Kabanata 7

5K 59 28
                                    

Kabanata 7


Pearl


A couple of months had passed since the school year began, at halos ibato ko na ang hawak kong libro ngayon dahil kanina pa ako walang maintindihan sa lahat ng binabasa ko. Buti pa si Azriel ay nakapasa na sa board exam kaya isa na siyang Chemical Engineer. Ako kaya, kakayanin ko bang matapos sa pag-aaral? Pakiramdam ko kasi ngayon ay sasabog na ang utak ko dahil sa dami at hirap ng mga pinapagawa.


"Ayoko nang mag-aral," iritado kong sambit bago ko kinuha ang aking cellphone. 


My eyebrows instantly furrowed when I saw a lot of text messages. Kaagad kong binasa ang mensahe galing sa mga magulang ko at parehas nila akong binabati. 


"Today's my birthday?" hindi ko makapaniwalang tanong sa aking sarili. 


Napapailing na lang akong tumayo at lumabas muna ako ng kwarto para makainom ako ng tubig.


Habang umiinom naman na ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. It must be Kuya Azriel. Nagpaalam siya kanina na pupunta sila ni Eris sa mall.


"Good afternoon," bati niya kaagad sa akin bago ako yakapin.

 

"How's your bonding with her?" tanong ko naman sa kaniya.


"Ayos lang. Hindi na kami nakakain dahil dumating si Atlas, yung matagal niya ng gusto," he replied before kissing my forehead. 


Tumango lamang ako at tinanggal ko na ang yakap niya sa akin. Magluluto na ako para makakain na kami ng pananghalian. Lumapit na ako sa ref at akmang bubuksan ko na 'to nang pinigilan niya kaagad ako.


"What's wrong?" tanong niya at hinapit niya muli ang aking bewang. 


"Nagugutom lang," sagot ko naman at tinanggal kong muli ang kaniyang yakap. 


"Ako na ang magluluto," agap niya at kaagad akong inunahan sa pagbubukas ng ref. 


"Bahala ka," walang gana kong sagot bago ko siya iniwan sa kusina.


Nagpunta na lamang ako sa balcony para magpahangin. Ano na naman bang sinusumpong ko?


Maya-maya pa ay may mga braso nang umangkin sa aking bewang. He placed his head on my shoulder.


Nagagawa niya na 'yan dahil tumangkad na ako kahit papaano at mas naging halata na ang pagiging dalaga ko. Itataboy ko na sana siya dahil gusto ko na munang mapag-isa pero naunahan niya akong magsalita.


"Happy Birthday," he said softly. 


Natigilan ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Bakit alam niya? 


"P-paano mo nalaman?" nauutal ko namang tanong bago ako humarap sa kaniya.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon