Chapter 40

13 3 0
                                    




"Dwyth..."

Sabi ko at ngumiti sakaniya. Nilapitan ko siya para yakapin pero hindi niya ako ginantihan ng yakap.

"Ahm si Felix nga pala may binigay na regalo sa akin." Dagdag ko pa.

Tinignan niya lang si Felix ng seryoso.

"Ahm... Felix? Dwyth? Pasok na muna tayo? Hehe... kain tayo sa loob. Masarap yung mga pagkain." Aya ko.

Nararamdaman ko ang ihip ng hangin sa pagitan namin at ramdam kong may hindi maganda kaya bago pa may mang-yaring masama gagawa na ako ng paraan.

Inangkla ko kamay ko sa braso ni Dwyth at pumasok na kami sa loob mabuti na lang at sumunod din si Felix.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay Dwyth.

Iling lang ang sinagot niya. Bumuntong hininga na lang ako dahil mukhang nagtatampo na naman siya at alam kong dahil yon sa naabutan niya na pagkakayakap ko kay Felix.

Pero niyakap ko lang naman si Felix kase sobrang natuwa ako sa regalo niya sa akin eh. Hindi niya naman kailangan pang magselos don. Hayst.

"Wait kuhaan muna kita nang makakain." Dagdag ko pa.

Inilapag ko muna ang bouquet at ang box sa isang tabi at pumunta na ako sa lamesa at kinuhaan ko ng pagkain si Dwyth matapos non ay bumalik din ako sa pwesto niya at nasa sala's siya kausap ni Tita Mariss at Aki at nandoon din si Felix.

"Ahm... Dwyth oh." Abot ko ng plato kay Dwyth na kinuha niya naman.

Tumabi ako sa kaniya at ang pwesto namin dito ay katabi ko si Dwyth sa kanan. Si Tita naman ay katabi si Aki na kaharap naman si Dwyth at si Felix naman ang kaharap ko bale pinagigitnaan ni Tita Mariss at Felix si Aki.

"Ijo bakit nga ba ngayon ka lang?" Tanong ni Tita Mariss kay Dwyth.

"May nangyari ho kase sa opisina." Sagot ni Dwyth.

"Ano?" Tanong ko.

Napatigil sa pag-subo si Dwyth at nakita ko na napatingin siya kay Felix. Anong meron sakanila ni Felix? Bakit ganoon siya makatingin?

"Ah simpleng problema lang po." Sagot niya.

Ramdam ko ang pagkaalangan niya sa sagot niyang iyon. Hindi tuloy ako kumbinsido sa sagot niya.

Biglang sumingit si Aki at siya namang nagkwento ng kung ano-ano. Pansin ko ang kakaibang pakiramdam sa pagitan ni Felix at Dwyth. Mukhang apektado pa din si Dwyth sa nakita niya kanina.

Binalewala ko muna ang napapansin ko na yon pero magpapaliwanag ako kay Dwyth. Hindi dapat magtagal ang tampo niyang iyan sakin.

"Ars? Gogora na ako ah? May taping pa bukas eh." Paalam ni Aki.

Alas-onse na din kase nang gabi at gaya ni Aki ay nagsipag-uwian na ang mga bisita.

"Oh siya sige! Mag-iingat ka ah." Paalam ko din.

Binalikan ko ng tingin si Dwyth na nag-ce-cellphone lang mula kanina. Hindi niya ako gaanong pinapansin depende kung may itatanong lang ako sakaniya.

"Dwyth? Gusto mo bang dito matulog?" Panimula ko.

Tinignan niya ako saglit at nagtaas lang siya ng balikat niya na parang sinasabing ewan.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi to pwedeng ganito lang siya.

"Dwyth... Anong problema? Kausapin mo naman ako." Sabi ko.

"Kinakausap naman kita." Aniya.

Bumuntong hininga ako ng pakabigat. Hindi ko to kaya eh! Para naman siyang babae na sinusuyo.

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon