Chapter 53

15 3 0
                                    

Dwyth's POV


Na-excite ako sa biglang pag-aaya ni Arissa babe sa dinner namin. Biglaan yon and I waited for it, for too long. Para akong walang buhay sa nagdaang araw na hindi kami nagkita. Para akong lantang gulay at buhay na bangkay na walang gana.

Inaamin ko na may nagawa akong mali. I was wrong when I said all that bullshi*ts to her and I admitted that I was wrong and yung sa nangyari sa nakita niya.

Di ko pa din mapigilang hindi mainis sa sarili ko sa tuwing sumasagi yon sa isip ko.

Walang araw akong pinalampas na padalhan siya ng sorry letter and messages. Minsan din akong tumatawag sakaniya pero hindi niya iyon sinasagot and it made me broke into a pieces but I know na hindi ako dapat sumuko. I send a lots of Voice message to her, saying sorry and how much I love her everyday.

Hindi ko pa din naman nakakalimutan yung nakita ko between her and Felix but I am sure that its Felix fault. Matagal na siyang may gusto kay Arissa kaya baka nagawa niya yon.

My landline rings and I answer it.

"Sir, Mr. Asuncion wants to see you his here at the reception."

"Okay."

Binaba ko na ang linya at tumayo. Malamang may gustong ipakita or may gustong sabihin sa akin si Mr. Asuncion kaya ako ang kinausap instead of my dad.

Pagkababa ko ay nagulat ako sa hindi ko ineexpect na mukha ang siyang nabungaran ko.

"What are you doing here?" Takang tanong ko.

"Didn't your secretary said na ako to?"

"He said it was Mr. Asuncion." I said.

He chuckled. "I am, Mr. Asuncion." He said sarcastically but in a joke way.

"What you want?" I ask.

"Gusto kitang makausap ng masinsinan." He seriously said.

Pumunta kami sa isa sa mga pinakamalapit na café dito sa opisina. Nakaupo siya sa tapat ko at nilalaro ang teaspoon at hinahalo iyon sa coffee niya.

"Sabihin mo na." Sabi ko.

"Pasensya na pre. Hindi naman lingid sayo na gusto ko matagal na si Arissa, actually simula pagkabata. Gustong-gusto ko na siya. I want to protect her at any cost. Ang tagal kong tinago sakaniya tong... itong nararamdaman ko sakaniya. Minsan dinadaan ko sa biro yung gusto kong sabihin sakaniya, then after that tatawa siya ng sobrang ganda. Akala niya dati biro lang ang lahat... ng sinasabi ko. But its not pero pinipili ko na lang din na palabasin na ganon nga iyon kase ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Alam mo bang sobrang daya ng mundo sakin?" He said.

Tinignan ko siya sa mata niya habang patuloy niya lang na nilalaro ang kutsarita sa kape niya. Napangiti siya bigla sa kawalan and he continue.

"Oo pre, ang daya. Bakit ganon? Nasaktan mo na siya dati... pero ikaw pa din yung pinili niya? Tch! Siguro nga dahil ganon ka niya kamahal. Nung gabi na yon nagtapat ako sakaniya pero wala eh friend zone lang pre. Na friend-zone niya lang ako at hindi ko matanggap ang hirap kaseng tanggapin. Ako naman yung laging nasa tabi niya pero ikaw pa din ang minamahal niya... why? how? Paanong nangyari yon? Natawa na nga lang ako sa sarili ko habang naalala ko ang kagaguhan ko ng gabing yon. Malamang dala ng nainom ko nagkalas ako ng loob umamin at nag baka sakali lang naman ako... na kapag hinalikan ko siya baka, baka lang naman magbago ang mararamdaman niya. Stupid right? Pero wala eh! Naramdaman ko ang pagtulak niya sakin, palayo." Kwento niya.

Ibig sibihin... yung mga iniisip ko sa nakita ko ay mis-understanding ko lang lahat? Tamang hinala ko lang? Wala palang nangyaring halikan sa pagitan nila?

The Rhythm [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon