Kabanata 31
Busy
Napasandal na muna ako sa gilid ng elevator at napapikit. Ngayon pa lang kami makakababa sa lobby ng ospital dahil matapos kong masaksihan ang pagkuha ng mga nurse sa nanay ko ay tila ilang minuto muna akong naparalisa bago ako muling nakagalaw.
Losing your mother is a different kind of pain. It's like a thousand small knives is piercing to your body and slowly, you can feel the pain reaches all the way down to your ligaments and bones.
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba 'to. I can't think properly anymore. My whole system is shutting down. Gusto ko na lang ding matulog at magpahinga. Ubos na ubos na ako.
"Eve, let's go," sambit naman bigla ni Linsey kaya't natauhan at napamulat na ako.
I didn't noticed that we already reached the ground floor.
Pagkalabas naman naming dalawa sa elevator ay naglakad na kami patungo sa cashier para mabayaran ang bill ni Mommy dito pero nang halos ilang hakbang na lang ang layo namin sa pupuntahan namin ay biglaan akong napahawak sa balikat ni Linsey kaya't parehas kaming napatigil sa paglalakad.
"What's wrong?" she immediately asked.
Hindi ako nakasagot. I just closed my eyes and controlled my breathing. Nahihilo ako. Siguro'y dahil sa sobrang pag-iyak.
"Let's go to the emergency room, Eve. Namumutla ka na," aya na ni Linsey ngunit hindi pa rin ako nakaimik.
"Shit. Naririnig mo pa ba ako, Azalea Eve?!" natataranta naman ng sambit ng pinsan ko.\
"Calm the fuck down. I'm —"
"Let me take care of her," a familiar baritone voice cut me off and I felt his arms slowly encircling around my waist.
Napamulat tuloy akong muli kahit na hilong-hilo na ako at bumaling na kaagad sa may-ari ng brasong umaangkin sa bewang ko.
"Leon," nanghihina kong sabi nang makita ko na ang mukha niya.
"Everything's going to be alright, Eve," sambit niya na para bang alam niya na kung anong nangyari kay Mommy bago niya ako maingat na binuhat.
Narinig ko pa ang pagtikhim ni Linsey dahil sa ginawa ni Leon, samantalang ako'y hindi na nakapagprotesta pa dahil tuluyan na akong nawala ng malay at nang iminulat ko na ulit ang aking mga mata'y nasa emergency room na 'ko pero ipinikit kong muli ang mga mata ko.
Gusto ko na munang makatakas sa realidad kahit mga isang oras lang.
Nang magising naman na ako mula sa pag-idlip ay bumungad na sa akin si Doc Xian. Babangon na sana ako ngunit pinigilan niya ako kaagad.