I can't believe na nangyari ang lahat ng bagay na ito. Siguro nga... everything happens for a reason.Totoo pala ang kasabihan na kung anong nakatadhanang mangyari ay mangyayari. Gustuhin mo man ito o hindi.
"Arissa! Iaangat ka na namin... 5 minutes!"
Senenyasan ako ng desinger ko na tumalikod para mai-zipper na ang suot ko.
Hindi ako makapaniwalang nangyayari na nga ito. Ang isa sa mga bagay na hindi ko inaasahang mangyayari.
"LETS GIVE IT UP! HERE SHE IS! THE SOULS WRECKER OF ALL THE GENERATION! ARISSA MADRIGAL!!"
Kinanta ko ang mga music na na-produced ko since the year passed. At hindi pa din ako makapaniwala na heto ako ngayon naka-harap sa maraming tao.
Noon, sa stage ako ng school nagpeperform. Sa harapan ng mga estudyante na nagtatalunan at nakikisabay sa kanta na kinakanta ko.
Ngayon, nakaraharap na ako sa libu-libong tao na naniniwala at sumusuporta sa akin. Kasama na ang mga taong gumabay sa akin... ang mga kaibigan ko... tatay ko... mga kapatid ko...
Alam kong hahanapin siya ng mata ko pero alam kong kahit wala siya dito... nasa paligid lang ang presensya niya.
"At ngayon... nais ko po sanang kantahin ang isang espesyal na awit sa inyo. Itong awit na ito ay nagkaroon na nang malaking bahagi sa buhay ko. Siya ang pinapaalala nito sa akin, ang isang lalakeng tumulong sa akin na makaahon muli sa hirap, sa takot, at sa pangamba ko. Siya ang lalakeng naging dahilan man nang pagluha ko... siya pa din ang siyang nagpahid din nang mga ito sa oras na hindi ko na magawang maging ang sarili ko ay punasan ang sarili kong luha."
Naging tahimik ang crowd at ang lahat ng mga mata nila ay tinitignan at nakikinig lang sa sinasabi ko.
"Wala man siya ngayon... alam kong ligtas siya kung nasaan man siya. Nakakatawang isipin. Parang dati lang itong pangarap ko na ito ay pinaubaya ko para lang sa kaniya, hindi ko naisip na naging ganon din siya sa akin... mahal na mahal kita babe, I know you too."
Napa-aww ang nasa crowd at doon nag-umpisa nang tumugtog ang acoustic version ng kantang Wonderful Tonight.
"It's late in the evening...
I'm wondering what's clothes to wear...
I put some make up and brushes my long black hair...
And the I asked him, Do I look alright?
And he said, Yes! You look wonderful tonight..."Nakaupo lang ako sa gitna nang stage habang ang guitarist ay nasa tabi ko na siyang tumutugtog ng kanta.
"We go to a party...
And everyone turns to see,
This gentleman guy that's walking around with me...
And then I asked him, Do you feel alright...
And he said, Yes! I feel wonderful tonight..."Naalala ko noon... sa tuwing magkasama kami ay hindi maiwasan ng mga kababaihan ang lingunin ang lalakeng kinakapitan ko ang braso. Lagi siyang tinitignan ng mga tao dahil sa sobra niyang gwapo.
At maski ako ay hindi nagsasawang titigan ang kabuuan niya...
"I feel woderful because I see the love light in your eyes..."
Bigla akong kinabahan at nagsitayuan ang mga balahibo ko nang may kumanta nang part na yon...
Halos dinig na dinig ko ang pagtataka sa boses ng mga tao. Tinignan ko ang mga mahal ko sa buhay na nunuod sa harap. Nakita ko si papang nakangiting nakatingin sa akin at bumaling siya ng tingin sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...