"Oh! Arissa!! San ka naman galing at nawala ka agad?" Salubong sa akin ni Boss Dyesabel.Teka? Hinahanap niya ba ako kanina?
"Nako! Di mo naman sinabing sobrang ganda pala ng boses mo? Tapos sobrang galing mo pa! Mabuti na lang na aksidente ang mga mag-peperform ngayon kung hindi! Baka hindi ko pa narinig iyang napaka-ganda mong himig! Ano pa kaya ang hindi mo kayang gawin? Ang perfect mo naman!" Purong papuri ni Boss Dyesabel.
Perfect? Hindi mo lang alam Boss Dyesabel.
At tsaka okay bang may naaksidente? Siraulo talaga itong si Boss.
Ngumiti na lang ako sa sinasabi niya inakbayan niya ako at iginaya sa kung saan man, pero parang alam ko ang pwestong ito.
"Ahm... Boss Dyesabel! May trabaho pa po ako eh." Sabi ko naman sabay hinto sa paglalakad.
"Nakoo! Ieexempt muna kita! Ang daming natuwa sa ganda ng boses mo kanina at mukhang pati si Boss natuwa sayo kaya naman sabi ko ay ipapakilala kita!" Naeexcite na sabi niya pa.
Natulala na lang ako nang sa sinabi niya at isang iglap andidito na ako sa table kung nasaan siya.
Teka? Ibig sabihin siya ang Sir na tinutukoy nila? Siya yung kinakatakutan ng mga staff dito?
"Sir, Sy. This is her."
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nahila na pala ako ni Boss Dyesabel dito sa pwesto ng lalaking ayaw na ayaw kong makita! May kung ano-ano pang pinagsasabi si Boss Dyesabel na hindi ko na maintindihan dahil sa mabilis na tibok lang nang puso ko ang naririnig ko ngayon. Hindi ko alam pero hindi ko siya matignan sa mata niya at ngayon ay nakayuko lang ako.
"Arissa? Are you okay?" Tanong ni Boss Dyesabel.
Pilit akong tumango bilang sagot. Naramdaman ko na gumalaw si Boss Dyesabel at naramdaman ko na lang na may kumurot sa tagiliran ko.
"Tumingin ka inday!" Bulong ni Boss Dyesabel.
Napapikit na lang ako ng matagal dahil pag-dedemand ni Boss Dyesabel. Alam kong kailangan niya ng maraming sinasabi patungkol dito sa Bar dahil nga siya ang manager pero bakit kase kailangan madamay pa ako?!
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nagulat na lang ako ng nakatingin pa din siya sa akin kung paano niya ako tignan kanina habang nakanta. Hindi ko kaya yan! Iniiwas ko agad ang mga mata ko sakaniya.
"Yaaaaan! That's her sir! Alam mo ba na maraming costumer na natutuwang may bago daw kaming staff na maganda. HAHAHA!" Pabirong pagbibida ni Boss.
Ano ba namang pinagsasabi niya? Kailangan pa bang pati yon i-belong sa topic?
"Hmm... Crush pa din pala ng bayan." Tanging sagot ni Dwyth.
Napatingin ako sa sinabi niya? Wag niyang sabihin na irereavel niya ang sa amin!?
"PA DIN?!" Takang tanong ni Boss Dyesabel.
"Yeah! We're schoolmate before." Malamig na tugon niya.
Hindi ko alam kung para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging sagot niya. Mukhang mas ayos naman yong sagot niya na schoolmate eh.
"Ah oo nga pala! Nagbabanda ka din dati diba Sir?" Tanong si Boss Dyesabel.
Napatingin ako kay Boss Dyesabel sa natanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Alam niya bang... Haaaaayy!! Aki humanda ka talaga sa akin.
Tinignan ko si Aki sa stage na nakatingin din pala sa akin. Nag-peperform sila ngayon sa stage at nagpapatawa. Nag-peace sign naman siya sa akin at tinarayan ko lang siya. Itong baklang ito napaka-chismosa talaga!
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...