Chapter 5

24 7 0
                                    




"Aki baka naman may extra doon sa bar?"

Nasa karinderya kami ngayon dahil sabi ko sakanya ay mag-usap kami about sa LoveShot. Di siya kanina magkandaugaga habang pumunta siya dito. Akala niya kase ay mag peperform na akong as a singer sa bar ang di niya inasahan na mag aapply ako bilang waitress.

"Nako! Alam mo naman comedian lang ako doon eh. Wala akong alam sa mga waitre o kaya mga trabahador nila bukod sa pagpeperform lang!" Sagot niya.

Oo nga pala, comedian siya sa bar na yon kaya wala siyang gaanong alam pagdating sa ibang trabahador doon sa bar. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nalaman ko.

Baka saan na lang kami pulutin magkakapatid nito.

"Ah! Alam ko na! Sige pumunta ka sa bar ngayon. Sasamahan kitang mag apply, irereto kita kay manager. Malay natin diba?" Masiglang sabi niya.

Para naman akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niyang iyon. Atleast kahit papaano hindi ako tetenngga sa bahay ng ilang araw ng hindi kumikita. Di ko na talaga alam kung saan ako hahanap ng pagkukunan eh.

"Talaga?! Nakoooo! Salamat Baks ah! Salamat talaga!" Masayang sabi ko pa.

"Oh siya sige! Umuwi kana sainyo ngayon tapos mamayang hapon mga alas-singko susunduin kita sa inyo para sabay tayong pupunta sa bar. Dalhin mo yung mga forms mo ah?!" Bilin nito.

"Oo sige." Masayang sagot ko.

Alas-singko na at nakahanda na akong mag apply sa bar na pinag-peperforman ni Aki. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto at nilingon ko kung sino iyon at siyang laki ng ngiti ko ng si Aki ang nakita ko.

"Tara na Baks!!" Aya nito.

"Oo papunta na!" Sagot ko.

Nagbilin na ako kay Tintin ng mga dapat niyang gawin. Maging ang pag-aalaga kay Utoy ay inihabilin ko na din. Binigyan ko siya ng isang daan pang gastos nila.

"Pang-ulam, Ang matira ay itabi incase na may kakailanganin ah!" Sabi ko kay Tintin at tinapik ang ulo niya.

Tumalikod na ako sakaniya at pumunta kay Aki na nakangiting naghihintay sa akin.

"Tara!" Aya ko.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng eskinita kung saan kami magkapit-bahay ni Aki. Panay ang kwento niya ng mga karanasan niya sa LoveShot Bar at ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala siya doon na aasign magperform dahil may mga sister branch pa ang LoveShot Bar na mga Bar din around Manila meron din daw sa ilang sikat na lugar sa pilipinas.

"Oo nga pala Baks? Bakit hindi ka mag auditions? Maganda ka! Matangkad! Makinis! Maputi! At may talent!!" Sabi niya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya, nakasakay kami ngayon ng jeep na dadaan sa LoveShot Bar.

"HAHAHA... Baks! Alam mo namang wala akong hilig sa ganon ano! At tsaka hindi ako makakapasa sa ganon!" Naiiling na sagot ko.

"Nako! Kung ako nabiyayaan ng ganyang natural na ganda! Hindi ko na sasayangin pa. Sana lahat makinis... akin na lang yang kutis mo! Yung akin kase parang balat ng bayabas eh." Pabirong sabi nito.

Natawa na lang ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Mabuti na lang may kaibigan akong kagaya niya. Bumaba na kami ng nakarating na kami sa lugar ng Bar.

Pumasok siya at ako naman ay nakasunod lang sakaniya. Ngayon ko lang nalaman na Café pala ito pag-umaga. Inaayos na kase nila ang mga lamesa at upuan maging ang stage.

"BOSS!!" Sigaw ni Aki.

Napalingon naman ang isang lalake na medyo mag edad na. At parang bakla din. Lumapit kase ito sa amin, nakataas ang kanang kilay ng lumingon. Lumapit sakanya si Aki at niyakap ito at nakipag beso beso pa.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon