Chapter 52

12 3 0
                                    





"Oh sige... bibigyan kita nang pahinga. Huwag kang mag-alala."

Kausap ko ngayon si Manager Violet sa cellphone at nagsabi ako na gusto ko munang magpahinga. Mabuti naman at naintindihan niya iyon.

"Salamat po."

Binaba ko na ang linya at nilapag ang cellphone ko sa side table na katabi ng kama ko. Nakatanggap ako ng ilang messages galing sa mga kaibigan at kakilala, maging kay Dwyth pero hindi ko na iyon muna pinansin.

Inayos ko ang kama ko at dumeretso ako ng banyo para maghilamos. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang lahat ng iyon. Nagpapalamig pa din muna ako ng sitwasyon.

Nakuha ko na lang ang isang text galing kay Felix na dederetso na muna siya ng New york at doon na muna siya. Walang eksaktong taon kung kelan babalik at wala na akong narinig pa na kahit na ano.

Nakapanood din ako nang interview kay Kelly patungkol sa award na nakuha ko kung anong komento niya at natawa na lang ako ng makita ang pagiging mapag-kunwari niya pero hindi ko na yon pinansin.

Pinayagan ako ni Manager Violet na magpahinga dahil na din sa mga biglang nangyari. Si Aki ay dinadalaw din ako dito sa bahay. Nagulat na lang siya ng makita niya ulit si Papa. Kaya ayon ang dami niyang chika sa buhay.

At kami ni Dwyth? Pinapalamig pa muna naman ang sitwasyon. Hindi ko pa din siya pinapansin sa mga chat, texts and calls niya. Hindi ko alam kung kaya ko na pero aaminin kong namimiss ko na siyang talaga. Masyado lang akong nasaktan.

Paglabas na paglabas ko galing sa banyo ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Pinuntahan ko yon at binuksan nang bumungad sa akin si Nanay Luna na may hawak na bouquet at box.

"May nagpadala ulit." Aniya.

Ngumiti ako at kinuha ang hawak niya. Tatlong araw na lumipas nang hindi na kami nagkikita ni Dwyth at sa tatlong araw na yon ay hindi siya pumapalya sa pagbibigay ng regalo sakin.

"Salamat po."

Ngumiti si Nanay Fe sakin at umalis na din. Isinarado ko ang pinto at inilapag ang bigay niyang iyon sa kama. At gaya ng mga nauna ay may sulat na nakapuslit sa bouquet.

Babe, still missing you. I'm sorry, hope we'll see each other again. I love you always! <3

Inilapag ko ang sulat sa isang tabi at binuksan ang box at ganoon na lang ang pagngiti ko nang biglang bumangsak ang box pagtanggal ko ng takip at bumungad sakin ang mga pictures namin.

"Parang teenager." Natatawang sabi ko.

Inisa-isa kong tinignan ang mga picture na nakalagay sa explosion box. At hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kadalasan na gumagawa nito ay babae. Siya ba talaga ang gumawa nito?

Natigilan ako ng makita ang picture namin noong nasa rooftop kami. Itong surprise niya... sobrang nakakatuwang maalala.

"Dwyth..."

Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking pisnge at patuloy na nagtitingin nang mga pictures. Nakita ko naman yung picture nung nasa Arcade kami at nagbabasketball siya.

"Kung mahal mo huwag kang mag-iisip ng pagsuko sakaniya. Walang perpektong relasyon anak... alam mo yan."

Tama si Papa... hindi ko dapat sukuan si Dwyth. Naiintindihan ko ang punto ng mga sinabi ni papa sakin. Hindi ko hahayaan si Dwyth na madikit sa Kelly na yon.

"Tama! Sapat na sigurong mga araw na yon!" Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Dwyth at hindi pa man natatapos ang unang ring ay sinagot na iyon.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon