Chapter 13

24 6 0
                                    





Pinilit kong hindi maiyak sa pag-commute. Lechugas na lalakeng iyon! Mabuti na lang at may nadala ko ang gamit ko sa pag-alis namin. Pinilit kong pagaanin ang sarili kong pakiramdam.

Nang umalis ako sa condominium niya ay nakita ko pang medyo nagtitingin sa akin ang mga tao pero wala na akong pakealam doon. Isipin nila ang gusto nilang isipin.

Nang makauwi ako ay napaka-aga pa sobra. Umalis kami ni Dwyth sa Bar nang sobrang aga kung kaya naman nakauwi din ako nang mas maaga pa sa normal na uwi ko.

Napahinto ako ng makita kong may taong nakatayo sa tapat ng bahay namin.

Napakunot ako ng noo dahil mukhang wala naman siyang ibang intensyon kundi ang pagkatitigan lang ito at hindi ko na kinayanan pa dahil kinain na ako ng kuryusidad ko kung sino ba siya.

"Excuse me? Anong kailangan mo?" Kabadong tanong ko.

Madilim pa kase alas-dos pa lang ng madaling araw. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakasumbrero siya at sobrang natatakpan ng dilim ang mukha niya. Pero base sa pustura niya ay lalake siya.

Nakita ko ang bahagyang paglingon niya. Lalapitan ko pa sana siya kaso bigla siyang tumakbo palayo hindi ko alam pero malamang sa takot ko ay hindi ko na pinilit pang habulin pa siya.

Mabilis akong pumasok sa bahay at inilock ulit ito gaya ng ginawa ko ng nakaraan. Umakyat ako sa kuwarto at sa mismong kuwarto nila Tintin ako pumasok.

Kahit pa pakiramdam ko ay wala namang masamang intensyon ang lalakeng iyon hindi pa din ako nakakasigurado kung ligtas ba ang mga kapatid ko sa bagay na ginagawa niya.

Siya din ang lalakeng iyon noong nakaraan, pero bakit niya ginagawa palagi ang bagay na iyon. Tapos ngayon ay mas malapit na siya! Mismo sa tapat na nang pintuan namin!

Naglatag ako ng banig sa ibaba na nasa tabi ng kama nila Tintin. Prenteng humiga ako dito at ilang minuto lang ay nakatulog na.


"Ate?"

Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog sa mga balikat ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Tintin na nakasuot na nang uniform.

Bumangon ako at humikab. "Papasok ka na ba?" Tanong ko at tsaka iniayos ang banig na pinagtulugan ko.

"Bakit diyan ka natulog ate?" Takang tanong niya.

Mas pinili kong matulog sa tabi nila yung mas malapit sakanila dahil pakiramdam ko mas safe kung magkakalapit kami lalo pa sa nangyari kanina.

Ngumiti ako sakaniya, "Namiss ko lang matulog nang magkakasama tayo... ayaw mo ba?" Pabirong sabi ko.

Natawa na lang siya sa akin bago siya umiling. "Aysus! Baka natatakot ka sa kuwarto nila Mama! Bakit may nagpaparamdam ba?" Pananakot niya.

Akala niya naman matatakot niya ako! Hindi ako naniniwala sa multo ano! Hindi ako madaling maloko sa mga ganoon na bagay. Kaya nga palaging ako ang kasama dati ni Aki na manood ng horror sa bahay nila dahil natatakot siya palaging umihi sa CR kapag nanonood kami ng nakakatakot. Syempre walang malisya sa amin iyon! Eh mas babae pa sakin ang baklang iyon eh.

Inayos ko ang hinihagaan nila at hinawakan ko ang pisnge ni Utoy at tumingin nang muli kay Tintin. Nilapitan ko siya at dumukot ako ng sengkwenta sa bulsa ko nakalimutan ko din pala ang magpalit kanina.

"Mag ingat ka sa pagpasok mo ah!" Bilin ko sakaniya.

Tumango siya sa akin at tsaka na nagpaalam umalis. Tinignan ko naman si Utoy na natutulog pa din sinipat ko ang wristwatch ko kung anong oras na mag aalas-sais na din pala.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon