Binuksan ko ang pintuan ng opisina ni Manager Violet at bumungad sa akin si Dwyth na nakasuot ng isang formal wear at sun glasses at madalas na ginagamit niya ito para makapuslit sa media. Lalo pa ngayon na may audition sa baba.Hinila ko agad siya papasok at sinarado ang pinto at niyakap siya nang mahigpit. Sobrang namimiss ko na siya. Medyo naging busy na din kase si Dwyth sa negosyo ng pamilya nila lalo pa ngayon na mag-gagraduate na siya and after noon ay deretsong kompanya agad siya.
"Babe miss me?" Tanong niya.
Tumango ako bilang sagot dahil ayaw kong kumalas sa yakap na iyon. Naamoy ko ang paboritong pabango niya na naging kinaadikang amoy ko sakaniya.
"Me too." Malambing na dagdag niya pa.
Tiningala ko siya at siya din pala ay nakatingin sakin. Mabilis na dinampian niya ako ng halik at mabuti na lang ay nakontrol niya iyon dahil kung hindi baka kung saan pa kami mapunta nito.
"Dinner tayo then hatid kita sainyo?" Alok niya.
"Baby may celebration kami mamaya eh want to join? Kung pagod ka galing sa kompanya niyo okay lang kahit—"
Natigil ang pagsasalita ko ng halikan niya ako pero hindi din iyon nagtagal.
"Sasama ako tutal kanina pa ako tapos sa training sa kompanya and I want to be with you..." Aniya.
Napatango ako sa naging sagot niya at nararamdaman ko din ang pag-init ng pisnge ko. May kinuha siya sa bulsa ng coat niya at shades din iyon at isinuot niya iyon sa akin.
"Just incase. C'mon! Dinner muna tayo then deretso na tayo sa celebration niyo. Saan daw ba?"
Chineck ko ang phone ko pero wala text message dito na galing kay Manager Violet. Kaya naman denial ko ang number nito at naka-ilang ring muna bago niya ito sinagot.
"Hello?" Aniya sa kabilang linya.
"Manager? Hindi ko kase alam kung saan yung venue ng celebration..."
"Ah yes. Doon na lang tayo sa bar ni Dwyth sa loveshot na lang mga 8 o'clock. Dadalhin mo ba si pamangkin?" Tanong nito.
"Opo. Kasama ko po siya ngayon." Sagot ko naman.
"Okay... Oh siya! Ibababa ko na ah." Aniya tsaka pinatay ang linya.
Hinarap ko na ulit si Dwyth na hinihintay lang ako.
"Tara? Kain muna tayo ng dinner medyo nagugutom na din kase ako. Sa loveshot lang daw naman." Sabi ko pa.
"Okay. Tara na?" Anyaya niya.
Lumabas na kami ng opisina ni Manager may mangilan ngilan na nakakakita sa amin at binabati kami. Ang mga braso naman ni Dwyth ay nakapulupot sa bewang ko.
Pagpasok namin sa elevator ag binabati kami ng ilang empleyado at tinutugunan ko naman iyon ng ngiti samantalang si Dwyth naman ay tahimik lang.
"Kumusta sa nilipatan niyong bahay?" Tanong ni Dwyth.
Nasa malapit na restaurant lang kami ngayon at kaunti lang din ang inorder namin dahil mamaya ay may celebration pa naman.
"Hmm... Ayos na ayos." Nakangiting sagot ko.
"Good. Hindi naman kaya masyadong maliit?" Nag-aalalang tanong niya.
Napatawa na lang ako sa tanong niya. Kalokohan na maliit ang bahay na yon dahil sobrang laki na nga noon para sa amin. Kung tutuusin kami kami lang naman ang nandodoon sa bahay at ang iilang kinuha ni Dwyth na kasambahay para mag bantay sa mga kapatid ko. Nakakatuwa dahil tinutulungan ako ni Dwyth sa mga bagay bagay na gaya nito.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...