Kakauwi ko lang at ramdam ko ang saya ko. Binigay kase sa akin ni Boss Dyesabel ang bayad ko daw sa pag-peperform sa halagang Five thousand kaya naman sobrang saya ko. Isipin mong isang kanta lang naman ang kinanta ko pero ayon na ang laki ng nakuha ko ang sabi niya pa ay madami daw kaseng natuwa kaya dinagdagan niya ang bayad.Laking pasalamat ko na hindi na ako ginulo ni Dwyth habang nagtatrabaho ako at maaga din naman siyang umuwi. Nag congrats lang naman siya kay Boss Dyesabel sa ganda nang pamamahala nito at ayon binigyan niya kami ng bonus at pahinga sa linggo kasabay ng sahod namin. 15 at 30 kase ang sahuran doon sa bar at katapusan na din sa linggo. At dalawang araw na lang ay maglilinggo na.
Nilapag ko sa tabi ang bag na dala ko sa pagtatrabaho at humiga na muna sa kama. Parte talaga sa trabaho ang pagod na ganito, naalala ko tuloy si Papa at si Mama. Kada uuwi si Papa galing sa trabaho niya ay palagi siyang minamasahe ni Mama sa sintido, kamay, mga braso, balikat... at lahat ng iyon ay hindi na mangyayari pa.
Tinignan ko ang gitara na nakasabit sa dingding. Matagal tagal ko nang hindi ito natatanggal sa lalgyanan niya upang gamitin. Nakastock lang siya diyan simula ng itigil ko ang pagkanta. Napaupo ako at inalala ang pakiramdam ng kumantang muli sa harapan ng maraming tao. Sobrang nakakamiss pala talaga pero alam kong hanggang doon na lang iyon.
"Oh baks! Halika na! Sahuran na oh! Baka umalis na si Boss Dyesabel sa bar nito." Nagmamadaling aya ni Aki sa akin.
Linggo na ngayon at alas-dyes pa lang nang umaga ay nag-haharumintada na itong si Aki sa pagkuha ng sahod at bonus namin.
Naeexcite na tuloy akong kunin ang unang buong sahod ko na may kasama pang bonus. May nagawa din pa lang tama ang lalakeng iyon kahit papaano.
"Oo eto na! Oh Tintin magbihis kayo ni Utoy ah? Pag-uwi ko aalis tayo!" Bilin ko kay Tintin na tumango lang bilang sagot.
Lumabas na ako at hinampas ang braso ni Aki. "Ang ingay mo baks!!" Suway ko.
Tinarayan niya lang ako at natawa na lang ako sa ginawa niya. Napakaingay niya pa din kahit pa nasa biyahe kami papuntang bar at sarado ito ngayon dahil sabi daw ay ipagpapahinga daw namin ang araw na ito. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay makakasama ko nang araw na ito ang mga kapatid ko. At dahil may bonus! Gagala kami.
"PARAAAA!!" Sigaw ni Aki.
Nahiya man ako sa pagka-OA ng sigaw niya ay wala na lang akong nagawa kundi ang bumaba. Nagtawanan na lang kami nsa kahihiyang ginawa niya.
"Nakita mo yung nanay? Oh diba? Daig si Godzilla kung makatingin!!" Natatawang sabi niya.
Naglakad na kami papasok ng bar at maging ang café ay hindi din pinagbuksan ngayon, nakasulat sa pintuan ng Bar ang salitang 'Sorry we're closed.' Binuksan ni Baks ang kanang bahagi ng pintuan at pumasok na at ako naman ay sumunod lang sakaniya. Pumasok kami sa kuwarto kung saan namamalagi ang Manager ng Bar nakaupo sa swivel chair si Boss Dyesabel at kinakausap si Kuya Noel maya-maya lang ay inabot na nito ang brown na maliit na envelope malamang ang laman noon ay ang sahod niya.
"Salamat boss!" Ani ni Kuya Noel.
Tinanguhan lang siya ni Boss Dyesabel at tumalikod na si Kuya Noel nang magtama ang mata niya sa aming dalawa ni Aki ay ngumiti siya at binati kami ganon din ang ginawa namin sakaniya bago siya tuluyang lumabas ng pintuan.
"HELLOOO BOSS!!" Masiglang bati ni Aki kay Boss Dyesabel.
Tinignan kami ni Boss bago ngumiti ng malaki. Inabot niya din sa amin ang mga envelope bago siya nagsalita.
"Ayan ang mga sahod niyo. Oo nga pala, Aki simula bukas ng lunes ay asahan mo nang maglilipat-lipat ka nang sister-branch ng LoveShot." Nakangiting balita ni Boss Dyesabel.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...