... Kumain ka." Ulit nito.
"Kakain ako pag nagutom ako." Sagot ko.
"BAKS!! BAKSSS!!"
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...