"So... ibig mong sabihin ikaw talaga yung lalaki na yon?" Namamanghang tanong ko.Nakatingin lang siya sa kalsada at seryosong nagmamaneho. Ang gwapo niya talaga kapag nakaganyan siya.
"Aha! Nag-alala ako no'n sayo kase nauntog ka sa mic pero ayaw kong lumabas at baka magtaka ang mga kasama mo kung paano ako napunta doon." Sagot niya.
Napatango na naman ako at hindi ko maalis ang pagkamangha sa nangyari noon. Ibig sabihin hindi multo o guni-guni ang nakita ko nang gabing yon! Dahil totoong tao siya at si Dwyth nga yon.
"Alam mo bang ako din ang nagsagip sayo sa pedestrian lane?" Biglang sabi niya.
Napakunot ako sa sinabi niya-Teka? Ayon ba yung araw na muntik na akong sagasaan? Siya yung nakakulay gray na hoodie? Oh my god! Kaya pala pamilyar sa akin ang hoodie na yon eh.
"Ikaw yung nagsagip sakin?" Gulat na tanong ko.
Nakangiti lang siyang nakatingin sa kalasada at masayang tumango bilang sagot sa tanong ko.
"Oh my god!! Alam mo ba kung gaano ako no'n ka thankful sayo? Dahil kung hindi mo ako nasagip no'n kawawa talaga ang mga kapatid ko!! Pero teka? Ibig sabihin noong araw na yon nakita mo na ako? Pano mo ako nakita noon?" Tanong ko naman.
Narinig ko pa ang paghagikhik niya. "I actually... stalking you." Bigla siyang namula nang sabihin iyon.
Napalaki na lang ang mata ko sa narinig kong sagot niya. Ako? Iniistalk niya? Para saan? At kailan pa?
"A-ano?!" Gulat na tanong ko.
"Nito lang naman iyon. Pag-uwi ko galing sa U.S saktong nong araw na iyon ay kalalabas ko lang ng building tapos nakita kita hanggang sa sinundan kita and I saw you and you are looking for some works... To tell you honestly, gustong-gusto kitang tulungan but I know you, you wouldn't accept it. Tapos ayon nakita kitang tatawid sana and I saw that car na matulin magmaneho... sobrang nag-alala sayo kaya niligtas kita." Kwento niya.
"Eh bakit hindi ka nagpakita sakin?" Takang tanong ko naman.
Napatahimik siya nang ilang saglit at sumeryoso pa ang kaniyang ekspresyon.
"Ang tanong. Gusto mo na ba akong makita that time?" Balik na tanong niya sakin.
Napatahimik naman ako sa tanong niya sa akin. At tama siya, hindi pa ako talagang handa makita siya ng mga panahon na iyon at baka imbes na magpasalamat ako sakaniya pag nakita ko siya ay baka masampal ko pa siya sa inis at galit ko noon sakanila.
"But atleast we're okay. And that's the important thing right now... I love you, and hindi iyon nawala sa akin." Nakangiting sabi niya.
Hinarap ko siya at tinignan siya napakaswerte kong nandiya-diyan na siya ngayon ulit. At nararamdaman ko naman ang pagiging sinseridad niya sa mga oras na ito. At alam kong kapag andiyan siya... masaya ako.
"Tin? Andidito pala ang nobyo ng ate mo? Nako! Pasok ka ijo pasensya kana at magulo ah? Naglaro kase si Utoy." Salubong ni Tita Mariss.
"Ayos lang po." Magalang na sagot ni Dwyth.
Napatingin naman ako sakaniya dahil nagmano pa talaga siya kay Tita kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko. Ganitong ganito siya kapag sila Mama ang sumasalubong sakaniya dati.
"Nako! Kaawaan ka ng diyos!" Natutuwang sabi ni Tita.
Umupo kami ni Dwyth sa sofa dito sa sala sinabihan ko naman si Tita na huwag na kaming asikasuhin dahil baka mapano pa siya pag nagkataon.
"Tita... ayos lang po kami!" Pagpipigil ko pa kay Tita nang maglagay ng meryenda sa harapan namin.
"Nako eh minsan lang ito kaya sige na ayan! Meryenda para sa inyo ng nobyo mo." Masayang sabi pa ni tita.
BINABASA MO ANG
The Rhythm [Completed]
Romance'Hindi na ako gaya ng dati, maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Hindi ko alam kung paano pa maibabalik ang nakaraan na ako, Nakaraan kung nasaan ako, at nakaraan na saya ng Ritmo ng buhay ko.' Paano niya maibabalik ang dati niyang buhay na naw...